Chapter 3

32 24 0
                                    

Cley's POV

Hanggang ngayon ay nakahiga pa din ako sa kama ko. Tamad na tamad pa din ang sarili kong tumayo dahil hindi pa din masyadong nagpaprocess sa utak ko yung mga nangyayari.

Malapit na din mag alasingko ng hapon. Malapit na ding umuwi si Laurien simula kaninang hinatid niya ako dito sa apartment hanggang sa paghiga ko ay hindi pa din ako tumatayo. Bagsak na bagsak yung katawan ko yung tipong kahit itaas ang kamay ko ay hindi ko magawa.

Yung gutom ko din simula kaninang break time ng umaga ay hindi ko na din maramdaman. Kahit walang laman ang tyan ko ay parang busog na busog ako dahil hindi man lang ako nagugutom.

Narinig kong bumukas ang pinto sa sala namin at alam kong nandyan na si Laurien. Kumatok siya sa pinto ko bago pumasok.

*tok* tok* tok*
"Cley" ani niya
"Mmm?" Sagot ko
"Ok ka na ba? Kumain ka na?" Tanong niya
"Mmm ok lang ako. Busog pa ako. Anong ginawa sa school?"
"Lesson lang naman, at sinabi lang din na kailangan na natin simulan yung pagpapractice para sa performance natin sa Ball. Malapit na 'yon kaya kailangan na nating matapos lahat ang makakasama lang naman natin yung mga dating member na dahil magpapa-audition palang ulit tayo after ball" mahabang pagpapaliwanag niya.

Tinanguan ko nalang siya bilang sagot at nagpaalam na siyang magbibihis na sya at magpapahinga din sa kwarto niya.

Wala pa ding ibang pumapasok sa isip ko kung hindi siya naaalala ko yung mga masasayang araw na magkasama kami nuon at walang pinoproblema.

Hindi ko na nga yata talaga kilala siya ngayon, o hindi ko naman talaga sya nakilala ng buo nuon. Ibang iba na sya sa dating Johan na nakilala ko.

Masyado niya ng na-occupied yung utak ko ngayon. kaya imbis na isipin sya ng isipin ay kinuha ko na lang ang celphone ko at binukas ang mga social media accounts ko. 

Hindi ko na din pala madalas magamit ang mga ito dahil mas napagtuonan ko din ng pansin ang pag aaral at pagbabasa ko ng libro, pati na din ang kaiisip sa taong minahal ko ng lubos na wala ng pakialam sa nararamdaman ko ngayon.

Habang ako ay nagscroll down at up lang sa facebook account ko ay naalala kong tignan ang account ni Johan. Sinearch ko na agad ito at nagulat nalang ako ng makitang inunfriend pala ako nito. Sa huli ko na naisip na pagsisisihan ko pala ang ginawa kong pagstalk muli sa account niya.

Inexit ko na ang fb account ko at naisipan ko nalang na kumain dahil maghapon na pala akong hindi kumain dahil sa nangyari kanina. Para sa akin ay masyadong marami ang nangyari ngayon at mukhang hindina kakayanin pa ng sistema ko kung ito ay madadagdagan pa. 

Pumunta ako sa kusina namin at 9pm na pala ng gabi, mukhang tulog na din naman si Laurien kaya hindi ko na sya inabalang tawagin ulit. At sigurado akong nakakain na din iyon.

Simula na nga pala ng practice namin bukas ng sayaw kaya hindi na ako maaring makapagabsent muli. At mukhang mali din naman yatang gawin kong rason si Johan para umabsent ako sa klase. Naisip ko din na wag ko nang pagtuunan muli ng pansin siya dahil alam kong pahihirapan ko lang ang sarili kong kalimutan sya.

Dahil feeling ko ay nahihirapan na din si Laurien kapag nakikita niya akong sobrang nasasaktan at apektado pa din kay Johan. Nangako din ako sa Pamilya ko na bago ako umuwi ay may dala dala na akong diploma kaya mas pinipili ko pa ring pagtuunan ng pansin na lamang ang aking pag-aaral.

Pagkatapos kong kumain ay naghilamos at iniayos ko na ang sarili ko at saka napagpasyahang matulog na.

**

Alas sais pa lang ng magising ako, ngunit mas maaga pa ding nagising sa akin si Laurien dahil pag gising ko ay naamoy ko na agad ang bango ng agahan namin ngayon.

The Girl You Loved (Slow Update)Where stories live. Discover now