Chapter 4

30 24 0
                                    

Cley's POV

Nasa Garden kami ngayon dahil may trenta minutos pa naman kami para magpahinga. At tsaka Automatiko naman na Ala una ang kita kita namin sa Dance Room para magpractice. 

Nakaupo lang kami sa bench ni Laurien habang naghihintay mag ala una. Siya din ay nagcecellphone lang, siguro ay nagfe-facebook ito. Ako naman ay naisipan kong ilabas nalang ang aking libro para magbasa. Dalawang araw ko na ding hindi nagalaw 'tong libro ko dahil sa occupied nga ang utak ko sa kaiisip ng kung ano ano at sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. 

Habang ako ay nagbabasa biglang nagring ang bell sa eskwelahan namin, hudyat na oras na upang magsimula ulit ang klase, hudyat din na kailangan na naming pumunta sa Dance room upang simulan ang practice. 

Iniisip ko palang na ngayon nalang ulit ako sasayaw ay parang napapagod na ang katawan ko. Masyado kasing napahinga nitong mga nakaraang buwan, kaya feeling ko ay maninibago ako kapag nabugbog nanaman sa pagod ang katawan ko. 

Naglakad na kami papunta sa Dance room ni Laurien, medyo malayo ito kaya nakakainip lakadin, sinabayan pa ng tirik na tirik na araw.

Hindi pa man kami nagsisimula ay pawis at amoy araw na kami ni Laurien dahil sa init ng panahon. Ngunit ok na din ito, dahil ayoko kapag tag ulan. Ayoko sa basang daan, basta ayoko lahat kapag naulan.

Pagdating namin sa Dance room ay si Sir Juxx palang ang nandoon. Wala pa 'yong dalawang transfer na sinasabi niya.

"Oh nandiyan na pala kayo. Medyo mahuhuli daw 'yong isa dahil anong oras na daw pinalabas ng teacher." Sabi ni Sir Juxx

"E nasaan na po yung isa?" Tanong ni Laurien. "Papunta na din iyon, nauna nga lang kayo" sagot niya, at di kalauna'y may pumasok nga sa dance room.

Hindi familiar sakin ito kaya hindi ko talaga siya kilala, matangkad ito at matangos ang ilong. At mukhang ito nga ang sinasabi ni Sir na segway dahil sa kilos nito ay parang katulad namin ni Laurien.

Katawang lalaki ito na may babaeng puso, tingin ko.

"Ohgash! Sir Juxx, I'm here na" Sigaw niya at dikit kay sir, feeling ko ay type nito si Sir, kagwapuhan din kasi si Sir at kung titignan mo ay talagang maayos manamit. At syempre magaling sumayaw, magiging instructor ba namin siya kung hindi?

"Oh nandito ka na din pala, so isa nalang ang hinihintay natin." Sabi ni Sir juxx

Napatingin naman samin iyong lalaki ay mali, babae pala, ay ewan basta kung ano ba siya, hindi niya siguro napansin ang presensya namin kanina dahil nakay sir ang atensyon niya.

Baka nga siguro sumali 'to dito dahil kay sir e, yun ang tingin ko. ._.

"Ay mga ate girl! Hallo I'm Stephen Ploncia, Stephanie for Long!" Nakangiting abot tengang sabi niya habang inaabot ang kanang kamay niya.

Natawa naman kami sa ikinilos niya, ako na ang unang umabot sa kamay niya at saka nagpakilala din tulad ng ginawa niya. "Cliera Keira Yuton, Cley for short" nakangiting sabi ko sa kanya.

"And I'm Chelsey Laurien Gozco, Laurien" at nakipagshakehands din siya kay Stephen.

Kaming tatlo ay naguusap usap pa at tanungan lang, pero mas madalas na kami ang magtanong dahil siya ang transfer dito, madali naman siyang pakisalamuhaan dahil mabait naman sya kahit na may pagkamaharot din ang ugali nito.

Mas nagkasundo pa nga sila ni Laurien dahil parehas sila ng ugali. Si Sir Juxx naman ay tingin ko nagiisip na ng steps na pwede naming magamit sa sayaw.

Hindi niya pa nai-eexplain sa amin kung ano anong theme ng sayaw ang mga gagawin namin. Siguro ay sasabihin niya nalang ito kapag nakumpleto na kaming lima.

The Girl You Loved (Slow Update)Where stories live. Discover now