SOMEONES POV
Tanghaling tapat ng ako'y naalimpungatan. Balot pa ng kumot ang aking hubod hubad na katawan.
Weird. Hindi naman ako gumigising ng ganitong oras ah. Biglang bumugsok ang kakaibang aura sa kaluluwa ko.
Napatingin ako sa aking mga kamay.. ano to.. anong aura na iyon. Ngayon pa lamang ako nakadama ng ganito katinding aura.. dali dali kong tinungo ang aking aparador, hiniwalay ko ang mga damit na nakasabit dito . May secret compartment ito, kinuha ko rito ang aklat ng Lupa.. ngunit nabigla ako dahil lumiliwanag ito. Kahit nakabalot ito sa itim na benda eh clarong claro ang liwanag nito..
biglang tumibok ang puso ko.. tumayo lahat ng balahibo sa aking katawan.. biglang bumukas ang pintuan ng aking silid iniluwal nito ang aking kaibigan na tilay ninenerbyos
" Mahal na Pinunowoah woah woah!! " sabi nito nung nakita niya ang aking katawan.. napakunot ang aking noo..
" oh Bakit Dante? " tanong ko rito.
" ahh eh ahm.. " bigla itong tumalikod sa akin. Nahihiya ba to? Di pa ba siya sanay na makita akong hubad? .. " kayo ay pinapatawag ng mga Katataas taasan na Liderato.. " agad itong naglaho pagkatapos niyang sabihin ito..
Agad ko inaayos ang aking sarili at lumabas dala dala ang Libro.. dumiretso ako sa basement ng bahay kung saan naroroon na nagtitipuntipon ang mga kagaya ko..
Pagpasok ko rito agad bumunga sa akin ang mga kasama ko na nagtatalo talo maingay at may isang sinusubukan pakalmahin ang mga ito..
" Magsitigil nga kayo! Walang maidudulot iyang pagbabangayan niyo sa problemang ito! " sigaw ng maliit na babae na akala mo ay gradeschooler .. ngunit siya ang pinakamatanda dito..
" anong kaguluhan ang nagaganap rito Punong Maria? " tanong ko kay pandak..
" Mahal na Pinuno! " sigaw nito. Lahat ay nagsiupo at agad ng kumalma..
Nilatag ko ang librong dala ko sa lamesa lahat ay napatingin rito na wariy nakatingin ang mga ito sa isang kasuklam suklam na libro..
" tila'y binibisita ng mga kaibigan natin sa kabilang mundo ang Mundo ng mga tao.. " pagsisimula ni Lory ang unang Pinuno
" anong kailangan ng mga ito. At bakit ganito kalakas ang Aura nila? Hindi ba nagiisip ang mga ito ang maaaring maidudulot ng aura nila dito sa mundo natin? " tanong ni Felipe ikalawang Pinuno..
" Malamang matinding trahedya nanaman ang kasunod nito! Palayasin natin ang mga ito at tuluyan na isara ang portal na kumokonekta sa Mundo nila sa mundo natin! " sigaw ni Turing ang ikatlong Pinuno..
" alam niyo na Mahigpit na ipinagbabawal na galawin ang mga nilikha ng mga Dios . Lalong lalo na ng Dahil sa likha na iyon mga ninuno natin ay mapayapang namumuhay sa panahon na iyon.. " sabat ko rito.. sabay hawak sa libro " at ng Dahil sa connection ng mga ninuno natin Tayo ay biniyaya ng malaking karangalan " ..
" Karangalan? Mahal na pinuno napakabigat ng karangalan na iyan simula nung natanggap ko ang karangalan na iyan hirap na hirap na ako balansehin ang pagiging normal na tao sa umaga at Protektor ng mga Tao sa Gabi. " sagot ni turing..
Sasagot pa sana ako rito ngunit biglang dumilim sa loob ng basement may itim na hangin na palibot libot sa kahulihan ng lamesa..
" Lapastangan! " sigaw ni Maria.. binalot ng liwanag ang mata nito at lumitaw ang tungkod nito sa kamay niya.. agad pumaibabaw sa lamesa at direktang inatake ang itim na hangin.. nagsilabasan ang mga espada ng mga Pinuno at pinalibutan nila ako.
" Protektahan ang Mahal na Pinuno! " sigaw nila.. agad pumasok sa loob ng basement ang mga alagad nila na pinangungunahan ni Dante.
" Mga Hangal! Nasa matinding panganib ang Mundo natin! At nagtitipun tipon pa kayo? " biglang lumitaw ang mukha ng isang babae na balot ang katawan sa itim na hangin..