Ninth Offshoot

419 9 0
                                    

"Anak, bakit mo ba ako pinapag-alala nang ganito?", yan naman ang unang bungad ng magaling kong nanay nang makita ko siya.

"Sorry naman, Ma, malay ko bang mawawalan ako nang malay?", sagot ko naman sa kanya at napabuntong hininga na lang siya. "Canne, anyare sa'yo, girl?", bungad naman ni Jamie na may bitbit na isang basket ng mga prutas. Mas sumusunod naman sa kanyang may bitbit ng isang bouquet ng daisies. Bumeso naman siya kaagad kay Mama at hinampas naman ako ng loka sa braso.

"Pinag-aalala mo naman palagi ang mga tao eh," reklamo naman niya. "Yan nga yung sabi ko sa kanya, hay!", sabat naman ni Mama at napairap na lang ako. "Ewan ko sa inyo," sagot ko naman sa kanila at napatawa naman silang dalawa, mga loka-loka talaga. Hindi rin naman nagtagal si Jamie dahil anghihintay raw pala ang Papa niya sa labas, hinatid lang daw pala siya para bumisita sakin ng sandali.

Sumunod naman si Tita Jane at Kael na bumisita. May dala naman silang hapunan para sa aming apat at matiwasay naman kaming kumain. Halos si Tita Jane at Mama lang rin ang tumatalak. Hindi ko nga siya matingnan sa mata at tingin ko, ganon rin siya sakin. Hay. Super awkward ng dinner na yun. Buti na lang at 'di rin sila magtatagal.

"Oh, pa'no Mare, mauuna na kami't gabi na," sabi naman ni Tita Jane kay Mama at nagpasalamat naman ng sobra si Mama sa kanya. "Wala yun, para naman 'to kay Canne, 'di ba?", sabi pa ni Tita Jane at napa-smile naman ang ng kaunti. Lumapit naman sakin si Kael, "Magpagaling ka," sabi niya lang at hinalikan ako sa bunbunan ko. Ngiti-ngiti naman ang nanay ko nang makalabas na sila.

Buti na lang at 'di naman nagtatanong si Mama kung ano ba talaga ang nangyari, kung hindi, nako lagot talaga. Maaga naman akong pinatulog ni Mama dahil maaga rin kaming idi-discharge bukas.

Masarap naman ang tulog at gising ko, naka-full kasi ang aircon eh, brrrr. Umuwi naman kami kaagad at iniwan naman ako ni Mama sa sala dahil mamimili raw siya. Nanood lang naman ako ng TV sa bahay pero nagulat ako nang may nag-doorbell. Sino naman kaya ata yun? Binuksan ko naman ang gate at nakita kong nasa labas pala si Jed habang may bitbit na isang pastry box. "Mag-usap naman tayo oh?", sabi niya at pinapasok ko naman siya.

Kailangan ko talaga ng isang matinding eksplinasyon tungkol sa mga nangyari. Naupo naman kami sa sala at binuksan niya naman ang dala niyang mango custard. "Favorite mo 'to, 'di ba?", tanong niya sakin at napa-tango naman ako. "Pa'no mo nalaman?", tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya na parang nahihiya. "Kagabi pa sana ako pupunta eh, kaso 'di na 'ko pinayagan ni Mama na lumabas," sabi niya sakin.

"Kaya naisipan kong pupunta ako kinabukasan at babawi ako sa'yo kaya tinanong ko si Jamie kung ano yung favorite pastry mo," sabi pa niya sabay kamot sa ulo. Kinuha ko naman ang kasamang tinidor sa package at tinikman ang dala niya, masarap nga. "Sinong nag-bake?", tanong ko naman sa kanya. "Si Mama. Pinagalitan pa nga niya ako nang huli ko nang sabihin na ibibigay ko sa kaklase kong nawalan ng malay. Sabi niya, sana cake raw yung pina-bake ko. Sira talaga yun," at napatawa naman ako sa sinabi niya, ganon rin siya.

"Sorry talaga sa nangyari, Canne ah?", sabi naman niya at napayuko naman ako. "Ginawa ko lang naman kase yun para mag-selos siya. Sobrang sakit na kase ang naidulot niya sa'yo ano? Kaya ko naisipang gawin yun. Effective naman, 'di ba?", sabi naman niya at napangisi pa siya. Binatukan ko naman ang siraulo. "Yan tuloy, nasapak ka," sabi ko sa kanya sabay hawak sa panga niyang may gauze na nakalagay.

"Nahiwa ka talaga?", 'di makapaniwalang tanong ko sa kanya at tumango naman siya. "Pahaba nga yung hiwa eh, ginamot pa 'to ng nurse nung makarating tayo sa ospital kahapon. Si Kael nga rin eh, may benda sa kamay niya," sabi pa niya. May benda si Kael? 'Di ko ata napansin yun kagabi ah? "So, okay na tayo?", tanong naman niya sakin at naka-smile pa nang todo. "Oo na," sagot ko naman sa kanya.

My Bestfriend is my WHAT?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon