Chapter 11 : Gomen Kudasai

0 0 0
                                    

Chapter 11

KURO

"98"

"99"

"100"

I stood up after doing a hundred push ups, it's saturday and I've decided to stay home. Wala din akong gagawin at ayoko din lumabas, binuksan ko yung bintana para pasukin ng hangin ang condo ko dahil pinatay ko ang aircon pero bumungad sakin ay isa pang bintana. Bintana ng apartment na katabi ng buidling ng condo. Tch. Hinubad ko ang T-shirt ko at naghanda ng makakain, cereal would be perfect so I got my cereal and sat on my couch when I heard a strumming of a guitar, it was coming from the apartment.

Minsan, hindi ko maiwasang isipin ka
Lalo na't sa tuwing nag-iisa

It was an angelic voice, it was a voice of a woman. It sounds so good.

Ano na kayang balita sa iyo?

Hinahanap ka parin ng aking puso

Nasan ka na kaya?

Umaasa ba sa wala?

Lumapit ako sa may bintana sinandal ko ang braso ko sa may railings habang kinakain padin ang cereal ko. I'm literally having goosebumps, sino kaya yung kuma-kanta?

At hihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin

Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin

Patungo ~ sa iyo ~

Patungo ~ sa iyo ~

Naputol ang pakikinig ko nang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at tinignan. It was Ronin who's calling, sinulyapan ko ang wall clock sa condo ko and it's already 2 o'clock in the afternoon.

"Hello?" walang gana kong sagot sakanya

"Asan ka? May pupuntahan tayo!" sigaw niya mula sa kabilang linya

"Where?" tanong ko at medjo nilayo ang cellphone sa tenga ko, I know he'll be screaming again. Tch

"Just get dressed!" he screamed, geez. Can't he talk without screaming?

Sinubukan kong makinig kung may kumakanta pa, kung sino man iyon pero wala na akong narinig. Nagbihis na ako at lumabas, I started walking pass the apartment where I heard someone singing earlier. I stopped in front of it and took a good look at it when someone spoke.

"Iho, ikaw na ba ang may-ari ng apartment na iyan?" she asked, she was on the gate of the other house katabi ng apartment na 'to.

"Hindi ho, may nakatira ho ba dito?" she smiled at me, she's on her 50's and she got me reminded of my grandma.

"Nako iho, walang nakatira jan matagal na. Dati may magkapatid na nakatira jan pero mahigit maga-anim na taon nang walang nakatira jan" I got slightly scared of what she said but mostly shocked. If no one was living here then who was singing earlier? Don't get me wrong, I don't believe in ghost and shit. Imposibleng guni guni ko lang ang narinig ko kanina. Argh! Tch, nevermind. Nagpaalam na ako doon sa matanda at umalis.

Pinilit kong wag isipin ang kumakanta kanina but it kept bugging even when I reached Ronin's turf.

"Kuro"

That voice really was relaxing and angelic, pero kung wala daw nakatira doon then sino 'yon?

"Ryuzaki!"

Where did that sound came from? Damn it! Why am I even thinking about this.

"Kuro Ryuzaki!" I got knocked back to my senses when I heard Ronin screaming my name. Kunot noo ko naman siyang tinignan, pero nakasimangot lang siya sakin.

Kage No FukushūTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon