Chapter 4

156 3 0
                                    

'Argh! Sobrang sakit ng ulo, pakiramdam ko tutumba ako any moment soon.' Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang opisina. Ilang araw na kong nilalagnat pero di ako makapag-absent dahil wala pa kong karapatang mag-sick leave. Isang linggo kaming di nagkita ni Ton, nasuspend sya sa pag NCNS nya nung pumunta sya sa bahay. Madali naman nyang nalusutan yun, dahil kinausap nya yung HR at yung OM namin at tinggap naman yung alibi nyang may sunog na malapit sa kanila at muntik ng madamay yung bahay nila. Ngayon gabi lang ulit sya makikita pagkatapus ng isang linggo, miss na miss ko na sya, pero sa lagay ko na ito, ewan ko na lang kung malapitan ko pa sya.

"Bebe, anong nangyari sayo? Para kang tinakasan ng kaluluwa!" Sabi ni Mama Jenny ng makita ako na nakayukyok sa may station ko. Napatingin ako sa salamin na nasa station ko. Ang putla putla ko, ni di ko man lang nagawang mag pulbos or maglip gloss man lang, tapus namumula yung mga mata ko, yung eye bags ko halatang halata buti na lang at maayos pa yung buhok ko. "Wala to, ma, medyo nilalagnat lang ako." Sabi ko habang nag-se-set up. Nagulat ako ng biglang salatin ni mama Jenny yung noo ko. "Ay bebe, ang init mo! Bakit pumasok ka ba?" Nagaalalang tanong ni Mama sakin. "Eh, di naman kasi ako pinayagan mag-absent ng TL mong impakto." Sabi ko. "Hay naku napaka inconsiderate talaga ng baklang yan! Bago pa lang ako dito pero nakikita ko na yung masamang ugali nya!" Galit na saad ni mama Jenny habang nag-se-set up. "Pabayaan mo na, Ma, wala na tayong magagawa ganoon talaga." Sabi ko.

"Shit! Nahihilo na talaga ako!" Sabi ko kay mama Jenny habang pilit na hinihilot yung sintido ko. Di ko na talaga kaya, ang sama na ng pakiramdam ko. "Teka nga, kay TL Edz na tayo magsabi at di ka pinapansin ng epal nating TL, tutal si Edz ang MOD ngayon." Galit na sabi ni Mama Jenny at nag take na ito ng break nya kahit my 2 minutes pa bago yung break nya. Pagbalik nito kasama na nito si TL Edz. Tulad ng ginawa ni Mama ay sinalat nito ang noo ko. "Ay ang taas ng lagnat mo! Bakit di pa sa'kin ni-report ni Andy to? Tsk! Kakauwi lang ng nurse, wala ng mag-i-issue sa'yo ng sent home certificate!" Naiinis na saad ni TL Edz. "Eh sabi ni TL Andy madadaan daw po sa gamot." Sabi ni Mama Jenny, habang naka yukyok na ko sa station ko, di ko na talaga kaya. "Coaching log out. Tapus pumunta ka na sa may sleeping quarters para makapag pahinga ka." Sabi nito sa'kin at ginawa ko yung inuutos nya, nag coaching log out ako. "Sige na pahinga ka na. Ako ng bahala sa TL mong slave driver!" Galit na saad nito. Inalalayan ako ni Mama Jenny sa may sleeping quarter para makapagpahinga. Pagkapasuk ko sa sleeping quarters ay agad akong nahiga at nakatulog.

Naalimpungatan ako ng may isang kamay na humaplos sa pisngi ko at naramdaman kong may umupo sa kama, pagdilat ko mukha ni Ton ang nakita ko. "Akala ko iniiwasan mo na ko. Yun pala ang taas na ng lagnat mo. Bakit pumasok ka pa?" Sabi nito sa'kin. "Di ako pinayagan magabsent ni TL eh." Sabi ko lang kinuha yung kamay nya na nasa pisngi ko at hinawakan lang yun at muling pumikit. "Baliw talaga yang TL mo!" May halong inis ang boses nya. "Anyways, kumain ka na ba? Tsaka anong oras yung last mong inom ng gamot?" Tanong nito sa'kin. "Around 7 ata? Di ako sure." Sabi ko habang nakapikit pa din. "Kumain ka na ba?" Ulit nito. Umiling lang ako. "Anong gusto mong kainin?" Tanong nito. "Ayaw. Wala akong gana." Sabi ko. "Di pwede kailangan uminom ka ng gamot." Sabi nito at hinatak yung kamay nya kaya dumilat ako, at nakitang tumayo na sya. "Pahinga ka na lang ako ng bahala sa'yo." Sabi nito at lumabas ng sleeping quarters at natulog ako ulit, sobrang sama talaga ng pakiramdam ko kaya di ko magawang ngumiti man lang sa kaniya at magpasalamat.

Feeling ko kakatulog ko palang ng ginising ako ni Ton. "Kumain ka muna sa labas para makainom ka ng gamot." Sabi nito at dahan dahan akong tinayo. "Eh, nahihilo na talaga ako." Sabi ko at sumandig sa kaniya. "Kaya nga kumain ka na sa labas at ng makainon ka na ng gamot." Sabi nito sakin at inalalayan ako. Ito pa ang nagsuot ng sapatos ko. Nakaalalay pa din sya sa'kin hanggang sa paglabas ng sleeping quarters, ng biglang hinarang kami ni TL Andy. "Akala ko ba masama yung pakiramdam mo kaya ka pinag-log out ni Edz? Eh bakit ngayon nakikipaglandian ka na?" Mataray na sabi nito sa'kin at masama ang tingin nito sa pagkakaakbay sa'kin ni Ton. Sasagot sana ako pero na unahan na ko ni Ton. "Landian agad, hindi pwedeng kakain lang muna sya, para maka-inom sya ng gamot? Tsaka sino bang walang consideration ang nag papasuk sa taong may sakit dito?" Naiinis na sagot ni Ton dito. "So kailangan ikaw pa kasama?" Balik na sagot ni TL. "Bakit, may balak ka bang asikasuhin sya? Eh ikaw nga tong nagpapasuk sa kanya kahit sobrang taas na ng lagnat nya" Balik tanong ni Ton dito, natahimik si TL sa ginawa nya. "Kung pwede excuse me ha? Kasi baka masayang lang yung lunch ko sa pakikipag arguement ko sa'yo." Sabi nito at dumiretso na kami sa pintuan. Pinilit ako ni Ton na ubusin yung foods na binili nya sa KFC, isang mushroom soup at one piece chicken in original flavor, umaayaw na ko kasi feeling ko isususka ko lang yung foods. Pero di talaga sya pumayag. Tapus bumili pa pala sya ng gamot at Gatorade para makainom ako ng gamot. Pagkakain ay hinatid nya ko ulit sa may sleeping quarters at mag-yo-yosi lang daw sya. 

Diary of a Willing MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon