" Cataleya, makinig ka't damhin ang aking nais. Sumabay ka sa aking dalangin, batid kong gusto mo ring damhin ang akin---"
" Wag kang lumapit ! " Asik ko sa kaniya.
" Sige na, Cataleya. Ialay mo lang ang iyong dugo. Ikaw ay magiging ako, ako ay magiging ikaw, tayong dal'wa ay magiging isa. "
" Hindi mangyayari ang ninanais mo. Hindi ikaw, ako ! Kaya tumahimik ka ! "
" Ikaw ay ako, ako ay ikaw. " Nakangising sabi niya.
" HINDI TOTOO 'YAN ! HANGGANG KAILAN HINDI AKO NAGING IKAW AT KAILANMA'Y HINDI MANGYAYARI ANG NAIS MO ! " Buong lakas na sigaw ko sa kaniya na tanging ngisi lamang ang natanggap ko mula sa kaniya bago siya nagtungo sa isang altar.
Sa altar na may kakaibang rebulto. Rebulto ng isang demonyong ipinako sa cross. Sa ibabaw nito ay may simbolo ng araw, may ahas na nakapulupot sa imahe at may sungay rin ito.
May dugong tumutulo pa sa mga mata nito pababa sa isang libro.
Nakakatakot. Nagdadasal siya gamit ang isang linggwaheng hindi ko maintindihan.
Nakakakilabot. Nag-aalay siya ng dasal sa isang kulto.
" Tumigil ka ! Hinding hindi mangyayari ang gusto mo ! " angil ko ulit at tinakpan ang aking tenga.
Nakakabaliw ..
" Hinding hindi ! Hinding hindi ! " Mangiyak ngiyak na dugtong ko at pagkatapus ay pumikit na lamang habang palakas naman ng palakas sa aking pandinig ang kaniyang boses. " Hinding hi---- aaaahhhhh ! "
" Eyang ! "
Ikaw ay ako ...
" Anong nangyayari sa'yo ?! "
Ako ay ikaw ...
" Hindi totoo 'yan ! "
Hindi mo matatakasan ang katotohanan ...
" Tumigil ka ! "
Ikaw ay ako ...
Tawa pa nito gamit ang malademonyong halakhak.
" Hindi ! "
Ako ay ikaw ...
Ha ha ha ha !
" Tumahimik ka ! Hindi totoo 'yan ! "
Tumingin ka sa akin. Tanggapin mo ang aking kamay ...
" Ayoko ! H'wag kang lumapit ! H'wag mo kong hawaka--- " Naramdaman ko nalang ang pag-alog ng kung sino sakin at dun na ako napamulat.
Bumungad sa akin ang mukha ng dal'wa kong kaibigang may bahid ng takot at pag-aalala sa kanilang mukha.
" Isang ? Beng ? " Nanginginig na ang boses ko ng sambitin ko ang pangalan nila.
" Yang .. Ano ba kasing nangyayari sa'yo ? "
Tanging hagulgol lamang ang naisagot ko kasabay ang pagyakap ng mabilis kay Isang.
" Shhh .. Stop crying .. We're here .. "
" Natatakot ako. " umiiyak na anas ko..
" Hindi ka namin iiwan. "
Pag-aalo nilang dal'wa sa'kin." Panaginip lang iyon. Shhh ... "
YOU ARE READING
CATALEYA
ParanormalKayo ba ay naniniwala sa EKSORSISMO ? Yung tipong nasasapian raw ng masasamang ispiritu 'yung katawang lupa nating mga tao ?