Chapter 9

96 1 0
                                    

Hapon na kong nagising, at pagkagising ko wala na sa tabi ko si Ton, ang tanging natira lang ay yung T-shirt na suot nya kanina na di sinasadyang nalagayan ko ng lipstick stain, buti na lang at my extrang damit pa sya sa may cabinet. Tinatamad akong pumasok bukod sa masakit talaga yung paa ko dahil sa napilayan kanina ay pinagod din ako ni Ton. Kaya nag-call in sick na lang ako at nag pagpadala ng email na may attachment ng medcert ko na nagsasabing kailangan kong mapahinga para hindi lalong mamaga yung paa ko, tinatamad na nagbihis ako at dumiretso sa komedor, agad naman akong napangiti ng makita kong may sinampalukang manok sa lamesa kasama ang isang note.

'sorry kailangan ko ng umuwi, di ko magawang gisingin ka, knowing napinagod kita, pagaling ka, i love you, kumain ka na din pagkagising mo'

-ton-

Agad kong ininit yung ulam at nagsaing, sobrang asim nung luto nya pero okay lang kinain ko pa din. Para sakin masarap yung luto nya, sympre nilagyan nya ng effort yun eh. Pagkakain ay nilinis ko yung kuwarto ko at naligo na pagkatapus ay agad akong nagbukas ng laptop para makachat si ate. Mayamaya lang ay nagring yung phone ko, unregistred number ulit! Ano bang meron sa telco company na to at mukhang ang daming nakakalam ng number ko!

"Hello?"

"Is this Cardilyn?" Boses ng babae, kinabahan ko bigla baka si Camille to, yung asawa ni Ton.

"Yes, may I know who's this?"

"This is Danice, yung ex ni Mack."

"Why?" Nakahinga ako ng maluwag.

"His so drunk, at ayaw nyang tumigil sa pag-inom unless na you go here to stop him."

"Ano ako yaya? Pagkatapus nya akong pilayan papapuntahin naman nya ako dyan?!"

"Cardilyn, please, he needs you."

"He always do that, hindi na nya ko madadala sa emotional blackmail. You can just tell him that I stopped caring."

"But Cardilyn..."

"Bye." Sabi ko at tinapus na yung call.

Di ko alam na nakatulog pala ako, pagkagising ko madilim na, pagtingin ko naman ay nakaayos na yung laptop sa bedside table, tapus yung night light na lang ang nakabukas at may isang mabigat na bagay na nakapatong sa may bewang ko. Paglingon ko si Ton mahimbing na natutulog. "Hon, bakit di ka pumasok?" Mahinang sabi ko umungol lang si Ton. Humarap ako sa kaniya at yumakap lang at pumikit ulit. "Si Mackie ang daming text sayo, sunduin mo daw sya sa Makati Ave, lasing na lasing daw sya, di nya alam paano makauwi." Sabi ni Ton halatang may iritasyon ang boses. "Hayaan mo sya. Masyado na syang nasayan na laging may sumasalo sa kaniya. Tsaka bakit ko pa sya iisipin kung andito ka naman sa tabi ko." Sabi ko sa kaniya at lalong humigpit yung yakap ko sa kaniya. "Love you." Sabi nito at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko at natulog na lang ulit kami. "Love you even more." Sabi ko bago ako tuluyang inalamon ng antok.

Tulad ng inaasahan nagmukhang kontrabida si Mackie dahil sa ginawa nito, agad din naman na namatay yung issue na pinakalat ni Mackie, matagal na issue na daw yun at di naman napatunayan. Nasa may smoking area kami nila Pops at mama Jenny, yung dalawa nag yoyosi ako kumakain ng Double Down sandwich from KFC yung fries sila mama yung kumakain. Nang makita namin si Mackie na papasuk ng smoking area, hindi ito diretsong maglakad, halatang nakainom, dahil medyo pasuray suray ang lakad nito at lumapit samin, tumayo sya sa harap ko at nagulat na lang ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko at niyakap ang mga binti ko. "Please, Cardi, bumalik na sa'kin! Iwan mo na si Ton. Promise maghahanap ako ng matinong trabaho, promise di na kita lolokohin, promise di na ko maglalasing, bumalik ka lang. Piliin mo lang ako, ikaw lang ang magiging babae sa buhay ko. Itatama ko lahat ng mali ko." Natigilan ako sa ginawa nya. "Ano ba, Mackie!? Layuan mo na nga si Cardi!" Sabi ni Pops na pilit na itinayo si Mackie, dahil halos lahat ng nasa smoking area ay nakatingin samin. "Ginusto mo yan eh diba? Panindigan mo!" Sabi ni mama Jenny. "Wala akong paki sa mga sinasabi nyo. Sagot ni Cardilyn ang kailangan ko." Sabi ni Mackie at muling humarap sa'kin. There was pain and suffering in his eyes, naawa ako sa kaniya, pero wala din namang magagawa ang awa ko. Parehas lang kaming magiging miserable kung sakasakali. "Diba sabi mo sa'kin dati...hindi ka gumagawa ng mga promises, because are meant to be broken. Sabi mo before kung mag ma-make ka ng promise, it means you're lying. I'm sorry, I'm not that naive anymore. You can't fool me anymore, at kung ano man ang meron sa'min ni Ton wala ka na doon." Sabi ko at tumayo na sumunod naman sila mama at Pops. "Dapat lang yang ginawa mo, bebe." Sabi ni mama but I can't help but to feel guilty. Parang feeling ko sobrang sama ng ginawa ko sa kaniya. "Kung feeling mo, ay nalulungkot ka dahil nasayang ang effort mo sa kaniya. Remember, hindi ikaw yung lugi kung di sya. He will never find another girl like you." Sabi ni Pops at inakbayan ako. Pilit na ngiti ang isinukli ko sa kanilang dalawa.

Diary of a Willing MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon