Chapter 37: Sisters

65 5 0
                                    

Eliza POV.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng condo ng kapatid ko.

Matagal ko nang pinaghandaan ito.

Alam kong si Eli at Elisse ay iisa.

Kahit malaki ang kanyang pinagbago mahahalata mo paring siya yon dahil sa kaniyang napaka-gandang mata.

Mga matatamis niyang ngiti.

Proud akong isigaw sa buong mundo na kapatid ko siya.

Kaso...Sinaktan ko lang siya.

"Ummm yes?" Nagulat ako nang nasa harap ko na siya. I've missed you Elisse.

Hindi ako nagsalita. Instead, Niyakap ko siya.

"Why? Do I know you?" Kahit alam kong nagpapanggap lang siya na di niya ako kilala nasasaktan parin ako. Pero nginitian ko siya.

"Elisse, you don't have to hide your true identity. Halata namang ikaw yan." Sabi ko sakanya. Nagulat siya pero agad siyang nailang.

"Sorry...A-ate. Bat po kayo napapunta dito?" Tanong niya saakin.

"I just want to say sorry. I know sorry isn't enough. But, believe me Elisse. Nagsisi na ako. Ngayon ko lang narealize na nasaktan na kita ng sobra. Dahil sakin sira na buhay mo. Oo, tuwang-tuwa ako at napasaakin si Lucas. Pero nung nalaman kong hindi kana nagpakita kela mom and dad...nag-alala ako. Kaya pinahanap kita. Nabigo ako pero nung dumating ka dito sa pilipinas alam kong ikaw yan." Sabi ko sakanya...naluha na siya kaya niyakap ko siyang muli...

"Elisse I'm sorry." Sabi ko tsaka tuluyan nang umiyak. Naririnig ko din ang pag-iyak niya.

"Ate Okay lang yon." Sagot niya tsaka ako niyakap ng mahigpit. Natutuwa ako at napatawad mo na ako.

"Elisse. Sana maging masaya na kayo ni Lucas." Nakangiting sinabi ko sakanya. Lumungkot naman mukha niya.

"Ate diko alam kung nang-aasar ka lang o ano. Mag-asawa kayo eh." Sabi niya. Natawa naman ako.

"Nakipag-divorce na siya sakin." Nakangiti kong sinabi. Nagpipigil ako...baka maiyak ako.

"W-what?" Gulat niyang tanong.

"Don't ask me anymore haha. I have to go Elisse. Bibisita ako sayo pag may time. I love you Lil'sis." Sabi ko tsaka siya kiniss sa pisngi.

Agad akong naglakad palayo sakanya dahil naiiyak akong muli. Nang malapit nako sa elevator may nakabangga ako.

Bwiset! Natapunan pa ako! Kainis.

"I'm very sorry miss." Hindi ako nag-abalang tignan kung sino man ang nakabangga sakin dahil busy ako sa pagpupunas ng aking damit.

"Let me help you." Sabi nito tsaka ako nilapitan at pinunasan damit ko. Tinignan ko siya. Ang gwapo ha. Infernes.

Nang matapos na siya nginitian niya ako.

"Ngayon lang kita nakita dito. Bagong lipat kaba?" Tanong niya saakin....shems. Kakadivorce palang namin ni Lucas kumekerengkeng na ako.

"Uhh no. May binisita lang ako." Nakangiti kong sinabi sakanya. Tumango na lamang siya.

"Ummm Im Eliza." Sabi ko tsaka nilahad ang aking kamay sakanya. Kinuha niya ito.

































"Calyx."

I Still Love My Ex (Bailona)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon