04 : Eksena Sa Library

44 1 1
                                        

04

Today is Wednesday and it's Research day. This is perfect !

Log in muna ako. Ganito kasi rito, bago makapasok kailangan mo munang maglog in sa monitor.

" Morning ma'am ! " Bati ko sa librarian pagkapasok.

Dumeretso kaagad ako sa area kung saan makikita ang hinahanap kong books para sa assignment kong calculus.

5 minutes for Searching ...

Nang biglang ...

*boogssshh !*

*blaaaag !*

Ingay yata ng mga librong nahuhulog sa sahig.

Sa kahahanap ko kung saan nagmula ang ingay na iyon ay napadpad ako sa dulo ng library.

Nakakapagtaka. Wala akong nakita na mga librong nagkalat sa sahig. Lahat ng mga libro ay nakaorganize parin. Wala ring tao. Imposible.

Doon ko lang din namataan ang patay-sinding ilaw sa area na ito.

May sira ba ang iilan sa mga ilaw di-- watdapakengsheyt !

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa biglaang may itim na pusa ang tumalon mula sa bubong ng library.

Si Milky lang pala. Ang alagang pusa ni Ms. Makatunog. The librarian. Ngayon lang ako nakakita ng pusang mahilig tumambay o magstroll sa loob ng library. Pusang nerd ? That's funny yah know !

Syempre, librarian 'yung amo. Mahilig din sa libro. Like owner like pet.

Anuraw ?

" Damn you, milky ! Ginulat mo ko ! "

" meow .. meow .. " sagot nito habang paipid ipid sa paa ko.

Hindi niyo naitatanong, kaibigan ko si milky. Napakakyut kasi ng pusang ito. Mabalbon. Makapal ang balahibo. Parang basahan namin sa bahay.

" Milky, come here. " hindi ko paman tuluyang nabuhat si milky ay bigla nalang itong nangalmot at nagwala na para bang isa akong katakot takot na kaaway. Tumakbo pa ito palayo sa akin.

Naiwan akong gulat na gulat. Hindi ko inasahan na magiging ganun si milky sa akin. Dati kasi, ito pa mismo ang lalapit sa akin para magpapansin o magpabuhat kung saan. But this time nakakapanibago ang inasal ng pusa.

Napatingin ako sa bandang pulsuhan kong kumikirot. May daplis yata ng kuko ni milky.

*sigh* ano ba kasing nangyari kay milky.

*bogshh*

*blag*

Nakuha ulit ang atensyon ko sa ingay na nagmula sa likuran ng bookshelves. Tulad nga ng narinig ko kanina, mga librong nagsihulugan na naman.

Siguro naman may tao na. May naririnig na kasi akong mga yapak.

At dahil curious ang Lola niyo sa kung sino ang nag-aayos ay sumilip ako ng palihim. Wala akong makita.

May mga time pa nga na parang feeling ko may nakatingin sa akin. Parang may dumadaan na tao sa aking likuran, paglingun ko naman wala.

Ano 'to horror ?

CATALEYAWhere stories live. Discover now