Chapter 1

317 4 1
                                    

Di ko alam kung paano nangyari, basta ang alam ko nangyari na lang, basta ang alam ko minahal ko na lang sya. Isa akong kabit...oo isang kabit...hindi aksidente ang nangyari samin, pareho kaming nasa tamang katinuan...alam kong may asawa na sya...alam kong may isang pamilya na sya...pero handa akong maging kabit para sa kanya...yes I admit...I am a willing mistress. Naalala ko pa kung paano kami unang nagkita, kung paano kami unang nag-usap, kung paano kami naging magkaibigan, at kung paano kami nagkalapit at kung paano ko sya minahal, at paano ko willing na ibinigay ang aking sarili sa kanya.

It was one of those normal days, I was a newbie back then and he was a tenured agent on the floor. May isa akong hobby na laging bitbitin ang aking unan na si Daikasuki bear sa floor o kahit saan ako pumunta, pantry, sa 7-11 minsan kahit sa banyo pa, never kong iniwan si Daikasuki bear sa station ko sa takot na baka biglang mawala ang kaunaunahang gamit na binili ko, gamit ang unang suweldo ko. I used to remember na malapit pa yung station nya sa may pintuan, katalikuran nito ang ka-wave mate ko si tatay Ceejhay kaya siguro napansin nya ko. Naalala ko pa noon kung paano nya ko unang kinausap, nasa pantry ako, ng dumating sya katatapus ko lang kumain, sya naman ay kakain pa lang. "Lagi mo talagang bitbit yan ano?" Tanong nya sakin. "Ha? Ano yun?" Gulat na sagot ko, dahil di ko naman niaasahan na kakausapin nya ko. "Yung unan mo kako, lagi mong bang bitbit yan?" Medyo na katawang tanong nya siguro ay natawa sya sa nagulat kong reaksyon. "Uhm...oo kinkidnap kasi toh sa loob eh." Inosenteng sagot ko sabay tingin sa orasan sa kamay ko. "Ay una na ko baka ma-over break ako, eh" sabi ko at tumango lang sya. Ayun ang unan naming pag-uusap, ngunit di pa kami nagkakakilala nun. Hindi ko pa alam ang pangalan nya, at di pa din nya alam ang pangalan ko. 

Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala, hanggang ngayon ay natatawa pa din ako sa reaksyon naming dalawa. Nang araw na iyon ay pumasok ako na maayos, complete make up at naka ayos ang mahaba kong buhok, nagcontact lens pa ko ng araw na iyon, masama kasi ang loob ko ng araw na iyon knowing na nagka girlfriend agad ang ex ko samantalang wala pa kaming 1 buwan na break. Gusto ko pag nakita nya ko at ng bago nyang girlfriend ay manghinayang sya at gusto ko ay mahiya sakin yung girlfriend nya pagdaan nila sa office pag kukunin na ng ex ko ang mga gamit nya. Nang mag lunch ako ay pinuntahan ko si nanay Erica, sa kaniya ako nag labas ng sama ng loob. Nauwi kami sa pagtambay sa station ni tatay. Nang araw na yun na tatandaan ko pa na katabi nya si tatay sa station. Naalala ko pa na nagagalit si tatay Ceejhay ng araw na iyon sa ex ko dahil ginawa nito ng bigla sya nagsalita ng tumingin skin. "Ang ganda ng mukha mo." "P-po? B-bakit po?" Gulat na saad ko habang nanlalaki ang mga mata. Nagulat din siguro sya sa reaksyon ko kaya natatarantang nagsalita agad to. "Uy compliment yun, ah, baka mamaya damputin na lang ako ni HR." Biglang natawa sila nanay sa reaksyon naming dalawa kaya natawa na din ako. "Sorry po, nagulat lang po ako sa sinabi nyo." Bigla kong bawi. "Maka-po ka naman wagas, huwag mo na kong igalang, kabastos bastos kaya ako. Tsaka bata pa ko para po-in noh!" Sabi nito at natawa naman ako sa turan nito. "Ah...okie po...esta okay lang pala." Sabi ko na medyo nakangiti na. "Hehe ang kulit ha, nga pala Ton." Sabi nito at nilahad pa ang palad nito. "Cardilyn...Cardi for short." Sagot ko at tinanggap naman ang pikikipagkamay nya. Simula noon pag nagkikita kami kahit ba hargard na hargard ako ay sinasabihan nya ko na maganda ako at gusto nya palagi ang ayos ko lalo pag nakaipit ako. Naalala ko pa kahit na iba ang team mate ko di ako sumasama sa kanila kasi napa-plastican ako sa kanila. Bihira na sumasabay ako sa kanila kadalasan ang kasama ko ay si nanay Erica at tatay Ceejhay. 

