Chapter 2

44 28 0
                                    

Cley's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. 6:30AM na, pero parang tamad na tamad pa din akong kumilos. Parang ayaw bumangon ng katawan ko dahil siguro alam ko nanaman ang maaaring mangyari sa raw na 'to.

Kahit tamad na tamad ako ay pinilit ko ang sarili kong tumayo sa pagkakahiga sa kama ko at mag ayos ng sarili. Dumiretso na ako sa banyo at 15 minutes lang ay tapos na agad akong maligo. Pagkabihis ay dumiretso na agad ako sa kusina at nakahanda na ang pagkain tulad ng nakasanayan.

"Oh Cley, kain na. Anong oras na malalate tayo, 7:30 ang klase natin ngayon" sabi ni Laurien
"May assignments ba tayo kahapon?" Tanong ko sa kanya
"Wala naman"
"Akala ko meron, wala kasi akong ginawa kagabi"
"Cley ok ka na ba?" Muling tanong niya sakin
Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya at sinimulan na naming kumain.

Pagkatapos kumain ay nagabang na kami agad ng masasakyan dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na din ang unang klase namin para sa umaga.
Nagmadali kami ni Laurien na makaakyat agad sa classroom, at maswerte namang wala pa ang teacher namin.

Nagbasa basa nalang muna kami ng mga notes namin dahil baka may surprise quiz nanaman kami. Mga ilang minuto pa ay dumatin na si Ms. Sanchez ang English teacher at sya ding adviser ng klase namin.

"Good Morning Class!" Ani niya
"Good Morning Ms. Sanchez" sagot naman ng buong klase
"I have an announcement for today, Yung Opening Ball natin ay malapit na. Gaganapin ito sa susunod na linggo ngunit wala pang eksaktong date. Iaanunsyo nalang daw ng President Council kung kailan ang eksaktong petsa nang Opening na Ball na ito. At dahil sa nakaugalian, sa Plosteriaz West Gym ito gaganapin. Required ang lahat na sumama dito dahil ito na ang huling taon niyo dito." Mahabang pagpapaliwanag ni Ms. Sanchez

"Eh Ms. magkano po ang buong babayaran para sa Opening Ball?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.
"1, 300 ang buong babayaran except sa mga Kasama dito sa Membership ng council at dance troupe, dahil sila ay required talaga na sumama para sa ball na 'to. May tanong pa ba para sa ball na gaganapin?" Tanong niya
"Wala na po" sagot ng lahat
"Kung ganon, maglabas kayo ng Isang buong papel, Quiz upto 30"

"WHAT? Ms. naman hindi kami nagreview"
"Lesson muna Ms."
"Ms. wala namang ganyanan"
Angal ng mga kaklase ko.

"Hindi ko na kasalanang hindi kayo nagbabasa ng mga pinapasulat ko sa inyo. Dalian niyo. Number 1!" Sigaw ni Ms. Sanchez

"Buti nalang pala nagbasa tayo ng notes natin" sabi ni Laurien
"Ang tanong 'yon kaya ang ipapaquiz niya?" Sagot ko naman habang nakangisi
"Yun lang" hindi ko na sya sinagot at humarap na kay Ms. Sanchez.

Ayan ang pinagkapare-pareho ng lahat teacher namin dito. Laging nagbibigay ng surprise quiz, kaya mapipilitan ka talagang magreview at magbasa basa ng mga notes na ibinibigay nila. Buti nalang ay pinakatamaas na palagi ang kwarentang puntos sa mga quiz na 'yon.

"Number 15!" Sigaw niya

"Aist! Ano ba 'yon?"
"Naaalala niyo 'yon?"
"Argh! Hindi ko na review yun!" Puro angal nanaman ang maririnig mo sa mga kaklase kong walang maisagot sa quiz.

Matapos ang trenta minutos ay natapos na din ang quiz at bukas na daw 'yon che-check'an dahil baka kulangin sa oras at may ituturo pa daw siyang panibagong lesson sa amin.

Mga ilang oras pa ay natapos na ang dalawang klase namin at break time na. Parang ayokong bumaba ng canteen dahil alam kong maaring makita ko siya.
Ngunit hindi nakikiayon ang sikmura ko dahil nagugutom na din ako, dahil sa pangalawang subject namin ay nagpasurprise quiz din si Mr. Cruz.

Naglabasan na ang mga kaklase namin sa classroom at kami ang huling lumabas dahil ayaw naming makipagsiksikan ni Laurien. 30 minutes lang ang break namin, buti nalang at konti lang ang lalakadin namin papunta sa canteen.

The Girl You Loved (Slow Update)Where stories live. Discover now