MALAKI ang bahay ni Vanessa. Kahit ilang beses na ring nakapasok si Paul sa malalaking bahay, hindi pa rin nya naiwasang malula nang kaunti sa yaman ng babae. Kung bahay-bakasyunan pa lang ito, gaano pa kalaki ang mismong bahay sa Maynila?!
Pagpasok sa malaking pinto na gawa sa makapal na salamin, maluwag na sala ang bubungad sayo. May malaking sofa sa gitna, magkakaiba ang kutson at kulay, pero hindi naman pinaglumaan. Parang binili talaga na magkakaiba ang disenyo at itsura. Sa gitna nito ay carpet, nakapatong ang lamesitang de bubog na napapatungan ng kandilang magkakaiba rin ang tangkad at kulay.
Ang pinaka-dingding ng sala ay butas-butas na lalagyan ng mga bote ng alak, bilang dibisyon sa sala at komedor. Sa likod niyon ang dining table na may walong upuan at basket ng saging. Salamin ang pader ng buong bahay, tanaw mula sa loob ang magandang beach na nasa labas. Nakaharap ang komedor sa dalampasigan, pampaganang kumain sa mga nanananghalian.
Sa kaliwang bahagi ng sala ay may hagdan na iilang hakbang lang naman ang taas, paakyat sa isa pa uling sala. Mayroon din doong sala set, pero kahoy naman ang upuan, at banig ang pinagpapatungan ng lamesita na gawa din sa purong kahoy. May naka-display na sungka, mga katutubong tambol, sinaunang gitara na tatatlo ang kwerdas, bandurya at gong.
"Baka dating hurado sa Tawag ng Tanghalan si matrona, hehehe!" sabi nya kay Kevin at itinuro ang gong. Ngumiti lang ito sa kanya. O, di ba, hindi mausisa.
Lumapit sa kanila ang babaeng katiwala.
"Ako nga pala si Fatima. Chay na lang. Short for achay. Hahaha!" Pakilala nito sa sarili. Ito lang ang natawa.
Si Gelo ang humarap dito. "Hi, I'm Angelo. Gelo. This is Antonio, the big guy is Kevin, and this is Budw--Paul."
"Ah, yung bading na maliit. Jowa ba yan nung higante?" tanong nito.
Napamaang sya sa sinabi nito. Nagkatinginan sila ni Kevin, pero kung siya ay nagpo-protesta, nakangiti naman ito na parang wala lang.
"Hin--" di na nya natapos ang sasabihin dahil tinakpan ni Gelo ang bibig nya.
"No they're not together. We are." At umakbay ito sa kanya, kinabig sya palapit. "Got it?" Tiningnan sya nito na para bang nagsasabing sumakay ka na lang, akong blaha.
"Ahh, oo nga, mas bagay kayo. Baka durugin sya ni Hulk eh. Pero bakit parang ayaw naman nya? Kita mo oh, ang laki ng mata." nang-iintrigang sabi ni Fatima.
Sisingit pa lang sya ay inunahan na sya ni Antonio."Tol, ok lang naman kung hindi mo maamin dati. Pero napapansin na namin dati pa yan, di ba Kevin?" Siniko din nito si Kevin, pinasasakay din. Nagkibit-balikat lang ang higante. Ang walangyang Antonio! Hindi na ito hunyango sa paningin nya, makapili na! Traydor ang ungas! Susukluban nya ng bayong ang ulo nito mamaya!
"Irog ko, everyone knows. And it's normal nowadays. So why hide it? We're in the company of good friends, and we're in a beautiful place. Let's just have fun, please?" ani Gelo, tinitigan pa sya sa mga mata. At tinawag pa syang irog ko! Ang tono ay naglalambing at nangungusap, pero ang mata ay nagpapadala ng mensaheng napakalinaw: sakay na!
"Sige, Irog ko. Enjoy enjoy lang. Pero lagot ka sa kin mamaya, Irog ko." Nagbabanta ang tingin na sagot nya dito.
"Hongtoroy, Irog ko! Ganda mo teh!" Sinundot pa sya ni Fatima sa tagiliran.
Napakislot tuloy sya at napakapit kay Gelo na noon ay nakaharap sa kanya. Akala naman ata nito ay yayakap sya kaya kinabig sya nito at tuluyang niyakap. "Thanks, Irog ko. I knew you would understand. Sorry if I outed us without telling you."
Hinigpitan nya ang kapit dito, yung tipong hindi na makakahinga. Hindi rin naman nya mapiga, solidong bato ata ang dibdib. Tumingkayad na lang sya at inilapit ang bibig sa tenga nito.
BINABASA MO ANG
CROOKS-TO-GO Book 1Budwire: The Bumbling Crook
RomanceCROOKS-TO-GO Book 1 Budwire: The Bumbling Crook Kawatan na panay bloopers, yan si Paul. Isang beses na nag-akyat bahay sya ay minalas pang may lalaki sa kwartong pinasok nya. Lalaking tulala. Kahit anong gawin nyang pagpapapansin ay hindi talaga ito...