"Agad-agad?! About us agad?!"
Biglang kambyo sa feelings?! Walang intro?!
"Why prolong the agony? Dun din naman pupunta ang sasabihin ko. And I'm not good at this. I'm not good at dealing with emotions."
"En am nat gud wid inglish. Dahan dahan, Irog ko." Ay nadulas! Jusme!
"I like that, Irog ko. Ngayon mo lang ata sinabi yan nang hindi tunog scripted. And I got it, sorry I keep -- sorry lagi akong nag-i-English. Gusto ko lang naman na masanay ka sa akin dahil mas comfortable akong magsalita nang ganun. But I'm trying -- sinusubukan kong mag-Tagalog for you." Paputol-putol na ang mga pangungusap nito. "Ang sinasabi ko lang, hindi ko rin ma-explain ang feelings ko sayo. I'm used to dealing with facts, empirical data, things that can be measured and rationalized. And love is not something you can quantify. Hindi nasusukat ang pag-ibig, di ba? No one can."
Naintindihan nya ito sa pagkakataong iyon. Dahil di nya rin maipaliwanag kung paanong noong una pa lang nya itong mapagmasdan ay hindi na nabura sa utak nya ang mukha nitong tulala. Na para bang ito lang ang hinihintay nya at handa na syang bumalik na muli sa pagiging babae. Hindi na nya kailangang magkunwari.
At tulad sa deklarasyon nito kanina, wala ring intro na basta sya kinabig nito papalapit at siniil ng marubdob na halik ang labi nya. Di nya malaman kung aatras o kakalas, kung ikikiling ba ang kanyang ulo o kung diretso lang. Napasinghap sya dahilan para bumuka ang labi nya at pumasok ang dila nitong parang may sariling buhay, animo'y ginagalugad hindi lang ang hangganan ng tonsil nya, kundi maging kailaliman ng pagkatao nya.
Bago pa sya tuluyang magdeliryo ay pinilit nyang kumalas sa lalaki.
"Teka muna, nanghahalik ka na lang bigla di ka man lang magpaalam. Mamaya ka na tumuka, marami pa akong itatanong!" kanda-iwas ang dalaga sa nguso ni Gelo na tuloy pa rin sa pagtuka.
"We don't have to deal with it right now. What we have to do is make out for a while, then get out of this island as soon as possible. We have all the time in the world to get to know each other and explore our feelings for each other. I'm not even sure it will work, given our differences. We'll see."
Kahit limitado ang kaalaman nya sa inglish, nangamba sya sa huli nitong tinuran. Papano nga kung hindi sila magkasundo? Makakaya nya bang bumalik ulit sa pagpapanggap? At makakaya nya bang kalimutan ang lalaki? Makakaya ba nyang tumuka at magpatuka sa iba? Parang hindi na ata nya kaya.
Pero hindi na nya naharap ang iba pa nyang katanungan. Kumatok si Kevin sa pinto at ipinasok ang ulo sa kwarto.
"Bumalik na sila. Nandito na sina Fatima at Antonio."
WHEN FATIMA AND ANTONIO came back, they were both soaking wet. Kapwa hindi nagsasalita ang dalawa. Mugto ang mata ni Fatima na parang kagagaling lang sa pag-iyak habang nanlulumo naman ang hitsura ni Antonio. At parang parehong pagod na pagod na nanggaling sa napakalayong paglalakbay.
Fatima went straight to the kitchen and started cooking lunch. Antonio went in his room and didn't come out till they called him to eat. After eating, he secluded himself in the room again. No one was talking. Not even them.
Still, all things considered, their plan went smoothly. They got the painting. And his cover served its purpose. He has the flash drive. He got it from the wooden statue's head, hidden in one of its crevices. He can go home. They can go home.
He's excited for what's to come.
He'll reclaim his place in the science community. Vanessa will finally get what she deserves. And he can finally face Paul and his feelings for her. Wow. Feelings. He's mulling his next steps when his phone rang.
BINABASA MO ANG
CROOKS-TO-GO Book 1Budwire: The Bumbling Crook
RomanceCROOKS-TO-GO Book 1 Budwire: The Bumbling Crook Kawatan na panay bloopers, yan si Paul. Isang beses na nag-akyat bahay sya ay minalas pang may lalaki sa kwartong pinasok nya. Lalaking tulala. Kahit anong gawin nyang pagpapapansin ay hindi talaga ito...