01
Isang kalampag ng pintuan ang narinig namin mula sa kadadating lang na estudyante.
" Father ! Father ! " Hingal na hingal itong napayuko habang ang dal'wang mga kamay nito'y nakatukod sa kaniyang mga tuhod.
" Father .. "
Kitang kita talaga kung papaano ito nahihirapan sa paghinga dahil narin sa matagal nitong nadudugtungan ang gusto niyang iparating kay Father Benedict.
" Father ... Si Julie ... Si Julie sinasapian na naman ! " At sa wakas nasabi rin niya.
" Nasaan siya ? "
" Nasa labas ng clinic asdfghjk---- "
Hindi ko na masyadong naiintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil lumabas na sila kaagad.
Gayun din ang mga tsismosa kong mga kaklase. Naki-osyoso narin.
Tss ! Mga walang magawa sa buhay. If i know, may sakit lang iyan tapus kung makareact sila wagas !
For sure, wala na namang klase ngayong araw. Suspended na naman.
" Hoy ! " Tawag ng kung sino sa'kin at nung lingunin ko, walang iba kundi si Rafael the EPAL.
" Hoy ka rin ! " Sagot ko naman sa kaniya.
Wala na naman siguro 'tong magawa sa buhay kaya ako na naman ang pagtritripan. Pareho kasi kaming walang pakialam sa mga nangyayari sa kapaligiran.
" Anong ginagawa mo rito ? " Nagtatanong pa -_- obvious na nga.
" Obviously, ano pa ba ? Tss ! "
" Ikaw ano namang ginagawa mo dito ? " Pairap na sabi ko.
" Obviously, ano pa ba ? Tss ! " Panggagaya pa nito sa akin.
" Aba naman ! Ginagaya mo ko ?! " Face to face na sabi ko sa kaniya.
" Ginagaya mo ko ? " Panggagaya ulit nito sa'kin but this time palapit na ng palapit ang mukha niya sa'kin.
Kulang nalang maduling ako dahil sa sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. No malice lang naman. Kung may nakakakita man sa amin ngayon, talagang iisiping naghahalikan kami.
" Cataleya ? Rafael ? "
Pareho kaming napamura ni Rafael at mabilis na inilayo ang mukha sa isa't isa.
" Anong ibig sabihin nito ? "
Putik ! Mukhang may misunderstanding na magaganap sa pagitan nila at sa pagitan namin ng kasintahan niyang si Mikaela.
" Mikaela, ano ... Mali .. Mali ang mga iniisip mo ... " Hoy Cataleya ba't ka nauutal ? Hindi dapat !
" Mikaela-- * pakk * " Kusa nalang akong napahawak sa aking pisngi.
" Mikaela ! Hindi mo dapat ginawa 'yun ! "
Di ko alam pero bigla nalang may nagflashback na scenario sa aking isipan ...
" Cataleya ? Rafael ? " Parehong natigilan ang dal'wa sa paghahalikan ng marinig nila ang boses ni Mikaela.
" Mikaela--- *pakk* " Isang malutong na sampal ang natanggap ni Rafael mula kay Mikaela. Pagkatapus ay ibinaling na ang kaniyang atensyon sa babaeng nagngangalang Cataleya.
" At ikaw namang babae ka ! Malandi kana nga ahas pa ! "
" Nilandi mo na nga aahasin mo pa ! " Napatingin ako kay Mikaela ng may bahid na pagtataka.
Anong ibig sabihin nun ?
Para kasing bigla nalang sumama ang pakiramdam ko at unti unting nanikip ang dibdib ko.
" Eya, bakit ? "
" Aahh ! Ma--saki--- ughh ! " at napahawak na sa dibdib ko.
May kung anong enerhiya ang gustong kumawala sa kaloob looban ko na hindi ko maintindihan kung ano ito.
Mabilis lang ang pangyayari, bigla nalang dumilim ang buong paligid hudyat nito ang paglabas ng isang imahe ..
Imahe ng isang babae na nagpatiwakal ...
Pagkatapus ng imaheng iyon nawalan na ako ng ulirat.
YOU ARE READING
CATALEYA
ParanormalKayo ba ay naniniwala sa EKSORSISMO ? Yung tipong nasasapian raw ng masasamang ispiritu 'yung katawang lupa nating mga tao ?
