Chapter 2

507 19 0
                                    

HINDI SIYA MAKAKILOS, hilong talilong na di malaman ang gagawin. Lalabas ba ulit at tatakas, magpapaliwanag at magpapalusot, tatalon sa bintana, tatakbo palayo, o tatayo nang nakanganga? Kinalma nya ang sarili at naghanda sa gagawin ng lalaki habang pasimpleng humahakbang paatras.

Nang nakakatatlong hakbang na sya ay saka pa lang nya nilingon ang lalaki at tiningnan. Tuwid na tuwid ang likod. Nakatitig sa kawalan. Hindi kumukurap, hindi rin nakatingin sa kanya. Tumigil sya sa pag-atras. Tinitigan ang lalaki. Parang hindi humihinga. Baka istatyu?

Tuluyan na syang tumigil sa pag-atras. Kunot-noong inobserbahan nya ang lalaki. Matangkad kahit nakaupo, mahahaba ang hita at binti, malalaki at balbon ang braso na nakapatong lang sa hita, may lapad nang kaunti ang dibdib, mahaba ang leeg. Ang pogi! Napanganga sya sa mukha nito na wala mang emosyon ay puno naman ng kaakit-akit na hulma. Para itong pinaglihi sa pagnanasa. Para itong naglalakad na ulam. Para itong sugo ng demonyo para magkasala ka nang walang humpay. Ganun ito kagwapo.

Nakakabakla. He-he-he.

Ang nakakapagtaka, hindi talaga ito kumikilos. Kabado man na baka bigla syang sugurin nito at saka pagsusuntukin, lakas-loob nyang nilapitan ang lalaki. Wala talaga, tulaley. Humara sya sa harap nito at um-squat sa harap ng binata. Iwinagayway ang kamay sa mukha. Gamit ang dalawang daliri, kunwari ay tutusukin nya ang mga mata nito. Ni hindi kumurap! Tulala talaga. Istedi ang paghinga, hindi kumikilos, parang tulog pero nakamulat ang mga mata. Sinubukan nyang kalabitin pero wala talaga. Sumayaw-sayaw pa sya sa harap nito, nag-dolphin dive, nag-tictac, nag-isolation ng leeg at balikat. Waley!

Sa iisang bagay lang ata nakapokus ang paningin. Nung sinundan nya ang tingin nito, nakatitig lang sa painting sa ibabaw ng kama. Dahil nakampante na si Paul na hindi talaga kumikilos ang binata, "Sige, gera na. Bahala na si Bathalumang Emre!" bulong nya sa sarili. "Pare, pasensya na. Wag ka na lang magigising jan ha. Mabilis lang to, pramis."

Dahil relaks na, muli nyang iginala ang paningin sa kwarto. Wala namang kakaiba na maaring pagtaguan ng kayamanan. Ang lamesang maliit ay payak at walang nahuhugot na drower, ang kabinet ng mga libro ay pawang mga libro lang talaga ang nakalagay. Alangan namang sa ilalim ng kama? Baka nga... Tumuwad si Paul sa ilalim ng kama pero pasimple pa ring sumusulyap sa lalaking tulala. Wala ring kakaiba sa ilalim, maalikabok pa. Isa lang ang napansin nyang angat sa paningin sa buong kwarto.

Ang painting. Isang babaeng kakaiba ang hugis ng mukha at katawan na nakaupo sa silya. Medyo mataba. Naka-dekwatro ang matatabang hita na nakaberdeng leging, nakahawak ang kaliwang kamay sa balikat at sa tuhod naman ang kanan. Nakatanaw ang babae sa bintana. Kakaiba ang mukha, parang mukha ng balyena.
Hmmmm...

"Tabi tabi po, makikisilip lang po." Dumais sya sa lalaki at dahan dahan nyang itinabi ang mukha sa tabi ng mukha nito. "Usog ka ng konti." Ang bango ng lalaking tulala! Nalalanghap pa nya ang samyo nito na parang bagong ligo sa batis ng kagalakan! Itinulak nya ng bahagya ang mukha nito, at saka ginaya ang direksyon ng mata ng lalaki. "Sa painting ka ba nakatitig?" Sa painting nga.

Ibinalik nya ang ulo ng lalaking tulala. "Salamat po, ambabait ninyo, tenkyu!"

Wala pa ring reaksyon. Dedma.

Dahil nga dedma ang lalaki, bumabalik na ang kumpiyansa at eksayment ni Paul. Inilang hakbang nya lang ang kama at saka pumuwesto sa uluhang parte. Sinipat ang painting at ang pinagsasabitan nito. Parang bagong kabit lang ang painting, amoy pintura pa ng bahagya. Nakakabit sa preym na kahoy, may kawad sa likod na nakasabit sa dalawang sabitan sa dingding. Dingding!

Ang dingding, bow! Ang dingding na tumataginting. Nandun ang kaha de dalars, basta na lang tinakpan ng painting ng babaeng balyena. Parang gusto nya biglang kumanta ng dubidubidapdap sa saya! Nilingon nya muli ang lalaki -- tulala pa rin. Beri good!

CROOKS-TO-GO Book 1Budwire: The Bumbling CrookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon