05
Benedict's POV
Marami ang nagulat sa ginawa ni Cataleya. Hindi ito inasahan ng lahat na kaya niya palang utusan ang masasamang ispiritu na lumabas sa katawan ni Monika ng walang kahirap hirap.
Ngunit natatakot parin ako para sa kaniya. Hindi siya tulad naming normal lamang. May iba pa siyang pagkatao na matagal ng nakatago sa kaloob looban niya na hindi dapat mabuksan ng kahit sino man dahil ito ang magdadala ng panganib sa sanlibutan.
Nung isang araw ko pa nalaman ang tungkol dito at ngayon sigurado akong siya nga ang reincarnation ni Cataleya Leya. Ang babaeng ipinagkaloob ang sarili sa isang demonyo para makamit ang kapangyarihang inaasam asam.
Ang babaeng wala ng ibang ginusto kundi makamit ang buhay na walang hangganan.
Ang babaeng umibig na hindi kayang tumbasan ng kung sinuman.
Ang babaeng umibig sa iisang lalaki na kailanma'y hindi kayang suklian ang kaniyang pagmamahal.
At alam kong isa itong masamang pangitain para sa lahat ...
Lalo na't bumalik siya. Si Cataleya ...
" Cataleya ! " Napalingon ako sa gawi nila Rafael na ngayo'y akay na niya si Cataleya na walang malay.
Hindi siguro kinaya ng katawan niya ang pagpapalayas kay Matthias.
" Anong nangyayari di--- Father bakit ? " Hindi ko na hinayaang makalapit pa si Mikaela dun sa pwesto nila Rafael dahil alam kong pagsisimulan na naman ito ng gulo.
" Hayaan mo muna si Rafael. "
" Pero Father .. "
" Kung talagang mahal mo si Rafael kaya mong magparaya. Wag ka sanang gumaya kay Cataleya noon na makasarili. "
" Father ... "
" Halika sumama ka muna sa akin dun. May sasabihin ako sa'yo. " Sumunod naman ito sa akin.
Umupo kami dito sa may bench at ipinakita ko sa kaniya ang aklat ni Cataleya.
" Father, bakit hawak mo 'yan ? D-diba ito 'yung--- " Takot ang unang rumihestro sa pagmumukha niya.
" Aklat ni Cataleya ? " Putol ko sa sinabi niya. " Alam mo na pala ang tungkol rito ? " Napangiti ako ng tumango siya.
" Mabuti naman at sinabi na pala sa'yo ng Lola mo ang tungkol rito. " Dugtong ko pa.
" Father, totoo po ba na ... "
****
YOU ARE READING
CATALEYA
ParanormalKayo ba ay naniniwala sa EKSORSISMO ? Yung tipong nasasapian raw ng masasamang ispiritu 'yung katawang lupa nating mga tao ?