03 : Satanic Rosary

39 1 0
                                    

03

PALABAS pa lamang ako sa simbahan nang may mapansin akong mga rosaryohan na nakahilira sa labas, dito sa may eskinita. Naengganyo ako sa kulay ng rosaryohan na nakalambitin.

" Ale, magkano ho ito ? " Tukoy ko sa isang rosaryohan na gawa sa kahoy. Ang mga beads nito'y iba't iba ang kulay, napakacolorful ang dating.

" 15 pesos lang iyan, ineng. " Sagot naman ng tindera.

Kumuha ulit ako ng iba pa, kagaya nitong kinuha ko. Tamang tama naman may dal'wa pang naiwan. Pero bago iyon biglang napako ang paningin ko sa nag-iisang rosaryohan na nakatabi sa isang sulok. Aakmang kukunin ko na sana ito nang bigla akong pigilan ng Ale.

" Ineng, wag mo ng ituloy. " Naguguluhan akong napatingin sa kaniya.

" Hindi ko na ipinagbebenta ang rosaryong iyan. " Dugtong pa nito at ipinakita sa akin ang kabuoan ng rosary.

" Kita mo 'to ? " Tumango ako.

Pamilyar sa akin ang desinyo. Ito yata 'yung nababalitaan ko sa TV na ipinagbabawal ang paggamit dahil sa mapanganib ito.

Mas madali raw'ng nasasapian ang kung sinumang gagamit nito.

Tss ! Ang tanong, totoo kaya ?

" Ito ba 'yung mga satanic rosary na nababalitaan ko sa news ? Na sinasabing may sumpa raw ? "

" Oo, ineng iyan nga. Ewan ko ba kung bakit may gumagawa niyan kahit alam naman nila na napakadelekado nito para sa ating mga tao. "

" Ganun po ba. " Sabay abut ko sa kaniya nung napili kong tatlong colorful na rosary kasama na rin ang bayad ko.

Baka gusto lang nila ng bagong designs kaya ayan gumagawa sila ng bagong mahuhumalingan sa mata ng mga tao. Nakakaakit naman talaga siya sa totoo lang.

" Sukli mo, ineng. " Nakangiting abot nito sa'kin.

" Salamat po. " Tugon ko.

Muntik ko ng makalimutan, nagpapabili nga pala si bunso ng libro sa national bookstore. Tamang tama, malapit lang dito kung lalakarin.

Ano nga ba 'yun ?

Searching ...

" Ayun ! " WTF ! Ano 'to novela ? Telenovela ?

Kasi naman po may nakasabayan akong lalaki sa paghawak nito.

" Hey ! I saw it, first. " Ayy, englisero si Kuyang gwapo. Pero wag ka ! Di ko siya type.

" Ako kaya ang nakauna ! So, ibig sabihin akin ang librong ito. " Mabilis ko itong hinablot sa kamay niya at kaagad na nagtungo sa counter.

Bastos na kung bastos pero akin 'to ! Bahala na siya. Mas kailangan 'to ng kapatid ko kaya shoooo nalang siya.

" 150 pesos miss. " Sabi ng babae.

Binayaran ko na ito at mabilis na kinuha.

Mahirap na baka matulad pa ko sa teleserye na palagi kong napapanood sa TV na--

" Hey ! " Anak ng tokwa ! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

" That's mine ! I'm the first one, who saw that book ! " First na nga may one pa. 2in1 ? HaNIPS !

" Well, sorry ka nalang. Nabayaran ko na. Excuse me ! " Sabi ko sa kaniya at lumabas na ng building, pagkatapos nagpara na ng tricycle.

" Sa mercado po tayo manong. " Sabi ko kay manong driver at sumakay.

****

Pagkatapus kong mamalengke, lumabas na ko pero same as usual napatigil na naman ako sa mamang nagtitinda ng mais. Bumili ako ng lima at nagbayad.

Pero bago pa 'yun, may nakita na naman akong nagtitinda ng rosary katapat sa nagtitinda ng mais. Nandito rin 'yung satanic rosary.

I don't know, but someone's whispering in my ear that I should buy one. Next thing, i know hawak ko na ang isa sa mga ito pauwi.

To be continued ...

CATALEYAWhere stories live. Discover now