Pangalawang araw na namin dito sa Flying fortress. At ito na yung kauna unahang araw ng Paligsahan.. Lahat ng Leaders ay narito sa itaas na parang Throne katabi si Miniel. At hindi ko inaakala na ganito kalaki pala yung Dome. Dito gaganapin ang unang paligsahan na kung saan ay Magtatagisan ng Lakas ang bawat representante o kalahok ng bawat Faction o Kaharian.
Ngunit kulang pa kami rito ng isa. inaabangan ko talaga na lumitaw ang marka sa kamay ko kung may nangyare ba sa mga Edan. Ngunit wala talaga..
" heh! Mukhang mag wiwithdraw na nga ang mga Edan! Napaka tapang kung titignan napaka hina naman!" bulong ng isang leader ng bagong Faction
" Mukhang epektibo yung plano mo. Buti at nagawa mo" sagot ng isang leader dito.
Lingid sa kaalaman nila na naririnig ko ang pinaguusapan nila kahit bumubulong lang ang mga ito..
Ano nanamang kalokohan ang ginawa ng mga'to. Lumingon ako sa aking katabi at nagpaalam na pupuntahan ko yung mga kalahok ng Frost. " Michael.. Ichecheer ko lang yung kalahok naten. Babalik lang ako" tumayo na ako at umalis rito.
Dali dali kong tinahak ang locker room ng mga Edan. At pagpasok ko rito bakas sa mga mukha nito ang dismaya.
Naabutan ko si Braccini na sinusuri yung sugat ng dalawang kalahok nila.
" Hindi na ata matitigil ang pambubully nila sa atin. Masyado nila tayo minamaliit." sabi ng babae na nawawalan na ng tiwala na makakapasok pa sa Paligsahan.
" No. Sasali tayo. Papakita naten na hindi tayo aatras." biglang lumabas si Mary Filipa sa Cr at bihis na bihis ito at handang lumaban.
" pero kapangyarihan ang labanan at armor lang ang sa iyo Mahal na pinuno" sagot ng lalake na parang napakaseryoso sa buhay." isa na lang at makukumpleto na tayo. Lima ang kailangan natin!. Hanapin niyo si Pip. At siya yung ipapasok natin!" utos ni Filipa.
" yung bata? Ngunit napaka bata niya pa! Walang kaalam alam sa Support o Healing powers yung bata, kundi puro childs play. At masasaktan lang iyon." sagot ng ikatlong miyembro nila na kalmado lang.
Tumahimik ang leader nila at nag isip.
Support ang kailangan nila and i guess isa sa dalawang tulog na ito ang Support. Dapat ko na isakatuparan yung plano ko. Ito na yung sign...
Sorry michael. Kailangan ko silang tulungan.
Pumasok ako sa Cr nila at nag cast ng spell at nagpalit anyo bilang isang Edan. Paglabas ko gulat na gulat ang mga ito..
" No! " sigaw ni Braccini na tutol sa idea ko.
"Yes!" sagot ko
"No!" sigaw ni Filipa at ni Braccini
" Yes! Sasali ako! Ngunit paki usap! Wag na wag niyo sasabihin kay Michael o kung kanino man ang tungkol dito" at hinawakan ito sa kanyang balikad.