Kath's POV
Nandito na ako sa bahay at hinihintay si DJ nang biglang tumawag si Mama. Wala pa siyang alam. Hindi ko pa yata kayang sabihin sa kanya. Gusto kong si DJ ang unang makaalam dahil kami rin naman ang gumawa nito. Napagisipan ko na rin na ngayon ko sasabihin kay DJ ang totoo.
Kanina sa ospital ay naging maayos naman ang usapan namin ni Doktora. Normal lang daw ang nararamdaman ko sa early stages ng pregnancy. Medyo mahina lang daw ang kapit ng bata kaya binigyan niya lamang ang ng vitamins at gamot na iinumin at magiging okay naman daw ang lahat.
Kumuha ako ng gatas sa ref at naupo sa salas. Hawak ko ang ultrasound at pregnancy test kit na ginamit ko noon. Hinihintay ko na lamang si DJ. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Siguro matatakot din siya. Pero alam ko na sa aming dalawa, siya yung matapang. Kaya mas ayos na rin siguro na alam niya ang lahat para kahit papano ay hindi naman ako nag-iisa. Kahit na andyan lagi si Patrick, iba parin kapag si DJ kasi siya naman ang ama.
Hinihintay ko si DJ nang biglang may kumatok. Si Patrick.
"Kath, you forgot your wallet," sabi niya sakin at inabot yung pink leather wallet na regalo sakin ni DJ nung nililigawan niya pa lang ako.
"Thank you!" nagulat ako nung biglang bumuhos yung ulan. Wala nang dalang kotse si Patrick at wala rin siyang dalang payong kaya pinatigil ko muna siya sa bahay.
"So... sasabihin mo na kay DJ?" Tanong ni Patrick na nakaupo ngayon sa tapat ko.
"Yes. At dinner. Medyo natatakot nga ako eh," sagot ko sa kanya.
"Good luck. And remember na I'm always here for you no matter what." he smiled at me and I smiled back.
I just hope that everything goes well.
DJ's POV
Dumating kami sa opisina ng tatay ko na pagmamay-ari ng tatay ni Mandy. Wala silang dalawa roon dahil nagkaroon daw ng emergency meeting. Umalis muna sandali ang driver ni Mandy kaya kaming dalawa lang ngayon ang nasa kotse.
"DJ, are you okay? Kanina ka pang tulala." tanong ni Mandy
"K-kath..."
"Huh? Kath? Eh ako ang kasama mo. Huh!" Unti-unting lumalapit sa'kin si Mandy.
"Bakit ba ayaw mo sakin? Ano pa bang kulang sa---"
"You are not Kathryn!" halos napasigaw ako at naputol ko yung sinasabi niya. Natahimik ang sasakyan.
"Kathryn? Psh." Halos pabulong niyang sabi.
"BULLSHIT!" sigaw ni Mandy na napapikit at minasahe na lang sa sentido niya.
"You... you think Kathryn is soooo perfect. Ang hindi mo alam ginagago ka na niya!" she paused and looked at me.
"She's pregnant. Nakita ko sila ni Patrick together sa ospital. Unang beses nung sinamahan ko si Dad magpacheck-up. Ngayon, nakita ko ulit sila and I know you saw them as well. Can't you fucking see that niloloko ka lang niya? Buntis siya sa anak nila ni Patrick! That girl you think is so perfect cheated on you, fucked some guy and got pregnant! That girl you think is perfect and pure is so fucking filthy..."
"SHUT UP! SHUT UP MANDY! WALA KANG ALAM. TUMIGIL KA NA!" lumabas ako sa kotse sa sobrang galit ko. Hindi ko alam baka kung anong magawa ko kay Mandy. I can't take hearing the words she says about Kathryn.
Lumabas din siya ng kotse at lumapit sakin.
"You don't believe me? Huh?!" Tinulak niya ako kaya napasandal ako sa kotse.