Chapter 7

19 14 6
                                    

Cley's POV

"Oh anong sabi?" Tanong ko sa kanya.

"Nag-aaya, sa Cavillion Mall daw."

"At aano naman? Hindi ba sila napagod kahapon?" Sagot ko

"Hindi 'ko alam, 'yon ang sabi ni Stephen e. Treat daw nila"

"Sabihin mo magrereview tayo hindi pwede" sabi ko sabay pikit ng mata.

Kung tutuusin ay mas gusto ko pang matulog at magbasa nalang ng mga libro ko kaysa mag gala.

Atsaka hindi naman kami gaanong close ng mga iyon, kung ayain kami e akala mo matagal na kaming magkakakilala.

"Sumama na daw tayo, minsan lang naman daw 'to."

Tsk, may pagkamakulit din talaga 'tong Stephen. Ayoko man sumama ay pumayag na din ako dahil gusto din ni Laurien. Tutal ay hindi din naman natuloy ang gala namin kaya ay pumayag na ako.

"Sige sabihin mo sasama tayo hanggang alas kwatro lang tayo." Sabi ko "Magbihis ka na, sabihin mo sa kanila sa kanto ng Villa Lurecia nalang tayo magkita."

"Oo sige" sagot naman niya.

Pumunta na ako sa kwarto ko at saka nagayos ng sarili, ganon din naman si Laurien. Matapos ang ilang minuto ay tapos na ako at bumalik na ulit ako sa sofa at hinintay matapos mag ayos si Laurien.

Nang matapos si Laurien ay naglakad na kami papunta sa kanto. Dito kami sa Villa Lurecia nakatira ni Laurien, etong pinapaupahan namin kaya ay walking distance lang ang kanto nito.

Nang makarating kami sa kanto ay nandun na din sila stephen kaya ay hindi na namin kinailangan pang maghintay.

"Oh My Ghad! Guys You're here! Kanina pa naiinip 'tong baby ko. Why so tagal naman kasi? Ugh!" Maarteng sabi ni bakla, este ni Stephen. Tinignan ko lang siya at hindi pinansin.

"Uh! Tara na nga!" Sabi naman ni Jeid. Halata sa mukha niyang kanina pa nga siya naiirita siguro ay hindi nanaman siya nilayuan nitong Stephen na 'to.

"Ano ba kasing naisipan niyo at gusto niyong gumala?" Tanong ni Laurien sa kanila.

"Tsk, Its not me, Si stephen 'yong makulit na chat ng chat at namimilit!" Sabi ni Jeid habang nakakunot pa ang noo.

"Hihihi" maarteng tawa naman ni Stephen.

"Tara na" sabat ko.

"Ok let's go guys, sa passenger's seat ak--" putol na sabi stephen dahil sumabat agad si Jeid

"Ugh! Guys don't let this guy seat beside me, He-- She-- Ugh! He's irritating!" Bulyaw niya pa.

Kami naman ni Laurien ay natatawa nalang sa reaksyon niya si stephen naman ay napabusangot sa sinabi ni Jeid.

Parang aso't pusa 'tong dalawa kapag nagsama. Para naman kasi talagang linta si Stephen kung makadikit.

Kaya ang nangyari ay ako ang umupo sa Passenger's seat at sa likod si Laurien at Stephen.

Kung kanina ay si Jeid anh nakabusangot ngayon naman at hanggang sa pagdating namin sa Cavillion Mall ay si Stephen ang nakabusangot.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni jeid habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.

"Hindi pa" sagot naman ni Laurien, sira ulo talaga 'tong babaeng 'to. Kakakain lang namin kani-kanina. Basta alam niyang libre hindi niya tinatanggihan tsk.

"Saan niyo gustong kumain?" Tanong niya ulit

"Kayo ang bahala" sagot ko namam.

"Ay ateng napakaseryoso mo naman, saan ka 'ba ipinaglihi?" Sabi ni stephen sakin

The Girl You Loved (Slow Update)Where stories live. Discover now