Last Offshoot

633 16 1
                                    

"Nagbati lang kayong dalawa, pinagtutulungan niyo na 'ko, ha?", pagrereklamo naman ni Jamie saming dalawa ni Lia.

Pa'no ba naman, itong si Jamie, sabay kaming pumasok. Tapos si Jed, Lia at Kael ay nasa upuan na nila. Nauuna ako kesa kay Jamie, eh si Jed nag-good morning samin, binati rin namin pabalik. Tapos nung naupo na ako, nakikipagtitigan pa si Jamie at Jed at lumabas ang pagka-clumsy niya kase nabangga niya ang armchair nito.

Eh ngayong break time, magkasama kami ni Jamie at Lia na nagkabati na rin at ngayo'y kumakain na kami sa canteen, habang ang mga lalaking sina Kael at Jed ay nag-man to man talk naman sa kabilang table. Na-trippan ko namang tuksuhin si Jamie at sinuportahan rin ako ni Lia na aliw na aliw rin. Todas kang bata ka! Hahaha.

"Bakit ba mukhang kinikilig ka kase diyan? Kaya ka naman nati-trippan eh," sabi ko naman sa kanya na kulang na lang eh itago ang mukha niya sa ilalim ng mesa. Napapatingin nga sina Kael at Jed samin eh pero sinsenyasan ko namang wala lang. "Ang obvious mo naman Jamie, hindi mo man lang kami pinahirapan kung sino yang pinapaagandahan mo," pagtutukso pa ni Lia.

Kanina kase, before kami pumasok ng room, nagyaya si Jamie na mag-freshen up muna. Tapos ayon, sinumbong ko kay Lia na may pinapagandahan ata ang isang 'to. "Tara na nga," pagyayaya ni Jamie at tumayo naman kaming dalawa ni Lia. Tinutusok-tusok naman namin ang gilid niya at hindi na talaga mai-drawing ang itsura niya.

Laking gulat na lang namin nung hablutin siya ni Jed at inakbayan, kinakalas naman 'to ni Jamie pero hindi niya matanggal. Ginulo naman ni Jed ang buhok niya. "Kayo talaga Canne at Lia, palagi niyong tinutukso itong si Jamie, baka mamaya ma-develop na 'to talaga sakin, lagot kayo," sabi naman ni Jed na kung maka-ngirit eh lampas tenga. 

"Susss! Pa-ano ka pa diyan, eh ikaw nga rin eh. Madedevelop ka niyan kay Jamie kung palagi mong ginaganyan, sige ka. Tingnan mo nga yung ngiti mo oh," tukso ko pa sa kanila at napatigil naman silang dalawa sa paglalakad. Grabe naman ang tawa naming tatlo nina Lia at Kael. Naghiwalay naman kaagad ang dalawang kumag at nagpapagpag na parang germs ang kumapit sa kanila, mga siraulo, hahaha.

"Tara na nga, mapagalitan pa tayo ng Prof namin sa Maths," pagyayaya naman ni Lia at tuluyan na kaming pumasok nang room. "Hoy Lia, 'wag ka ngang umastang magpapaka-nerd!", sigaw naman ni Jed sa kanya at inirapan naman siya ni Lia. "Jamie! Yung boyfriend mo oh, baka kumawala pa yan, ewan ko sa'yo," sabi naman ni Lia kay Jamie at tumawa.

"Sira!", parehong sigaw nina Jed at Jamie na nagkatinginan at irapan pa pagkatapos. Hindi pa nakakarating ang Prof namin pero kaming lahat eh naupo na sa aming mga upuan. Ganun pa rin ang seating arrangement. Magkatabi si Lia at Kael tapos sa likod ni Kael ay si Jed na katabi ko sa kaliwa at si Jamie na katabi ko sa kanan. "Guys!", sigaw ko kaya napatingin naman ang halos sakin. "Ako na ba ang heart dito?", tanong ko sabay heart sign sa may dibdib at nag-ayieeeeeh naman ang buong klase.

"Oyyyy, may bagong namumuong loveteam!", sigaw ng isa kong lalakeng kaklase. "Gusto niyo bang pagsirain ko rin kayong dalawa?", pagjo-joke naman ni Lia at nakakuha ang bangko niya ng tig-iisang tindak mula kina Jed at Jamie. "Okay," sabi ni Lia, "Magsabi lang kayo kung ayaw niyo," sabi pa niya ng natatawa at pinektusan naman siya ni Kael kaya mas lalong natawa ang buong klase.

"Okay class, good morning and let's go back to our last discussion!", biglang entrada ng Prof namin sa Maths. Napa-oooohhh naman kaming lahat. New hair, new self, fresh na fresh, no more hagardouz versoza, stress-free face. New life ang peg ng Prof namin, ganon? "Blooming, woot woot!", sigaw pa ng kaklase kong lalake at napasmile naman ang Prof namin.

My Bestfriend is my WHAT?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon