Chapter 9

15 14 0
                                    

Cley's POV

Nakalipas ang weekends na yun lang naman ang ginawa namin ni Laurien. Magdamag lang kaming nagreview para atleast ay updated pa din kami sa lessons. Mahilig kaming sumayaw ngunit mas prayoridad pa din naming ang aming pag aaral.

Ilang beses din akong chinat ni Jeid upang tanungin lang ng tanungin ng kung ano ano. Minsan pa ay naiirita ako dahil ay tunog ng tunog ang cellphone ko habang nagrereview ako dahil sa text niya.

Alas sais na nang umaga ngayon at hindi pa din ako tumatayo sa higaan ko, napakabilis ng araw at Lunes nanaman.

Simula nanaman ng practice, at simula nanaman ng pag papagod namin.

Tamad na tamad akong tumayo sa higaan ko at saka dumiretso sa banyo upang maligo, pagkatapos ko ay nagbihis na ako at inayos ang mga gamit na dadalhin ko ngayon bago ako lumabas ng kwarto.

Naabutan kong nagluluto pa si Laurien, siguro ay late na din itong nagising.

Pumunta ako sa cabinet malapit sa maliit naming TV upang kumuha ng pera doon upang pambaon, kaso ay nang makita ko ito ay kakaunti nalang ang laman.

"Laurien, paubos na pala ang pera natin." Sabi ko sa kanya kaya naman nakuha ko ang atensyon niya.

"Ay oo nga pala, hindi pa nagpapadala si Mama, si Tita ba?" Tukoy niya din sa Mama ko.

"Hindi pa din e, kokontakin ko sandali." Sabi ko naman at saka nagpipindot sa cellphone ko.

Idinial ko ang number ni Mama at matapos ang pangatlong ring ay sinagot niya na ito.

"Hello" sabi ko

"Oh anak kamusta? napatawag ka?" Bungad naman nito sa akin.

"Ma, paubos na po ang pera ko dito, kailan ka po magpapadala?" Tanong ko.

"Hala naku! Nakalimutan ko. Medyo gipit ngayon anak e, pero sige baka sumweldo na ang papa mo sa isang araw at magpapadala agad ako."

"Ganun po ba ma? Sige po"

"Pasensya na anak, may binayaran kasi sa school ang kapatid mo." Sabi pa nito

"Hala ok lang po yun ma, kasya pa naman po ang natitira kong pera dito. At kung kinakailangan ay gagastusin ko muna po ang ipon ko. Kamusta po kayo jan ma? Si cleid po?" Pag tutukoy ko sa kapatid ko.

"Ok lang naman kami nak, ayon naliligo pa at papasok din maya maya."

"Sige po ma, sabihin niyo nalang po sa kanila ni papa na miss ko na kayo. Kailangan ko na pong ibaba ma."

"Sige anak, mag iingat ka." Sabi nito at saka ko binaba ang linya.

Kung tutuosin ay may pera naman akong ipon at ganon din naman si Laurien kaso ay hindi namin talaga ginagalaw 'to dahil napag usapan naming gagamitin lang ito kapag may emergency.

"Oh anong sabi ni tita?" Tanong ni Laurien.

"Ayon, gipit pa daw kaya wala munang maipapadala."

"Ganun ba? Eh paano ang baon mo niyan?"

"Hindi naman problema sa akin iyon, pwede ko namang gastusin ang ipon ko muna." Sagot ko naman sa kaniya.

Tumingala ito at halata sa mukhang may iniisip. Nagliwanag ang mukha nito at saka nagsalita.

"Alam ko na!" Ani niya.

"Ha? Alin?" Naguguluhang tanong ko naman.

"Bakit hindi tayo kumuha ng trabaho? Mag working students tayo!" Sabi pa niya

The Girl You Loved (Slow Update)Where stories live. Discover now