Chapter 5

113 2 0
                                    

Mahirap at di madali ang ginawa kong pag-mo-move on. Pero awa ng Diyos sa tulong ni Mackie ay unti-unti kong nagagawa. Oo si Mackie, di ako niligawan ni Mack, parehas kaming ayaw muna ng steady relationship, pero yung gawain ng mag-jowa ginagawa na namin. Halos 4 months na kaming exclusively dating, at alam yun sa buong team namin, di na din ako pinaparingan ng mga teamates ko, yong iba nga sa kanila kabiruan at katsikahan ko na eh. Medyo na kakasundo ko na din si Mary at si Julie. Di nagtagal nalaman ko mula kay Alferd na si Mary pala yung dating tinutukoy sa'kin ni Ton naka one night stand nya at si Julie ay may crush kay Ton na dati pa man ay pilit ng nagpapansin yung dalawa kay Ton, kaya naman pala mainit yung dugo sa'kin nung dalawa. Pinabayaan ko sila wala namang mang yayari eh.

One time pag labas ko ng floor dahil lunch ko at kanina pa ko tinatawag ni inang kalikasan, ay bigla akong natigilan, ng makita ko si Ton na naka upo sa may lobby. "Hey, akala ko ba mag-c-cr ka lang?" Bungad sa'kin ni Mackie sabay halik sa sintindo ko at umakbay pa ng makitang nakatayo lang ako sa may lobby at nakatitig na sa nakangiting si Ton. "Ha? Ah, oo nga pala. Una ka na sa baba, susunod na lang ako." Sabi ko at dali daling pumunta sa may cr. Nakita ko kung paano sinimagutan ni Mackie si Ton at si Ton naman ay naiiling lang sa childish attitude ni Mackie. Di hamak na mas matanda si Mackie na sa edad na 30 kesa kay Ton na 24 na, di hamak na mas matanda silang dalawa sa'kin dahil 21 pa lang ako. Pero si Ton ang pinaka mature samin dahi siguro sa pagiging ama sa maagang edad.

Di ko sinundan si Mackie tulad ng sinabi ko, insisted ay dumiretso ako sa may floor para kunin yung tumbler ko ng biglang nag salita si Ton. "Psst...ganyan na ba talaga? Di mo na ko pinapansin? Di mo na ko kakausapin? Iisnabin mo na ba talaga ako? Wala naman dito yung jowa jowan mo ah?" Kung di ako nag kakamali ay may halong inis at sakit yung boses ni Ton. "Eh, di mo rin naman ako pinapansin eh! Sira ulo ka pala eh! Bakit kita papansinin!?" React ko na parang maiiyak na, dahil din naman nya talaga ko pinansin ng makita ko sya sa lobby. Ilang buwan kong hiniling na sana ay makita ko sya, na sana ay marinig ko ang boses nya. Bigla syang ngumiti. "Halik dito." Sabi nito at umusod sa sofa upang umupo ako sa tabi nya. Binigay ko yung tumbler sa kanya na may lamang kape at uminom sya. Mocha Latte, iyon ang lagi nyang iniinom. "Musta ka na?" Tanong nito sa'kin, at inakbayan ako tulad ng nakagawian nya dati, pero this time pasimple akong umisod upang magkaroon kami ng pagitan. Napansin siguro nya kaya tinangal nya yung brasong nakaakbay sa'kin. Awkward I know, pero miss na miss ko na sya. "Saan ka na ngayon?" Tanong ko. "Sa Eastwood na ko nag-wo-work." Sagot nito. "I see. Iwan muna kita dyan ah. Kukunin ko pa kasi yung cellphone ko sa 4th floor." Sabi ko sabay tayo. "Samahan na kita, mamaya pa naman dadating si HR eh." Sagot nito at tumayo na din. 

Pagpasuk namin ng elevator, insisted na pindutin nya yung papuntang 4th floor ay pinindut nya yung papuntang roof top na nasa 11th floor. Nagulat ako ng bigla nya kong niyakap at hinalikan. Oh how I missed his warm sweet kisses, but there was a warning bell in my head and I gently pushed him and step back a little. Kinuha ko yung compact mirror ko sa may bulsa ng pants ko at pinunasan yung kumalat na lipstick ko. He did the same dahil nagkaroon din sya ng lipstick, but there was still sumges left so I took my hankie and clean it off for him. "TING" elevator bell, lumabas kami sa may rooftop at mula sa may rooftop ay nakikita ko yung mga kapwa ko agents na nagyoyosi sa ibaba. "Hiwalay na ba sila ni Danice?" Biglang nagsalita si Ton mula sa likod at nagsindi ng yosi. "Ha?" Tanong ko. "May jowa na yang si Mackie ng pumasok dito." Sabi nito at tumawa ng bahagya. "Wala naman syang nasabi tsaka isa pa di ko pa sya boyfriend, hindi pa." Sagot ko at sumandal sa railing. Lumapit sya sakin he locked his gazed onto mine and I can't help but look into his eyes. He started kissing me again this time more passionate, more gentle. I can't help but to wrap my arms around him. But in a split second I started to gently push him away. "Why?" He asked and placed his forehead against mine. "I just can't do it anymore, not while with him." I said my mind thinking about Mackie but my heart says Ton. Ayaw kong saktan si Mackie. "Okay." Maikling sabi ni Ton, he did not force me or anything he just gently kissed me on my forehead and accompany to my locker and went back to the 3rd floor.

Diary of a Willing MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon