TRT Chpt. 18

624 10 14
                                    

meanwhile back at New Verdania......

Punong puno na ako ng pagaalala may natanggap kami na distress signal na nanggagaling halfway around the world sa Frost.

Gabi na rito at tahimik na ang buong palagid naka alert na rin ang bawat sulok ng kaharian. At ako naman ay naka tayo dito sa Veranda ng kuwarto namin ni Don. Nakatanaw sa karagatan..

Gustong gusto ko nang lumakbay patungong frost ngunit ayaw ni Dom dahil baka papunta na rito ang mga kalaban at baka makasalubong namin sa himpapawid.

Hindi parin bumubukas ang lagusan na iniwan namin sa frost na tanging ang kambal lang ang makakabukas.

Ang mga anak ko.. sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga imahinasyon ko sumasakit ang puso ko. Kaya lagi ko itong hinihimas. Katulad ngayon parang napapapalpitate na nga eh.

Malamig ang simoy ng hangin galing sa malawak na karagatan. Kaya kahit papano ay narerelax ako. Hindi kasi ako nakakatulog wala parin si Dom dito sa silid kanino ko pa hinihintay mukhang pinadoble na nya ang bantay sa bawat sulok ng kaharian.

Sa kabilang Veranda ay ang silid ng unica Hija namin . Nakabukas ang pintuan ng veranda nito at nakapatay na ang ilaw sa silid mukhang tulog na ito.

Mukhang kailangan ko na rin bumalik sa higaan. Tumalikod na ako at gumayak na paloob ng silid ngunit biglang bumugso ang napakalakas na hangin at nagsiliparan ang mga buhok ko at naapula nito ang mga torch sa silid.

Gago tong hangin na to ayos na ayos tong buhok ko kanina ko pa itong sinusuklay tas liliparin mo lang na parang wala..

Pero napakalakas nun ha.. humarap ako sa veranda at isasara ko na ang pintuan dito. Habang pinuwesto ko na ang isa may napansin akong kakaiba sa Dagat. Biglang nagkaroon ng Fog at mabilis ito kumalat patungo sa aking kaharian. Kaya lumabas muli ako upang suriin kung ano ito.

Makakapal ang fog na ito at napakaweird ngayon lang nagkafog sa karagatan .. bumugso muli ang napakalakas na hangin at magisang naisara nito ang pintuan ng kabilang kuwarto.

Pumunta ako sa veranda ng aking anak ngunit bago ko pa man ito abutan lumabas rito ang aking anak .

" Miniel? " tawag ko rito. Pero parang may kakaiba sa kanya.. bat parang... parang lumulutang ito?.

Tumama sa kaniya ang liwanag na nanggagaling sa buwan at muntik na ko masindak lumulutang nga ito..

Pero mulat pagkapanganak sa kanya wala itong abilidad o kapangyarihan taglay. Tanging Henyo lamang ang taglay nito.

Dahan dahan ko itong nilapitan.

" Miniel anak? " tawag ko rito. Ngunit hindi ito sumasagot sa akin nakatingin lang ito sa karagatan.

Nagsesleep walking ba ito? Eh hindi naman naglalakad lumulutang nga eh. Sleep levitating?.

Inabot ko ang balikad neto at pinaharap sa akin.

Pagkaharap sa akin puro itim ang mata nito. Doon na ako nasindak ng bonggang bongga.

" Mi.. Miniel! Anak! Gising anak! " sigaw ko rito at tinatapik tapik ang pisngi neto.

Ngunit wala parin.. lumulutang rin ang mga buhok nito at ang kasuotan niya na parang nasa ilalim ng dagat.

Inangat nito ang kaliwang kamay at hinawakan pisngi ko..

" Miniel anak ! " tawag ko rito..

Humarap muli ito sa karagatan at itinutok nito ang dalawang kamay patungo roon.

Lumakas ang bugso ng hangin sa paligid naming dalawa ngunit hinihigup ng kanyang mga palad ang mga ito.

Hanggang sa lumitaw ang bolang Hangin na kasing laki ng isang basketball.

Twins Ridiculous Tales ( BoyXBoy Tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon