"Anak, bumaba ka na. Tanghali na oh, at saka may bisita ka. Nakakahiya namang paghintayin," pambubulabog ni Mama sa kwarto ko. Aish, sino ba naman kase yang bibisita eh wala naman akong inaasahang pupunta eh.
"Si Kael nga pala, anak," sabi pa niya bago bumaba. Si Mama talaga, alam kong makikipag-close na naman siya kay Kael kahit na close naman talaga sila, tss. Si Kael kase, kapit-bahay namin sila noong mga 3 years ago.
'Di pa kami mag-bestfriends nun, tapos yung mga mama naman namin ang mag-super friendship ang peg. Kaso one month lang ang tinagal nila. Yung papa kasi ni Kael ay pinromote at nilipat nang lugar.
Pero isang year lang rin yung tinagal nila ng mama niya sa kabilang bayan. 'Di kase nasanay yung mama ni Kael na si Tita Jane sa paraan ng pamumuhay roon. Pagbalik nila rito, doon na nagsimula ang closeness namin ni Kael.
Bumaba naman ako kaagad noong natapos ko na ang pang-aga-agang ritwal. Sinalubong naman ako agad ni Kael.
"Sup?", yan lang yung nasabi ko at nagpatuloy na ako sa pagtungo sa kusina, gutom na gutom na kaya ako. "Don't you dare say na nakalimutan mo?", tanong naman niya sakin bahang sinusundan pa rin ako.
Pinagsasabi ne'to? "Gutom ako Kael, okay? Kaya kung pwede, mamaya mo na lang ako kausapin," sabi ko naman sa kanya. Serves him right, sino ba naman kaseng nagsabing pumunta siya rito? Tss -_-
Kumain na ako ngmabilis at naupo kaming dalawa sa sala. "Oh, naparito ka pala?", tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan si Mama sa labas na nagdidilig nang halaman. "Talagang nakalimutan mo ano?", sabi naman niya habang naiiling.
"I thought we're gonna hang out?", tanong pa niya habang naka-pout kaya napa-irap naman ako. Syete, wala pa rin akong takas. Akala ko talaga eh nakalimutan na niya. "Teka nga, pumayag na ba 'ko?", tanong ko naman pabalik sa kanya.
Ngumisi naman ang mokong, "Kailangan pa ba kitang ipagpaalam kay Tita?", pambabalik naman niya sakin. Hayyy, wala na, dead end. "Fine, fine. Magbibihis lang ako," sabi ko sa kanya saka tumakbo na papunta sa kwarto ko.
Simple lang naman siguro yung pupuntahan namin ano? Simple lang naman kase yung suot niya, naka-Tshirt ng The Beatles, shorts at Camo and Gum Janoski na may kaparehas rin sakin. Kaya kumuha na lang ako ng isang random band shirt at nagkataon na A Day to Remember pa, yes! Tapos shorts na rin at yung Janoski.
Bumaba naman ako agad-agad pagkatapos kong mag-ayos. At dire-diretso naman kaming umalis noong nakapagpaalam na kami kay Mama.
Sus, magmo-mall lang naman pala kami. Kala ko pa naman kung ano na talaga. "Canne, bilisan mo namang maglakad, baka di na natin mahabol yung jeep oh," pangta-talak naman ni Kael. "Kung sana naman eh dinala mo na lang yung motor mo ano?", sabat ko naman sa kanya habang tumatakbo papunta sa jeep na sasakyan namin.
In fact, nauna pa nga ako sa kanya eh, kita mo lang. "Dami mong reklamo Canne," sabi naman niya habang umaandar na ang jeep. At ako pa talaga? Siya nga yung nauna eh. Tss, badtrip.
Nakarating rin kami ng mall na matiwasay. "Oh, anong una mong gustong gawin?", tanong naman ni Kael sakin. "Kain," sagot ko sa kanya at napailing naman siya. Dumiretso na kami ng KFC at mabuti na lang, konti lang yung tao. Yung iba, may mga klase pa siguro, tulad namin ni Kael.
Pero bukas pa magsisimula ang summer classes namin. Yung adviser kasi namin, buong section namin ang pinag-summer, grabe, walang patawad. 'Di raw kase maawat yung attitude namin, mga pasaway eh. Kasama na dun si Jamie, hahaha.
"Ang dami naman niyan," sabi ko sa kanya at nag-smile naman siya.
"Uubusin natin 'to ah?", sabi naman niya.
"Eh sino ba yung nagsabi na ganito karami yung i-order mo?"
"Eh ano naman ngayon?"
"Ano ka ba! Sayang kaya kung hindi maubos."
"Kaya nga uubusin natin, 'di ba?"
"Ewan ko sa'yo, sira ka talaga," 'yan na lang ang nasabi ko at nagsimula nang kumain.
Sa awa ng Diyos eh naubos naman namin. 'Di ko nga alam kung bakit napadami ang kain ko eh naka-kain naman ako sa bahay. "Sa'n mo naman gustong pumunta ngayon?", tanong naman siya sakin. "Ikaw, ano sa tingin mo?", tanong ko naman sa kanya pabalik at nag-smile naman ulit ang loko.
Ano kayang nagyari dito? Creepy, hahaha. At mabuti na lang talaga alam niya kung saan ko agad gustong pumunta. National Book Store! Yayyyy!
Napatawa naman siya noong napatakbo ako papunta sa mga libro. "Adik ka talaga," sabi naman niya sakin at napatawa lang ako. Naman! Libro eh! Heaven ang feeling, hihi.
Yung Every Day lang ni David Levithan yung binili ko habang Thirteen Reasons Why naman ni Jay Asher yung binili ni Kael at pina-gift wrap pa talaga.
"Oh, kanino mo yan ibibigay? Kay Tita Jane?", pang-uusisa ko naman sa kanya. "Hindi 'no," yan na lang ang nasabi niya tsaka umiwas ng tingin at nagsimula naman siyang maglakad habang may tinatawagan sa phone niya. "Hoy! Hintayin mo naman ano!", sigaw ko sa kanya.
Ang bilis naman niyang maglakas, hay, sa'n na naman kaya pupunta ang isang 'to? "Kael!", sigaw ko pa sa kanya, nagbibingi-bingihan pa eh. Nakita ko namang pumasok siya sa boutique ng Art Work kaya pumasok na rin ako agad.
"Trip mo naman Kael?", tanong ko sa kanya noong maabutan ko siya. "Wala. Tara, bili tayo ng bonnet," pang-aaya niya sakin kaya pumayag naman ako. Bumili naman kami ng tag-iisang bonnet pero may dinadag pa siyang isang wallet, para raw sa nakababatang kapatid ni Kael na si Iah.
Noong nakalabas na kami ng boutique, nagyaya na akong umuwi, napagod kase ako kaagad eh. Ewan ko ba. Buti na lang at pumayag naman si Kael.
"Ayos ka lang ba talaga?", tanong niya habang nilalapat ang kamay niya sa noo at leeg ko. "Tigilan mo nga yan," sabi ko naman sa kanya, "Wala akong lagnat ano, pagod lang," sabi ko pa sa kanya at tumango naman siya.
Pumunta naman kami kaagad sa parking lot na ikinagulat ko. "Anong ginagawa natin dito, Kael?", tanong ko sa kanya habang siya nama'y pa-cool lang na naglalakad habang nakapamulsa. "Hoy!", tawag ko pa sa kanya.
"Yung motor ko," simpleng sagot niya lang sakin. "Pinadala ko dito kay Tito," sabi pa niya kaya hindi na lang ako umimik pa.
Mabilis naman kaming nakarating sa bahay. "Wag ka nang magpa-pagod ha?", pagpapa-alala naman niya sakin saka hinalikan ako sa noo "Oh," sabi pa niya sabay bigay nung binili niya kanina sa NBS na pina-gift wrap niiya at umalis naman agad.
Shocking.
What the hell.
Never pa niyang ginawa yun. Yung ano, yung halik.
Leshe, bumibilis yung heartbeat ko.
What to do?
A/N: Sana magustuhan niyo, hihi :) Dedicated to veanya, labyu Tereee! Hahahaha
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is my WHAT?!
Teen FictionMeet Canne Aragon, she's a tough bitch. But see how vulnerable and weak she is when she's going be torn between friendship and love. Will she be able to choose from the two, when it's her bestfriend, Kael, who's giving her the hard time? ~ N O S...