Pero isang araw nagulat na lang ako di na sila pumasok, lagi ako sa kanilang nagaantay sa may tapat ng pintuan kung saan nakatayo ang mga guard, kaya lagi akong nakikipag-usap sa guard na kalaunan ay nalaman ko na ang pangalan pala ni ate guard ay Anna. Siya ang lagi kong kakulitan at kakuwentohan pag inaantay ko sila tatay at nanay bago ang shift ko. 

Isang araw na habang nakikipagkuwentohan ako kay Anna nagulat na lang ako at kinausap ako ni Ton. "Break mo ba?" Tanong nito. "Hindi." Sagot ko. "Lunch?" Tanong nya ulit. "Hindi din. Di pa nagstart ang shift ko." Sagot ko. "Bakit ano ka ba?" Tanong nya. "Midshift 12:30 am to 9:30 am, bakit?" Tanong ko. "Nice, early bird. Samahan mo naman ako, yosi tayo sa baba." Yaya nito. "Hindi ako nagyoyosi." Sagot ko. "Eh...di samahan mo na lang ako." Sabi nito sabay hatak sakin sa may elevator pababa sa smoking area. "Ang taas naman ng heels mo. Di ka ba nahihirapan dyan?" Tanong nito sakin. "Uhm...nope. Sanay na ko, college pa lang ako ang mga heels ko umaabot ng 3 or 4 inches. Hindi naman kasi ako matangkad noh" Sagot ko. Inalalayan naman nya ko sa pagupo, feeling nya siguro di ako sanay. "Nice...nga pala sino yung lagi mong inaabangan sa taas?" Tanong nito at nagsindi ng sigarilyo. Napansin pala nya yung gawain kong pagtambay kay Anna. "Uhm sila nanay Ericka at tatay Ceejhay." Sagot ko. "Hindi ba nila sinabi sayo na si Ceejhay ay naterminate at si Ericka nag AWOL." Sabi nya sakin. "Ah, ganoon ba?" Sagot ko na tila ba hindi ko alam ang gagawin ko. "Uhm nga pala, pansin ko lang, bakit parang di ka sanay na tinatawag kang maganda, dapat nga natutuwa ka eh, kaso parang nagugulat ka pa pagsinasabihan ka ng maganda ka." Medyo natatawang saad nito. "Hindi lang ako sanay kaya parang naninibago lang ako pag sinasabihan akong maganda. Sanay akong sabihan ng maayos, malinis, pero hindi maganda." Pag amin ko sa kaniya. "Bakit di ka ba sinasabihan ng maganda ng boyfriend mo?" Takang tanong nya at nagsindi ulit ng yosi. "EX-boyfriend. Nope, hindi nya sinasabi yun." Sagot ko may diin at my halong bitterness yung salitang 'EX'. "Ay walang kuwentang jowa naman pala yang ex mo eh, kaganda ganda mo di man lang nya nagawang sabihin sayo yun." Natatawang saad nito. Di ko tuloy alam kung nagbibiro lang sya sa sinabi nya or what. Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin sa tuwing dadating sya at ako naman nakikipagusap kay Anna ay bigla na lang ako nitong hahatakin pababa. Hanggang sa nasanay na ko sa ganoong routine namin. Di katagalan pag hinahatak nya ako sa elevator ay niyayakap nya ko. I think it was very sweet of him to give me a nice warm hug every now and then. 

Diary of a Willing MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon