Chapter 8

361 13 3
                                    

NAKASAKAY na ang trupa sa kotse ni Gelo papuntang Batangas City. Nang dumating sa Pier ay iniwan na muna nila ang kotse nito at sumakay sila ng jeep papuntang Tabangao. Mula dito ay sasakay pa sila ng ferry papunta sa Isla de Bulugan. Hindi ito kalayuan mula sa Tingloy, isang isla na parte pa rin ng probinsya ng Batangas.

Dahil kailangang sadyain ang mismong isla ay wala palang ferry na bumibyahe patungo roon, inarkila na nila ang isang maliit na bangka. Hindi nga lang makadaong ang lahat ng bangka at ferry sa dalampasigan dahil sa lakas ng alon at taas ng tubig, kaya mga maliit na bangka lamang ang nakadaong sa buhangin.

"Dyan tayo sasakay?!" gulat na tanong ni Paul.

"Ser, ihahatid lang po kayo dun sa mas malaking bangka, hindi po kasi makalapit dito sa pampang." sagot sa kanya ng bangkero.

Paano ba naman, ang bangkang itinuturo ng mga bangkero ay pagkaliit-liit, tatlo lang ang pasaherong kasya, de-sagwan at iisa ang katig! Isang katig! Pano kung tumaob?!

"Hindi po tataob yan ser." sabi ng bangkero na para bang nabasa ang isip nya.

Dala-dalawa silang sumakay. Nauna sina Antonio at Kevin, kipkip ang mga bag. Hirap na hirap mag-balanse ang dalawa, sa laki ba naman ni Kevin! Nakarating ang mga ito sa mas malaking bangka nang walang aberya.

Nang silang dalawa na ni Gelo ang sasakay ay inalalayan siya nito. Kanda iwas naman sya, para ipakita na lalaki din sya at kaya nya ang sarili nya. Pag-upo nya sa gilid ng bangka ay nalula na agad sya dahil pagewang-gewang ito na para bang anumang oras ay tataob.

Hindi ako pwedeng mabasaaaa!!!

Nagsimula nang magsagwan ang bangkero. Dahil sa kaba marahil at sa kalikutan na rin, hindi nya napigilang kumilos nang basta-basta kaya mas lalo syang nawalan ng balanse. Hinagip sya ni Gelo para sana alalayan, ngunit bigla syang napaupo. Imbis na matulungan sya, ito pa ang lalong napahamak.

Nagpaikot-ikot ang mga braso, sinusubukang ibalik ang balanse sa pagkakatayo, ngunit hindi na rin kinaya ang uga ng bangka at ang hampas ng mga alon.

"Brad! Baka mahulog ka!" sigaw nya.

Splash!

Nahulog na ang binata sa dagat!

Kumahog sya sa pagkagulat, hindi malaman kung tatalon din o hindi kikilos para maibalik ang bangka sa ayos. Ni hindi sya sigurado kung marunong ba itong lumangoy!

Sa huli ay nanaig ang pagiging matulungin nya. Nang hindi pa rin umaangat ang ulo nito ay ibinaba na nya ang bagpack at tinalon ang tubig. Ang bangkero kasi, walang silbi! Sinisid nya ang lalaki at nang mahagip nya ang braso nito ay saka sya lumangoy pataas.

Nang lumutang ang ulo niya sa tubig ay sisinghap-singhap sya na parang talakitok na pumaltok sa lupa. "Puta! Ang ginaw!" sigaw niya.

Hindi na siya sumakay muli at nilangoy na lang ang mas malaking bangka na sasakyan nila. Nakasakay sila sa bangka matapos ang ilang makapigil hiningang minuto. Wala syang nagawa kahit ayaw nyang maging talakitok na wet!

Saka pa lang nya ito napagmasdan. Ni hindi kumikilos! Paano to?! Sinubukan nyang gayahin ang mga napanood sa pelikula. Sumakay sya sa lalaki at sinubukang diinan ang dibdib nito nang ilang beses. Ayaw pa rin!

"I-CPR mo!" Sabi ni Antonio.

"Hindi ako marunong!" nagpa-panic nang sagot nya.

"Sa bibig! Basta sa bibig!" Sabi naman ng bangkero.

Sa bibig daw, eh di sa bibig. Hindi na nag-iisip, basta na lang nya inilapat ang bibig sa bibig nito. At dahil di naman nga marunong, imbis na bugahan ng hangin ang binata ay hinalikan nya ito. Sige, halik lang nang halik. Tapos ay didiinan muli ang dibdib, at hahalikan ulit.

CROOKS-TO-GO Book 1Budwire: The Bumbling CrookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon