Chapter 2

179 3 0
                                    

After rest day...nagse-set up ako, dumaan nanaman po si Ton sa station ko. "Musta lakad nyo?" Tanong nito. "Ayun keri lang, nganga, super layo ng nakita namin." Sagot ko. "Ano, nakapag sunog baga ka na ba?" Tanong ko. "Hindi pa, bakit ba kasi ang dami mong pinu-pull up? Eh si Cronox lang ang kailangan mo para makapag-log in." Puna nito sa mga tools na pinupull out ko. "Bakit ba? Walang basagan ng trip, I have a short memory span noh, kaya kailangan ko ng cheat sheet." Sabi ko at tinapus ang pag pupull out. Tapus we walked out of the floor going to the smoking area. Little did I know na may mga mapagmatiyag na mata palang laging nakasunod sa kin, si Ricardo ang natitirang wavemate ko na unti unting nagpapakalat ng tsimis sakin sa team nila ni Ton. 

"Hayaist 28 minutes na lang uuwi na ko!" Sabi ko habang titig na titig sa online digital clock ko na nakapost sa may monitor. Nagiinat ako ng biglang dumaan si Ton sa station. "Anong oras out? Dadaan ka ba sa Cubao? Saan ka sasakay?" Tanong nito. "9:30, nope di ako dadaan ng Cubao, sa Buendia MRT ako sasakay, yung bus papuntang LRT Ayala." Sagot ko. "Sabay na tayo, antayin kita sa baba, sunog baga muna ako." Sabi nito. "Okay!" Maikling sagot ko at umalis na sya. Kagaya nga ng sinabi nito ay nasa smoking area ito at nagsusunog ng baga. "Halik na?" Tanong ko ng makalapit dito. "Sure let's go." Sabi naman nito at tumayo sa bench. "Himala, aga mo ata bumaba?" Tanong nito. "Nagpa long call ako." Pag-amin ko sa kalokohan ko. "Yan tayo eh, natututo ka na ha." Sagot pa nito. Hanggang sa makarating kami sa may sakayan ng bus sa may Buendia ay nagkukuwentuhan lang kami. "Paano mag MRT na ko, ingat ka ha." Sabi nito sabay halik sa pisngi ko. Take note hindi iyon basta beso lang na tulad ng ginagawa nya sa ibang girls,isang totoong kiss yung ginawa nya sakin. 'Ayieh ni kiss nya ko!' Sabi ko sa isip ko na medyo kinikilig pa. "Uhm..okay ingat.. bye!" Sagot ko na lang, alam ko medyo nagba-blush ako. Pag uwi ko di agad ako nakatulog, iniisip ko pa din yung 'kiss' ni Ton, kinikilig pa din ako. End up, napuyat ako, hayaist ang tagal na simula ng nakaramdam ako ng ganitong kilig. 

Laging naging ganoon ang routine namin, paguuwi na sya aantayin nya ko, hanggang sa naging normal na sakin na lagi nya kong hinahalikan sa pisngi pag maghihiwalay na kami ng sakayan. Hayaist sana di na mag bago toh! Kaso nga katulad ng ibang panaginip ay may katapusan din yung sitwasyon namin, schedule biding...napunta ako sa closer shift sya naman sa opener. Nakikita ko sya pauwi na, ako papasuk pa lang. Isang buwan, isang buwan kong itinutulog yung lunch ko, isang buwan akong di sumasama sa team mates ko. I mean bakit pa ko sasama kanila eh, masama naman tingin nila sa'kin? I mean nakikipag plastican lang naman sila sa'kin eh. 

Isang araw paguwi ko, nagkalat ang gamit ng ate ko yung akin naman maayos na naka impake sa bahay. "Anong nangyari?" tanong ko ng makita ko yung hipag ko. "Nagkasagutan sila nanay at ate Aira kaya, ayan nag kalat yung gamit ni ate, tapus yung iyo inimpake ni nanay." Sagot ng hipag ko habang nagliligpit ng kalat. "Hala bakit pati ako?" Sabi ko at agad na pumunta sa kuwarto ng ate ko. Nakita kong may pasa pasa ang ate ko sa pisngi isang sign na nasampal ito ng nanay namin, umiiyak ito habang tahimik na inaayos yung mga gamit nya. "Ate Aira, okay ka lang?" Tanong ko. Tumango lang ito. Nang gabing iyon, bago umalis ang ate, kahit ayaw nya nilagyan ko sya ng make-up, hindi naman totally make-up, concealer lang naman para maitago yung mga pasa nya. Madaling araw na pero wala pa din akong tulog, pumasok ako ng araw na iyon na walang tulog, walang kain at walang motivation. Laglag ang mga balikat, walang ganang pumasok. Nakayukyok ako sa station ko kauuwi lang ni Ton. Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob. Nagulat na lang ako ng bigla akong kinalabit ni Ryan yung baklang cross dresser kong kateam mate, kinausap nya ko at tinanong kung okay lang ako. I really needed to talk to some so badly and in the end sa kaniya ako naglabas ng sama ng loob. Ryan gave out advices and I opened up to him easily. In short magkasundo kami.

Another week...SHIF BID Result!!! Iyon ang naka post sa mga memo namin Team Stats (TL Andy 12:30-9:30,TL Ben 10:00-7:00, TL Clarise 11:00-8:00, TL Edz 9:00-12:00 Midshift)'YES!' Tuwang tuwa kong sabi sa isip ko. Starting next week parehas na ulit kami ng sched kaso magkaiba and rest day, Wed-Thurs ako, sya Thurs-Fri! Habang nakatambay ako sa station ko at nag-access ng proxy server para makapag facebook ay hinahanap ko sya sa facebook, ang guwapo nya talaga. Hayaist hirap talagang mag-ka-crush sa may asawa. Pagkauwi ko ng araw na iyon naririnig ko nanaman sila nanay at ate na nagaaway. Off ko na kaya pagkaligo diretso ako kela Barnie, yung barkada ko noong college na mahilig sa violet kaya Barnie ang tawag namin sa kanya. Walking distance lang ang bahay nya mula samin kaya ayun lakad galore si ako. Gabi na kong umuwi, at pag dating ko sa bahay ay agad akong tinanong ni ate kung kelan ang off ko, dahil bibisitahin namin yung bahay na nakita nya sa Cubao. 

Diary of a Willing MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon