3: His Girl

17.5K 83 0
                                    

Maaga akong nagising. Sarap sarap ng panaginip ko e. Hinahalikan daw ni DJ lahat ng parte ng katawan ko. Grabe lang. Hihi. K. Landi ko na.

Maaga akong bumangon kasi may pasok pa. Pero at least naman friday na.

Pagpasok ko sa school, walang DJ na sumalubong sakin. Himala.

Hanggang sa pagpasok ko sa room walang DJ. Absent ba siya? Baka late lang.

Nagchecheck na ng attendance ang class secretary namin pero wala parin si DJ.

Baka nga absent. Pero bakit wala siyang sinasabi sakin?

"Padilla?" Sigaw nung secretary.

"Absent!" Sigaw nung mga kaklase namin.

"Bernardo?"

"Present."

"Fortez?"

"Absent!"

So, dalawa pala silang absent ngayon. At pareho pang yung kaclose ko. Ngangabels tuloy ako. Si Amanda Fortez a.k.a. Mandy ay aking kaibigan. BFF. (Note the sarcasm)

Oo. Kaaway ko siya. Napakamaldita kasi. Sobra. Elementary pa lang sinusumpa ko na siya ng bongga.

Sa maghapong ito, no choice ako kundi makinig na lang sa teacher. Wala akong bestfriend. Si DJ lang. We were bestfriends before he courted me. Well, may mga kaclose din naman ako pero di masyado. Yung tipong kachikahan mo ng bonggang bongga? Wala. Hindi naman kasi ako ganun kafriendly.

Natapos ang klase and everything kaya umuwi na ako sa bahay. Tinext ko si DJ.

To: Deej

Babe bkt absent ka?

10 minutes...

20 minutes...

30 minutes...

Walang reply.

Baka may ginagawa.

Nakakain na ako ng dinner. Nakapagshower. Nakapajamas na't lahat pero wala paring reply.

Ano na kayang nangyare dun?

Dumaan ang sabado, walang DJ na nagparamdam. First time na ganun siya. Waaaaaah. Napapano kaya yun?! Pupuntahan ko siya bukas. Pupuntahan ko talaga siya.

---

//Sunday//

Nasa tapat na ako ng gate nina DJ. Nagdoorbell ako. Nagulat ako kung sino ang nagbukas ng gate.

"Mandy?" What the hell is this girl doing here?

"Kaaaath! What brought you here?"

"Pupuntahan ko yung boyfriend ko." Inemphasize ko talaga yung boyfriend KO. Hindi naman kasi sikreto na matagal nang may gusto si Mandy kay DJ.

Maybe dahilan din siguro ito kung bakit inis na inis ako sa kanya.

Well, sorry na lang siya dahil nasakin si DJ. *evil laugh*

"What? Ang pagkakaalam ko kasi... BOYFRIEND KO ang nakatira dito?" Sabi niya sakin sabay taas ng kilay.

"You're delusional, Mandy. Itigil mo na nga ang panggugulo kay DJ." Ano bang pinagsasasabi nito?! Ilusyonada!!!!

"Mandy, sino yang kausap mo? Bat di mo papasuk--" natigilan si DJ nang makita niya ako.

"K-kath?"

"Deej, kung ano ano ang pinagsasasabi ng babaeng to. Girlfriend mo daw siya." Natatawa tawa ko pang sabi.

Hindi umimik si DJ. Nakasmirk naman si Mandy.

Give Me Love [KathNiel SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon