Chapter 6

108 2 0
                                    

"Una na ko. Yung sinabi ko sayo ha, sa makalawa na ko uuwi dahil may team building pa kami." Sabi ni ate at tinapik pa yung hita ko. Busying busy ako sa kakapanood ng cartoon sa Nickelodeon habang nakahilata sa malapad na sofa namin. "Ingat ka doon ha? Tsaka pasalubong ko." Sabi ko lang at patuloy sa pag nguya ng cheese flavor pop corn na pinabili ko sa kaniya kanina. "Yung buhok mo tuyuin mo, at nababasa yung unan!" Sabi ni ate Aira, bagong ligo kasi ako at pag kabihis ay di na ko nagpatuyo ng buhok, agad lang akong bumaba sa salas sabay hilata. Rest day ko ngayon kaya TV day ko, this will be the only day that I can enjoy watching TV, at ngayon nga ay series marathon ng paboritong cartoon show ko na Spongebob Square pants at The Fairly Odd Parents. Umupo na lang ako sa sofa para di na ko pagalitan ni ate Aira. "Magingat ka dito ha!" Sabi pa nito at sinarado na yung pintuan, pagsara ng pintuan ay humilata ulit ako sa may sofa. Tawa ako ng tawa sa katangahan ni Patrick ng tumunog yung cp ko. Si Ton nagtext, may dalawang buwan na simula ng huling beses ko syang makita, noong nag clearance sya sa opisina.

From: Ton <3

eve? musta na? wat tym pasuk mo? si ate ?

Me:

ito, maganda pa din hehe :p, wala ako pasuk today, c ate pumasok na, may shift un ng 11:30...y po? ?_? kaw musta na... :p

From: Ton <3

ala lng...kausap ko c logan now...ito sak2 lang, pumopogi hahaha!

Me:

ah...office ka now?

From: Ton <3

nope, kakaalis ko lng hehe...

Me: 

BALIW!!! wahahaha XD

Di na nagreply si Ton after nung huli kong text, napikon siguro. Kaya pinagpatuloy ko na lang yung panonood ko ng Spongebob. Medyo mahapdi na yung mata ko ng naisipan kong tumayo at iligpit yung bag ng pop corn, pagtingin ko sa wall clock 12:04 am na 2 hours na kong nanonood ng TV. Dumiretso ako sa banyo para maghugas ng kamay, magtooth brush at maghilamos. Feel na feel ko ang paghihilamos ko ng biglang may kumatok sa pintuan. Kinabahan ko, sinong hampas lupa ang may lakas ng loob na kumatok sa pintuan namin ng dis oras ng gabi?! Di ako sumagot baka kasi kung sinong animal na nag-ti-trip, buti na lang at mahina yung volume ng TV. Kumatok ulit yung tao na nasa pintuan kinabahan ako at tinapus na yung paghihilamos ko. "Saglit." Sabi ko, pero katok pa din ng katok yung nasa labas. "Ay alam mo yung word na saglit?" Pagtataray ko habang pinupunasan yung mukha ko. Katok ulit, "Wait! Saglit! Uno momento por favor!" Sigaw ko, yan ha! Tagalog, english, spanish na yan baka di mo pa din magets, isip isip ko habang papunta sa pintuan, sinilip ko muna yung bintana kung sino yung animal na katok ng katok.

"Boo!" Sigaw ni Ton mula sa bintana ng sumilip ako, dahilan para mapatili ako sa takot at gulat! Rinig na rinig ko yung tawa ni Ton mula sa labas. "Grr!!! Hayup ka!" Sigaw ko sa kaniya, mula sa nakasaradong pintuan. "Buksan hahaha mo na tong hahaha pintuan hahaha!" Sabi ng animal habang tawa ng tawa! Aba't mukhang nag enjoy kakatawa ang animal! Binuksan ko yung pintuan, at pinapasuk sya. "Hayup ka! Mamatay ako syo!" Gigil kong hinampas ang braso nya. "Hahaha, aray masakit!" Sabi nito at pumasok. "Wow ha, ang laki ng ipnagbago ng bahay nyo." Sabi nito ng makapasuk sa bahay. Dahil ang dating kutson na lagi nyang inuupuan ay isa ng malapad na sofa, sa loob ng halos anim na buwan na huling nabisita dito si Ton, at loob ng mga panahon na iyon ay nagawa na naming magpundar ng mga gamit ni ate. "Oo naman." Sagot ko at pinaupo sya sa sofa, sabay direstso sa may kusina. "Ano gusto mo? Tubig, juice or coke?" Tanong ko. "Ikaw..." Sabi nito at ngumiti. "Ha-ha, di ako kasama sa pagpipilian." Sabi ko na may pag ka-sarcastic ang boses. "Coke na lang, taray nito." Sabi nito at nag labas ako ng isang Coke in can para sa kanya at isang Del Monte Pine-Orange juice in can para sakin. "Oh..." Sabi ko sabay abot ng Coke dito. "Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" Tanong ko at umupo sa tabi nya at medyo pinunasan yung leeg ko dahil medyo basa pa din dahil sa paghihilamos. "Wala lang...kinakamusta ka lang." Sabi nito sabay inom ng coke. Pinatong ko yung dalawang paa ko sa sofa at niyakap yun at pinatong yung baba ko sa tuhod ko. "O-okay lang ako." Mahinang sabi ko. 

Diary of a Willing MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon