Kath's POV
It's the day before Christmas at nandito ako ngayon sa loob ng CR ng kwarto ko. Nakaupo sa sahig at patuloy na dumuduwal sa bowl.
I went home last night right after the mall incident. Hinatid ako ni Patrick pauwi sa bahay. I did not say anything the whole ride and he didn't try to talk to me about it either. Bumili din ako ng pregnancy test kit just to be sure. Sinubukan ko agad ito pagkauwi ko at tangina, positive nga.
Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kay mama. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa'kin.
I hugged my knees and sobbed while sitting on my bathroom floor.
"Fuck, Kath! Ano bang ginawa mo sa buhay mo?" I told myself.
I was just crying there for five minutes hanggang sa kumatok si mama.
"Anak! Andyan ka ba? Samahan mo nga ako sa grocery. Kinulang tayo sa all purpose cream."
"Ah sige, ma! Samahan kita. Magaayos lang po ako."
"Osiya, sige. Bilisan mo na dyan at sigurado akong mahaba ang pila sa grocery."
Narinig ko ang papalayong footsteps ni Mama. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naghilamos. I looked at myself in the mirror. Magulong buhok. Puffy at mapulang mata. I look so pathetic.
Lumabas na ako ng banyo at nagbihis. Bumaba ako at nakita ko si mama sa kusina na naghuhugas ng pinggan. Napansin naman niya akong nakatayo sa may hagdan.
"Bakit naman namumugto 'yang mata mo? Iniiyakan mo na naman ba yang si Daniel?" sabi niya habang tinutuyo yung kamay niya.
"Alam mo anak, bata ka pa. Marami ka pang makikilala na mas gwapo diyan. Nako, lalo na kapag nag-college ka." Nilapitan niya ako at hinawi yung buhok sa mukha ko.
"Ang ganda ganda kaya ng anak ko. Ang bait bait pa." Ma, I'm sorry.
Niyakap ako ni Mama at nafeel ko na hinalikan niya ako sa ulo.
"O siya, halika na para makauwi agad tayo."
Sinamahan ko si mama sa grocery. Bumili siya ng mga mantika, itlog, cheese, gatas at mga biscuit. Akala ko ba, all purpose cream lang bibilhin nito?
At dahil mahaba ang pila sa counter, pinapila na niya ako. Kukuha lang daw siya ng dalawa pang ham sa meat section. Malayo pa naman ako sa pila kaya pumayag ako. Bakit ba kasi ang hilig ng mga pinoy sa last minute? Hay nakooo.
"Kath?"
Napatingin ako sa nagsalita. Si DJ. Nakapila siya sa katabing counter. He's with his little sister, Maggie.
"Ate Kath!" tumakbo sakin si Maggie and wrapped her arms around my waist.
"Grabe Ate Kath, miss na kita. Wala na makipaglaro sakin sa dollhouse ko. Ang arte arte kasi ng bagong girlfriend ni Kuya."
"MAGGIEEEE!" sabi ni Daniel at hinila si Maggie papalapit sa kanya.
"Ano ka ba, DJ! It's okay." I looked at Maggie and smiled, "Don't worry Maggie. Minsan ako susundo sayo sa school tapos sa bahay na lang tayo maglalaro. I'll show you my old dollhouse."
"Promise yan ha?" Maggie said with her puppydog eyes.
"Promise!"
Dumating naman si Mama na may dala ulit na isa pang basket.
"Ma, akala ko ba all purpose cream lang bibilhin mo?" sabi ko sa kanya habang tinutulungan siyang ayusin yung basket na dala niya.
"Aba kailangan bongga ang noche buena natin. Malapit na ako umalis eh." Sagot naman niya sa akin habang nililipat yung ibang laman ng basket sa shopping cart na hawak ko.