Chapter 10

9 13 0
                                    

Johan's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap na hiwalay na kami ni Cley.

Alam kong kasalanan ko kung bakit kami nasira ngunit hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang lahat.

Sa totoo lang ay sobrang nahihirapan ako dahil kahit na gustong gusto ko siyang lapitan ay hindi ko magawa. Natatakot ako sa maaaring sabihin at isipin niya sa akin.

Alam kong sobra siyang nasaktan dahil sa mga sinabi ko nuong huli naming pag-uusap at feeling ko ay malaki ang naging impact nito sa kaniya.

Kahit na wala na kami ay pinapabantay ko pa din siya kila Clewd para atleast ay may balita pa din ako kahit papaano sa kaniya.

Hindi niya pa din pala talaga itinigil ang pagsasayaw. Akala ko ay titigil na siya dito simula nung maghiwalay kami, pero siguro ay dahil sa sobrang gusto niya ito ay tinutuloy niya pa din.

Malapit na ang ball sa school at iyon yata ang pinagpapractice-san nila palagi. Wala sana akong balak umattend ng Opening Ball kaso ay nabanggit nga sa akin ng dalawa na magpeperform sila Cley kaya ay napilitan akong pumunta.

Hindi ko alam kung aattend pa siya ng party, basta ang mahalaga ngayon ay gusto ko siyang mapanood kahit sa malayo.

"Uy bro! Tara laro?" Tanong ni Drent sa akin, hawak hawak niya kasi ang bola ng basketball at nandito kami sa court ng school.

"Pagod pa ako." Sabi ko naman, napadaan si Ms. Sanchez sa harap ko habang nagtawag ng isa sa mga kateam mates namin.

"Pwede mo bang tawagin sandali si Sir Juxx?" Tanong ni Ms dito. Sa pagkakaalam ko ay si Sir Juxx ang dance instructor nila Cley kaya naman ay bigla akong tumayo at lumapit sa kanila.

"Ako nalang po Ms." Sagot ko agad, napatingin naman ito at mukhang nagtataka, "mukhang pagod po 'yan sa laro niya e, ako nalang po." Dagdag ko pa, napatango nalang siya at pinabalik sa game ang tinawag niya na kateam mates ko kanina.

Tumakbo na ako papalabas ng court ng sumunod naman ang dalawa. Pagkadating namin don ay rinig na rinig sa labas ang music kaya naman ay hindi na ako kumatok at saka ko ibinukas ko ang pinto.

Si Clewd na agad ang pinagsalita ko na pinapatawa ni Ms. Sanchez si Sir Juxx, halos hindi kasi ako makapagsalita sa nakita ko.

Hindi familiar sa akin itong lalaking nakahawak sa bewang ni Cliera, alam kong sayaw lang nila 'yon pero hindi ko maiwasang hindi nag isio ng kung ano ano.

Tumingin ako sa mata ni Cley at pilit kong hinahalungkat kung ano bang iniisip nito. Ngayon nalang ulit kami nagkatitigan ng ganto matapos ang huli naming pag uusap.

Tulad ko ay pilit niya ding binabasa ang nasa utak ko, hindi ko maalis sa kaniya ang tingin ko.

Tinawag naman siya ng kapartner niya sa sayaw kaya nawala ang tingin niya sa akin at nalipat dito, inakay pa nito siya na umupo sa malapit na lamesa at saka inabutan ito ng tubig.

Muli siyang tumingin sa akin na, at saka naman ako nagiwas ng tingin at saka inaya nang umalis ang dalawa.

Habang nag lalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi ikuyom ang kamao ko, sa pagaalala palang ng lalaking kapartner ni Cley ay feeling ko ay may gusto ito sa kanya.

Naiinis ako dahil wala man lang akong pwedeng magawa para ilayo si Cley sa lalaking iyon. Ngunit kasalanan ko din naman na mas pinili ko siyang bitawan.

"You okay?" Tanong sa akin ni Drent.

"Yeah, but who's that guy?" Tanong ko sa kaniya.

"Who? Yung kapartner ni Laurien na medyo segway?" Sabat naman ni Clewd sabay hagalpak ng tawa. "Infairness yung mukha nun ah, gwapo din kaso halata sa pagtingin satin na may kakaiba." Sabi pa nito.

The Girl You Loved (Slow Update)Where stories live. Discover now