Chapter 1

50 27 4
                                    

Cley's POV

Nakakasilaw ang sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ko. Umaga nanaman, panibagong araw nanaman.

Panibagong pangyayari at mga problemang kakaharapin ko para ngayon at sa sumusunod pang araw. Minsan iniisip ko nalang na sana hindi na ako gumising, na sana matapos na lahat ng problemang kinakaharap ko, na sana makalimutan ko na siya, ang lalaking kauna-unahan kong minahal, at kauna-unahang taong bumasag din sa puso ko.

Araw-araw ko pa din syang nakikita tuwing papasok ako sa paaralang pinapasukan ko, araw-araw ko pa ding nakikita yang mga ginagawa at kinikilos niya, at araw-araw ko pa ding nakikita 'yung mga ngiti niyang alam kong hindi na ako yung dahilan.

Nakahiga palang ako sa kama ko pero iniisip ko na agad kung anong mangyayari ngayon. Ikalawang buwan palang ng pasukan ngunit parang nahihirapan na ulit ako.

Lagi nalang tanong sa isip ko "bakit? Bakit siya ang saya saya niya na habang ako nandito pa din hinihintay siya".

Nawala ako sa pagmumuni-muni ko ng kumatok sa kwarto ko ang bestfriend kong si Laurien

*tok * tok * tok*
"Cley? Gising ka na ba? 6am na"

"Ah Oo, sige palabas na mag aayos lang ako" sagot ko sa kanya

Si Laurien ay naging bestfriend ko first year highschool palang kami. 4th year highschool na kami ngayon. At Oo nasa iisang apartment lang kami at inuupahan lang namin 'yon. Masyado kasing malayo ang bahay namin kung maguuwian pa ako sa bahay namin at tuwing papasok ako sa pinapasukan kong paaralan sa Plosteriaz Academy

Nag-ayos na ako ng sarili ko at saka napagdesisyunan na lumabas na ng kwarto at dumiretso sa kusina para kumain ng agahan.

Madalas na si Laurien ang nagluluto ng agahan namin dahil siya naman ang madalas na gumising ng maaga samin. Parehas kaming marunong magluto at parehas 'yon ang interes namin, ngunit mas masipag nga lang siya sa akin.

Pagkapunta ko ng kusina ay nakahanda na ang agahan namin. 7:30AM ang Klase ko ngayon at 6:45AM pa lang. Kinse minutos lang naman ang byahe patungo sa eskwelahan namin. Nagji-jeep lang kami pagpumapasok dahil mas tipid iyon kaysa sa trycicle. Magkaklase din kami ni Laurien simula 1st year highschool at hanggang ngayon.

-Plosteriaz Academy-

Papasok palang ako ng eskwelahan hindi ko na gusto ang aura. Dahil alam kong kahit anong oras ay makikita ko sya. Napakaimposibleng hindi ko siya mapansin dahil isa siya sa sikat dito sa paaralan namin. Kilala din kasi ang pamilya nila bilang galante at mayaman.

Naglalakad kami papunta sa room namin ng makarinig kami ng tilian sa likod namin ni laurien.

"Kyaaahh!! Ayan na sila Johan!"
"Ghadddd ang gwagwapo nila!!!"
"JOHAN WAIDE I LOVE YOU!!"
"Drent Marry Me!!"
"BE MINE CLEWD JIYM!!"

Ayan na nga sila, sino pa nga ba? Yung tatlong pinakasikat dito sa paaralan namin. At isa sa kanila ang nakabihag ng puso ko at muli din itong binasag. Alam kong hindi kapani-paniwala na isa ako sa tatlong ex niya, dahil sino nga naman ako? Wala pa sa kalahati ng pera niya ang pera ng pamilya namin. Siya lang naman si Johan Waide Fiento.

Kaisa-isang lalaking pinayagan kong makapasok sa puso ko. Tatlong buwan palang ang nakakalipas simula nung iwan niya ko ng hindi man lang nag iwan ng salita. Iniwan ako ng hindi ko alam ang kadahilanan.

Sabi nga nila pinaglaruan niya lang ako dahil imposibleng talagang mamahalin o mahuhulog sa akin si Johan. Pero hindi ko sila pinapaniwalaan dahil alam ko sa sarili kong pinaramdam niya sa akin na Mahal at minahal niya ako. Hindi ko lang talaga alam kung ano ba ang totoong rason bakit sa dinami ng pinagdaanan namin sa loob ng isang taon ay nakuha niya pa akong iwanan.

The Girl You Loved (Slow Update)Where stories live. Discover now