Maagang nagising si Kath. Last day na sa school bago magchristmas break. Ibig sbihin, christmas party na nila.
Nagsuot na lang si Kath ng isang whitedress na cotton-on, doll shoes at iniwan na ang kanyang buhok na bahagyang nakakulot.
Habang nakatingin siya sa salamin biglang pumasok ang mama niya.
"Kath, andyan na ang sundo mo." Sabi nito at umupo sa kama.
"Bakit yon ang sumundo sayo? Bat wala si Daniel?"
"Ma, wala na kami ni DJ. Okay?" Sabi ni Kath at kinuha ang bag sa tabi ng ina.
"Bakit? Kelan lang lagi pa kayong magkasama ah."
"Ma, things change. People leave. Kahit kelan. Unexpextedly." Paliwanag nito at tumingin muli sa salamin.
"Sige Ma. Aalis na ako. Baka mainip si Pat." Sabay silang bumaba sa sala.
Nandun si Patrick. Ang gwapo niya sa whitevneck shirt nito plus leather jacket.
Kung alam ko lang, siya na lang sana pinili ko noon.
"O siya, sige at baka kayo ay mahuli." Sabi ng mama ni Kath at nakipagbeso dito.
"Sige po alis na po kami." Paalam ni Patrick.
Lumabas na sila ng gate at naghihintay sa kanila dun ang isang kotse.
"Hiniram ko lang yan kay Kuya." Sabi nito habang pinagbubuksan ng pinto si Kath.
Kath's POV //babalik ko na ulit dito. Mas sanay ako e//
Pumasok na ako sa shotgun seat tapos si Pat naman sa driver's seat.
Agad naman kaming nakarating sa school.
Pagdating namin sa gym, madami nang mga tao. Sa gym ginaganap angchristmas party ng mga seniors kasi samasama na lahat ng sections. May nagkekwentuhan dito, may nagseselfie dun, may naglalandian. Syempre kasama na dun ang mabait kong boyfriend este ex pala kasama si Mandy.
Hinila naman ako ni Patrick at naupo na kami sa isang tabi.
"Are you bored?" Tanong ko sa kaniya. Napansin ko kasing patingin tingin lang siya sa mga dumadaan.
"Nope. I'm good." Sabi niya sabay ngiti.
"Sorry." Sabi ko sa kanya.
"Why?"
"Because you're stuck with me. Pero you can leave me naman alone. I'll be okay. Ayoko naman ipafeel sayo na responsibilidad mo ako." -ako
"Kath, i love being with you. I won't leave you. Pangako yan. At don't feel like you're a burden. Hindi ka ganun. It's my choice na samahan kita kasi mahal kita." Napayuko na lang ako sa sinabi ni Patrick sakin.
"Wag ka nga magdrama dyan." Sabi niya at iniangat ang ulo ko.
"Alam ko naman e. Tanggap ko. Na kahit anong gawin ko, hindi ko mapapantayan si DJ. Choice ko to. Kung masaktan ako, wala kang kasalanan dun." -patrick
"Paaat..."
"Totoo yun Kath. Lagi mong tatandaan. I'll always be here for you whenever you need something." Hay Patrick. Bat ba kasi si DJ pa? Bat di na lang ikaw?
He smiled at me at ganun din ako sa kanya. I'll forever treasure this dude.
***
Kahit naman papano, naenjoy ko yung party. It's just the usual. Parlor games. Intermission numbers. Mga kaekekan. Kainan. Wala lang kaming exchange gifts. Pero kung may gusto kangbigyan,edi go.