"WHAT?! I CAN'T DO THAT!" Gelo cried out. "Pano natin mapapaniwala si Fatima na may relasyon tayo kung tulala ako? And besides, I can't just turn it on and off, you know. I was going through something that time, kaya hindi ako nagsasalita."
"Hoy tungaks ka, akala mo mauuto mo ko?! Kunwari pa dati nalaglag yang twalya mo, binubuyangyang mo lang naman yang -- yang -- yang braso de mulawin! Alam kong sinasadya mo yang tulala epek mo na yan! Style ko na yan dati para di ako mautusan ng pastor namin, kunwari malalim ang iniisip ko! Wais to-its, brader!" tinuktukan pa nya ang lalaki sa noo.
Naalala na naman tuloy niya ang nakitang... braso. Parang naririnig din niya ang mga pabo na lumiligid sa utak niya.. hong-laki-laki! hong laki-laki!
"Stop that, will you?" At pinigilan ang kamay nya. "Why will we go to an island like this, tapos matutulala lang pala ako? It doesn't make sense!"
"Ni hindi ko pa nga alam kung anong haharbatin natin dito eh! Gaano ba tayo katagal?! Pano kung hindi natin mahanap, o paano kung wala naman pala tayong mapapala dito?!" giit na sagot nya.
"Ay, LQ agad ang mga badesa?" Si Fatima, di nila namalayan na nasa tabi na pala nila. Buti na lang, hindi malakas ang mga boses nila habang nagtatalo. "Anyareh, beks?!"
"It's nothing, Fatz. Paul is just not used to people knowing about us." palusot ni Gelo. "Where can we put this tent?" pagbabago nito ng topic.
"Binago mo pa topic ah. Simplehan mo naman, Pogi. Masyadong obvious eh, bwahahahaha." Palayo na ito ulit. "Kahit saan sa beach! You're the guests, you decide! Stop asking me questions when you already know the answer!"
Bumaling sa kanya si Gelo. "Is she wearing rollerblades?! My God, that woman is a ghost! She just appears everywhere!"
Inusog na nila ang tent at naghanap ng pwesto. "Kaya nga, kung ganyang super intrimitida at tsismosa ng longkatu, mas madali tayong mabubuking! Mabuti pa bilisan na natin ang trabaho dito!" Sa may ilalim ng pine tree nila ipinuwesto ang tent. "Ano ba kasing nenenokin natin dito, ayaw mo namang sabihing lintik ka! Tatarakan na talaga kita pag ako napikon sayo!"
Kakagigil! Pasalamat ka jowa kita ngayon! Pero... bakit parang kinikilig sya?
Lumabas na rin sina Antonio at Kevin. Lumapit sa kinaroroonan nilang dalawa.
"Tol, musta love life?" pambubuska ni Antonio. Sumimangot si Kevin pero agad ding nawala, baka imahinasyon lang nya.
Sinabuyan ni Paul ng buhangin ang tarantadong makapili. "Traydor kang ungas ka!" Napuwing naman ito, kandaubo pa. Di pa sya nakuntento at dinamba niya ito ala-Ultimate Warrior.
Body Slam!
"Gago kang hayup ka, hindi na lang kayo ang naging mag-jowa nito!" Sabay turo kay Gelo. "Di ka na nga tumanggi, sinusugan mo pang kupal ka!" Hawak na nya ito sa leeg at sinasakal. Hindi naman nakialam si Kevin, pero pasimple syang binigyan ng espasyo para mas malayang makagalaw.
Si Gelo lang ang umawat sa kanya, dahil ang Antoniong abnoy, tatawa-tawa lang kahit nasasakal na.
"Tol, magagamit nyo kasi yang role na yan para mas mapadali ang trabaho natin. Pwede kayong magkulong sa kwarto kunwari, naglalampungan. Tapos kami aaliwin namin si Miss Fatz. O kaya naman magkakatampuhan kayo, magkukulong ka kunwari sa kwarto tapos walk-out naman si gago." Itinuro nito si Gelo nang sabihin ang 'gago'.
"Wow, Mess Patz! Ang sweets mo naman! Eh kung i-atiban na lang yang dalahirang katulong na yan at patulugin ng tatlong araw?!" mungkahi nya sa trupa.
"We can't do that. Vanessa knows me, and if Fatima tells her I was here, it will raise questions." kontra ni Gelo sa sinabi nya. "We have to come and leave without suspicion."
![](https://img.wattpad.com/cover/123357360-288-k657865.jpg)
BINABASA MO ANG
CROOKS-TO-GO Book 1Budwire: The Bumbling Crook
RomanceCROOKS-TO-GO Book 1 Budwire: The Bumbling Crook Kawatan na panay bloopers, yan si Paul. Isang beses na nag-akyat bahay sya ay minalas pang may lalaki sa kwartong pinasok nya. Lalaking tulala. Kahit anong gawin nyang pagpapapansin ay hindi talaga ito...