PUYAT AT NANGANGALUMATA si Paul pagkagising kinabukasan. Ang walangyang lalaki, ni hindi sya binigyan ng malaking pwesto. Sinakop halos ang buong kama! Kundi sya lasing na rin at antok na antok na, nungkang matulog sya sa tabi nito.
Hindi rin naman sya nakatulog nang mahimbing, paano ay panay ang dantay ng hita nitong parang troso sa bigat. Natulog sya nang nakadapa, mahirap na at baka kung anong makapa nito, o madapuan ng braso.
Paggising nya ay wala na ito sa tabi nya. Nasa sala na at nagkakape sa lamesa.
"Good morning." Bati nito, inalok sya ng kape.
Dumiretso na muna sya sa banyo at isinagawa ang ritwal. Nagdala na ng bihisan para lahat ng kailangang gawin sa banyo ay gagawin na nya. Buti patapos na ang bisita de dinuguan nya, patak-patak na lang. Naligo na sya pagkatapos magdeposito sa alkansya at doon na rin nagbihis. Sinigurong maayos ang pagkakalagay ng benda sa dibdib. Buti na lang, di sya biniyayaan ni Inang Kalikasan ng dibdib na eskandalosa.Habang naliligo ay sandaling lumitaw si Apple. Ngunit paglabas ng banyo, Paul na ulit sya. Redi to payt.
Wala naman gaanong nangyari maghapon. Naghiwalay muna sila ni Gelo. Aalis daw muna ito, may aasikasuhin. Sya naman ay umalis din upang ipapalit ang dalars at ideposito ang kalahati nito sa dapat nyang pagdeposituhan. "Konti na lang, Mommy Jay." sabi nya sa sarili. Namili lang sya sa supermart ng mga pang-araw-araw niyang gamit at pagkain, at ang sumobra ay inilagak na ding muli sa kanyang personal na account sa bangko. Mabuti nang may ipon, para kahit kawatan, may kinabukasan naman.
Martes pa lang noon, Linggo pa ang ebent. May oras pa sila upang repasuhin ang plano at siguraduhing alam ng lahat ang kani-kanilang parte sa gagawing trabaho.
Naubos ang buong linggo nila sa paghahanda, pagbili ng mga kakailanganing gamit, pagpapraktis at pagsisiguro na walang magiging aberya sa raket.
Ang tinamaan ng magaling na lalaki, hindi na bumalik sa sala! Talagang doon na sa tabi nya natutulog gabi-gabi, na para bang matagal na nya itong kakilala at tungkulin nyang patulugin ito ng may electric fan! Bwisit na nilalang!
Hindi naman sya makaangal, kasi nga "pareho naman tayong lalaki" ang lagi nitong sinasabi. Pero ewan ba nya, parang may kislap sa mga mata nito tuwing sinasabi nito iyon. Parang may bagay na ito lang ang nakakaalam at hindi nya matukoy kung ano.
Erase, erase! Mas gwapo ko sayo no!
SUNDAY CAME AND everyone was ready. The event is being held at a lavish hotel in BGC. They had to rent a car for the night, because in events like this, no one takes a cab.Gelo was wearing a grayish blue suit, one of many suits he has at home. Brian has his own at mukhang mas mahal pa sa mga suits nya. Brian also provided Kevin a vest and a coat, dahil lahat ng mga damit nila ay hindi kasya sa higante. Antonio wouldn't be needing one, because he will be outside monitoring the event.
Dahil maliit si Budwire, they had to get him a custom tailored navy blue suit. Gelo was asking what shade of blue to get, and all he said was "Blue naman lahat yan, di kahit ano na lang."
Gelo had to admit. Despite knowing the truth, he was impressed by how impeccable Budwire looked. Hindi na mukhang tanga. She knows how to carry herself, very manly and very convincing. She was blessed with an androgynous facial structure. Dressed like that, she looked... handsome. Believable. Mas gwapo pa nga sa kanilang mga tunay na lalaki.
And every time he looks at her face, para syang mina-magnet at mas gusto nya pang matulala na lang at tumunganga sa mukha nito. She transformed from a simpleton, to an attractive guy. Huwag lang magsasalita. Mabubuking!
Handa na ang apat na tukmol -- a word he learned just recently. Kabisado na ng bawat isa ang gagawin. Simple lang kung tutuusin, nakasalalay ang kabuuan ng plano sa kung gaano kagaling si Brian na mang-akit ng matrona.
BINABASA MO ANG
CROOKS-TO-GO Book 1Budwire: The Bumbling Crook
RomanceCROOKS-TO-GO Book 1 Budwire: The Bumbling Crook Kawatan na panay bloopers, yan si Paul. Isang beses na nag-akyat bahay sya ay minalas pang may lalaki sa kwartong pinasok nya. Lalaking tulala. Kahit anong gawin nyang pagpapapansin ay hindi talaga ito...