02
" Bess, kamusta na ang pakiramdam mo ? " Bungad sa akin ng pinakamatalik kong kaibigan na si Bernadette ( beng ) while si Janissa ( Isang ) ayun busy'ng busy sa pagbabalat ng mansanas at orange.
" Okay lang naman. Ano ba kasing nangyari ? "
" Ibig sabihin, hindi mo alam kung anong nangyari sa'yo kahapun ? " Di makapaniwalang tanong nito sa'kin.
" Magtatanong ba ako kung may alam ako ? " Utak naman please ? Tsk !
" Oo, nga naman. *chomp chomp* " Singit nito bago kinagatan ang hiniwa niyang mansanas. Kaya naman, naningkit ang mata ni Beng.
" Isang, sino ba ang dinalhan natin ng prutas ? " Nilunok muna niya ang nguya nguyang mansanas bago sumagot.
" Si Eyang. " At aakmang isusubo na naman iyong isang piraso ng orange nang biglang kunin ito ni beng kasama ang platong may laman na ng binalatan niya.
" So, dapat si Eyang sana ang kakain nito at hindi ikaw ! " Napasimangot naman si Isang dahil sa ginawa niya.
Ikaw ba naman ang susubo na tapus di natuloy dahil kinuha ng epal na si Beng. Haha kawawa !
" Beng naman ! " Nakakatawa 'yung reaksyon niya, para siyang patay gutom. Sinunod pa kasi ng kamay niya 'yung platong kinuha ni Beng sa kanya habang todo iwas naman ito.
" Pasensya kana sa kaibigan na'tin. Patay guts ehh ! Para sa'yo na nga, kakainin pa. " Nakangiting abot nito sa'kin at lumingon ulit kay Isang. " Wag munang subukan ... Makakatikim ka na sa'kin. " Pagbabanta nito kay Isang na ngayo'y bumalik na sa pwesto niya pero bago 'yun dumampot pa, dumampot pa talaga ng mansanas sa side table at kinagatan ito.
Seriously ? Hindi man lang hinugasan ?
Matindi na talaga ang katakawan.
Wala na kaming nagawa kundi ang mapailing na lamang. Siya lang naman kasi ang matakaw sa squad kaya ayan nagiging abusado porke't hinahayaan lang naming dalawa.
" Balik nga tayo sa issue mo. Hindi mo ba talaga natatandaan ? "
" Hindi nga ! "
" Okay, ganito kasi 'yun. After mong mahimatay, bigla ka nalang nagdisappear. "
" Anong nagdisappear ? "
" Nagdisappear as in naglaho ! "
" Naglaho ? " Naguguluhan akong napatingin sa kaniya na patuloy parin sa pagkwekwento.
" Maya maya lang ay may sumigaw na sa likuran ng building. Dun sa may garden ? Kaya naman pumunta kaagad kami dun. Alam mo ba kung sino ang nakita namin dun ? " Umiling lang ako. Hindi ko naman kasi alam.
" Ikaw. "
" Ano ?! " Papaanong naging ako ?
" Andun ka na sa gitna nakatayo, nakayuko at natatabunan ng mahahaba mong buhok 'yung mukha mo. May hawak ka pa ngang patalim. Sinubukan mo pa ngang sugatan 'yung pulsuhan mo. Mabuti nalang to the rescue si Rafael, inagaw niya sa'yo 'yung hawak mong patalim after nun nagpassed out kana. "
" Baka naman nagkakamali lang kayo. "
" Hindi kami pwedeng magkamali bess. Ikaw talaga 'yun ! Base sa suot mong bracelet. "
" Seryoso ka ba ? Imposible ! "
" Kung ayaw mong maniwala may video si Isang jan. Pruweba na nagsasabi kami ng totoo sa'yo. "
Natahimik ako bigla ng iabut niya sa'kin ang kaniyang cellphone.
I played the video without hesitation. Gayun nalang ang pagkagulat ko nang mapanood ito. Ako nga ! Ako nga talaga ang nasa video.
Ano ba kasi ang nangyayari ?
Isa na ba ito sa dahilan para maniwala na ako sa mga eksorsismo, supernatural and what so ever it may called ?
To be continued ...
YOU ARE READING
CATALEYA
ParanormalKayo ba ay naniniwala sa EKSORSISMO ? Yung tipong nasasapian raw ng masasamang ispiritu 'yung katawang lupa nating mga tao ?