Chapter 4
FUMIKO ABE
"I'm back!!!!!" magsiglang sigaw ko, nagka-shooting kasi ako for three days at ngayon lang ako nakabalik. I'm so excited to see Kumori, miss ko na siya!
Naglakad na ako papasok ng Daku High may ilang taong nakatingin sakin nakikita ko sila sa peripheral vision ko kaya naman todo pa-cute ako. Hihihi Hindi ako model by the way, photographer ako ng school kaya naman kapag may shootings ako ay may excuse slip ako. Tinungo ko ang tambayan nila Kumori dahil malamang ay nandoon lang sila sa mga oras na 'to. Sakto at magla-lunch na!
"I'M BACK! HEY YO GUYS! DID YOU MISS ME?" Malakas na sigaw ko ng mabuksan ko ang pinto ng club room, lahat naman sila ay nilingon ako. Halos mamatay ako sa hiya ng hindi sila ang naabutan ko.
"Tch, Ikaw?! Bigla kang papasok dito at sisigaw, Ano nanaman bang trip mo Fumiko?!" sigaw nung lalaki sakin, wait, I know him—ah! Oo!
"Espada? Ikaw yan diba? Hihihi" humagikgik ako at mas lalong lumukot ang mukha niya.
"Ronin Maruyama ~ Ang espadang walang master" kinakanta kanta ko pa ang pangalan niya habang naga-acting na may hawak na espada. Hahaha Hays I miss the kids.
"Tsk! Fumiko Abe Maria tigilan mo ko huh! Tatamaan ka sakin" inis na sabi niya, nakita ko naman si Yoshi kaya kinawayan ko sya
"Ohayo Yoshi! My good son" sabi ko at nagbow sakanya, tumawa naman siya
"Fumiko, nakabalik ka na pala. Kamusta shooting mo?" tanong niya, ngumiti naman ako pagkalaki laki
"Okay naman. Hihihi Namiss ko ang school — wait sino siya?" tanong ko kay Yoshi at tinuro ang nakakatakot na mama na nakaupo doon sa gitna
"Si Kuro, transfer student siya dito" tinignan naman ako ni Kuro at agad akong kinilabutan
"WAAAH! Nakakatakot yung mata niya, twin ka ba ni Kumori? Pareho kayo tumingin huhuhu" nagtatago ako sa likod ni Yoshi kaya naman hindi ko na masyado makita ang nakakatakot na tingin niya. Hmm ..
"Kuro .." bigkas ko sa pangalan niya, ano nga ba ule meaning nun? Ah—
"Black!" sigaw ko tinignan naman nila ako na akala mo ang weird weird kong tao pero hindi naman diba? Hihihi
"Ano nanaman pinagsasabi mong siraulo ka? Umalis ka na nga dito, naiirita na ako sayo" sigaw ni Espada sakin. Humagikgik ako at tinignan siya
"Lahat naman kinaiiritahan mo. Hihihi" Inirapan niya lang ako kaya nilingon ko ule si Kuro, ano bang magandang nickname sakanya
"Meaning ng pangalan mo ay Black, parang ang aura mo. Hmm.. Member ka ba ng Karate Club?" umiling naman siya at tinaasan ako ng kilay
"Hays! Next time na nga lang kita bibigyan ng nickname. Baka hinahanap na ako nila Aki, bye ~" lumabas na ako sa room na 'yon at hinanap sila Kumori, sakto ay tumawag si Taro.
"Aki!!! Asan kayo?" sigaw ko sa kabilang linya
"Fumiko wag ka ngang sumigaw, ang.ingay ingay mo nanaman. Nasa cafeteria na kami pumunta ka na dito"
"Aye Aye! I'm on my way!" binaba ko ang tawag ang tinungo ang cafeteria
***
"K U M O R I C H A N ! ! !" sigaw ko, nilingon naman niya ako pero ngumiwi siya. Huhuhu namiss ko siya!
"Kumori-chan! I missed you!" sabi ko at nag-koala hug sakanya. Oo koala as in pati ang legs ko ay nakayakap sakanya. Hihihi
BINABASA MO ANG
Kage No Fukushū
Mystery / ThrillerKahit sino naman ay hindi na gugustuhing bumalik sa nakaraan at muling balikan ang isang bagay na halos paghirapan natin kalimutan, pero si Kuro ay walang nagawa dahil kinakailangan niyang bumalik muli sa isang lugar na pilit man niyang kalimutan ay...