Kakagising ko lang at mukhang hindi maganda gising ko.. kumikirot yung sugat sa aking dibdib. At pag ito'y kumikirot sumasalakay nanaman ang mga Itim. Yan ang tawag namin sa bagong salta sa mundong ito.Sa dahilan na sa kahit anu mang lupa ang tinatapakan nila nagiging itim ang mga ito . Sa mundo ng mga tao Plague ang tawag rito. Nakakamatay ang mga usok nito ngunit muling nabubuhay ang sino mang namantsahan ng itim na usok at mamumuhay ang mga ito bilang itim na Elf. Literal na itim kulay ng katawan nito at Savage ang mga galaw nito.
Tatlong Taon na rin ang nakalipas mula nong pagkabuhay ko. At isang taon ko narin itinatago ito nararamdaman ko sa aking dibdib. Oo Tatlong taon na... may nagbago nga ba? Oo malaking pagbabago.. tulad neto...
Pumasok sa aming silid na Pagod na pagod at pinipilit itago ang pagod neto... humiga ito sa aking tabi at yumakap ng mahigpit.
" Pagod ka na ba?" Tanong ko rito habang hinihimas ko ang ulo neto na nasa aking dibdib..
" Nagawa na nilang sakupin ang mga maliliit na kaharian hindi umoobra ang depensa ni Sheela. Nawawalan na ako ng pag asa ngunit sa tuwing nakikita kita at nahahawakan akoy nabubuhayan muli ng pag-asa " inilayo nito ang ulo sa aking dibdib at manadaliang pumikit.
Muling kumirot ang aking dibdib at muntik na akong sumigaw buti nalang nagawa kong tiisin dahil baka madidistorbo siya at tsaka hindi pa rin niya alam to. Itong kirot na ito.. umatake nanaman ang mga kalaban..
At hindi nga ako nagkakamali... lumitaw ang blue orb sa harapan namin at lumabas ang update at kung saan ito.. naabutan na nila ang kaharian ng Metal... ngunit mukhang malakas ang depensa nila at hindi ito nagagawang mapuruhan ng mga kalaban..
Gusto kong tumulong at labanin ang mga ito ngunit may malaking problem akong kinakaharap ngayon... hindi ko na nagagawang gamitin ang Elemento... oo Tama kayo. Hindi na kasing lakas tulad ng dati at umaasa na lang ako sa mga spells at charms.. tanging maliliit na sugat nalang ang nagagawa kong gamutin gamit ang tubig. Hindi ko na rin nagagawang galawin ang lupa bagkus ay puro halaman lang ang kaya kong likhain.. sa apoy naman daliri ko nalang ang umaapoy na prang mga kandila.. at sa hangin, tanging mga Pakpak ko nalang ang natitira sa akin.. nakakalungkot sobra.. hindi ko magawang protektahin ang mundong ito..
" Trabaho nanaman" matamlay na bati ng aking asawa sa nakikita nito sa hologram..
Hinalikan ko ito sa braso at gumanti ng yakap rito..
" im so sorry.." I whispered
Nagulat ito sa kaniyang narinig at inayos nito ang posisyon ng katawan at humiga paharap sa akin. Hinawakan nito ang akong mga pisngi at iniangat ang aking mukha pahara sa mukha neto..
How long has it been since the last time na nasilayan ko yung mukha neto habang seryosong nakatingin sa akin.. mukhang nakalimutan ko na yata na tumatanda na pala kame.. hindi na pala kami katulad nung una.. lalong lalo na siya yung tunay na edad neto kasing tanda ng lumang Verdania pero dahil sa isa itong Hari napapanatili nito ang kabataan ngunit Mature na ito ngayon at nasa mid 40 na ang itsura naming dalawa. Mas hot na siyang tignan ngayon mas mature na katawan niya. At ako naman feel ko na rin yung konting wrinkles sa aking mukha.
" sorry saan?" He asked
" for being a useless King.." sagot ko rito.
" Look.. hindi ka useless. Ikaw ang Nagbibigay ng sigla sa Kaharian natin lalong lalo na sa akin at sa mga anak natin. Kaya wag mong isipin na useless ka. Kahit na humina na yung Elemento ikaw parin ang pinakamakapangyarihan na nilalang. Alam mo kung bakit?" He tucked my hair behind my ears and lean forward till our forehead find itself together.