Epilogue

135 1 0
                                    

Steven Anthony's POV

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko noon at bigla akong umalis ng bahay ni Cardi. Parang ang sama-sama ng loob ko, di ko matanggap na hindi tinggap ni Cardi ang alok ko na kasal. Basta ang alam kong eh ang gulo-gulo ng isip ko. Nagulat na lang ako ng may narinig akong isang malakas na busina at pagkatapus ay nawalan na ko ng malay. Pagkagising ko ay sobrang sakit ng katawan ko at nasa ospital na ako. "Babe, buti gising ka na!" Maluha luhang sabi ni Camille. "Anong nangyari?" Sabi ko kahit hirap akong magsalita. "Nasagasaan ng bus yung kotse mo, tatlong araw ka ng tulog." Sagot naman ni mama. So na aksidente pala ako, shit si Cardilyn paano nya malalaman yung sitwasyon ko! "Ma, yung phone ko?" Sabi ko na pilit umupo. Shit! Sobrang sakit ng katawan ko! "Babe, dahan-dahan lang, nacontact na namin yung work mo." Sabi ni Camille at marahan akong hiniga sa kama. "No! Asan yung cellphone ko?!" Sigaw ko. "Ito na lahat ng gamit mo." Sabi ni mama at about ng isang bag sa'kin hinagilap ko yung cellphone ko. "F*ck!" Napamura ako ng malakas ng makita kong durog na durog ang cellphone ko! Kahit hirap ay tinanggal ko yung likod ng cellphone, mas lalo lang akong nadismaya ng makita kong pati yung sim card ay na sira na! "Shit!" Naiinis akong tinapon sa kung saan yung cellphone, alam kong alam na ni Camille na may babae ko, at mas lalo lang lumakas ang hinala nya sa naging reaksyon ko.

Lumipas ang apat na buwan bago ako tuluyang naka lakad at nakalabas ng ospital, una kong pinuntahan yung apartment ni Cardilyn, baka andoon pa din sya, baka inaantay pa din nya ako. Kumatok ako sa pintuan, dahil nawala ko yung duplicate nung na aksidente ako, nagulat ako ng ibang tao ang nagbukas ng pintuan. "Sino po sila?" Tanong sa'kin ng batang babae na buhat pang isang maliit na aso, napatingin ako sa number ng pintuan, tama naman ah? "Ah, andito pa ba nakatira si Cardilyn Lee?" Tanong ko, sa babae. "Ay, wala pong Cardliyn dito." Sagot ng bata sa'kin. "Ah, sige salamat na lang." Sagot ko at lumabas na sa compound nila, saktong paglabas ko at naabutan ko yung landlady ni Cardi. "Ma'am, si Cardilyn po?" Tanong ng makalapit ako dito. "Ay hindi mo ba alam? Mag-iisang buwan ng lumipat si Cardilyn." Sabi nito. "Hindi po ba sa inyo na sabi kung saan sya lilipat?" Tanong ko. "Ay hindi, iho, eh." Sabi nito. Pagkatapus magpasalamat ay umalis na ko. Pilit kong hinanap si Cardilyn, lumipas ang isang taon ngunit wala akong Cardilyn na nakita, ayaw sabihin ng mga kapatid nya kung nasaan sya. 

"I do." Sabi ni Camille habang nakangiti, suot nya ang kaniyang wedding dress. Sana si Cardilyn ang nasa harap ko ngayon, dala siguro ng pangungulila ko ay si Camille ang niyaya kong magpakasal. Para akong tanga iyon ang na realize ko, hindi ko mahal ang babaeng pinakasalan ko. Pero para sa mga anak ko gagawin ko ito, sawa na ko na ang bitbit nilang pangalan ay ang kay Camille. Nakita ko ang saya ng taong nakapaligid sa'kin, sana ako din sa masaya sa araw ng kasal ko. "I do." Walang buhay na sagot ko pagkatapus akong tanongin ng pare. Isinuot ko kay Camille ang singsing na sana si Cardilyn ang magsusuout. I know she can feel my coldness, I know I'm not fair. Then I tried to imagine, she was Cardilyn. I tired hard to picture Cardilyn in her place, wearing her wedding dress, wearing her ring, looking at me, with her hazel nut eyes, her wavy hair on a high pony tail, being covered by that white vial. When priest said "You may now kiss the bride." I kissed her with much passion, the way I kiss Cardilyn, with that I can see happiness in her eyes. Lumabas kami ng simbahan habang iniisip ko na kamay ni Cardilyn ang hawak ko, atleast for this day I can make her happy. 

Tumagal at naging maayos ang pagsasama namin ni Camille, apat na taon na ang tangin nasa isip ko ay si Cardilyn, oo si Cardilyn lang, napaisip tuloy ako, siguro mas masaya ang buhay ko kung si Cardilyn ang kasama ko ngayon. Napilitan akong imulat ang mga mata ko ng marinig kong nag-ri-ring yung cellphone ko, pagtingin ko sa screen ay si Pops pala yung tumatawag, tumingin ako sa wall clock, 10:00 na ng umaga. May lakad nga pala kami papuntang Subic. 

"Hello?" Sagot ko.

"Ano, Pare? Anong oras na?"

"Nakaimpake na kami, dito. Maglilinis lang kami tapus kita na tayo sa may bago mag-express way."

Diary of a Willing MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon