Sixth Offshoot

446 14 2
                                    

"Kayo na ba para gumanyan kayo, ha?", sabi pa ni Mama sabay lagay ng dalawang kamay niya sa kanyang bewang.

Tumayo naman kaming dalwa at nagsimula na ang pagtatalak pa ni Mama. "Any minute from now...", sabi pa ni Mama sabay tingin sa relo niya, "...darating na si Mama mo," dagdag pa ni Mama habang tinitingnan si Kael na nakataas ang isang kila, killer mode ata si Mudra ngayon.

At bumukas nga ang passage way na iniluwa si Tita Jane na naka-pajama na, pumasok naman siya agad-agad sa bahay.

And the next thing we know, nasa hotseat na kaming dalawa ni Kael. Hindi naman maka-imik si Kael kaya ako na lang ang gumawa nang rason. "Bumisita lang si Kael at chineck kung okay na ba yung pakiramdam ko. Kaya noong malaman niyang okay lang ako, niyakap niya ako kaagad at yun ang naabutan mo, Ma," pagpapaliwanag ko pa.

"Ewan ko sa inyong dalawa ah, pero kung may something sa inyo, sabihin niyo naman sa amin. Ano pa't naging magulang niyo kami, 'di ba?", sabi naman ni Tita Jane at tumango-tango naman ang loka-lokang nanay ko. "Alam niyo namang botong-boto kami sa inyong dalawa, pero 'di rin naman namin kayo pipilitin," dagdag pa ni Mama.

"Yun na nga yung sinabi ni Canne," biglang sabi naman ni Kael na nakapagpatahimik sa mga Mama namin. "Tsaka pwede bang matulog na tayong lahat? Pagod na 'tong si Canne oh," sabi pa na na ikinangiti naman ni Mama at Tita Jane.

Nagpaalam naman kaming lahat sa isa't-isa at umuwi na sina Kael. Umakyat na rin ako kaagad, pero bago pa ako nakapasok ng kwarto, narinig kong sabi ni Mama na, "Hindi pa tayo tapos, Canne," at napairap naman ako at pumasok na.

Maaga naman akong ginising ni Mama dahil nga may summer classes pa 'ko. Kung pwede lang na hindi eh, kaso kailangan eh, 'di ako makakapag-fourth year high school kung 'di ko 'to gagawin. Gusto ko pang maka-graduate ano.  At buti na lang, pinagsi-civillian na lang kami ng adviser namin, pero dapat casual lang daw. Bakit, anong akala niya samin? Porket summer eh magbi-bikini at trunks na kami, ganon? Sira lang eh, no? Hahaha.

Kakatapos ko lang maligo at nakita kong nakahimlay na pala sa kama ko ang hinandang susuotin ko ni Mama. May taste rin naman pala siya ano? Kinuha ko na ang chambray three-fourths rompers ko na pinares ni Mama sa dark blue Docs ko.

Bumaba naman ako kaagad na bitbit na ang backpack ko at nagulat ako noong may pagkain na pala sa mesa kaya kumain na lang ako. Ang sarap pa naman ng bacon at scrambled egg na niluto ni Mama. Ininom ko naman ng mabilisan ang gatas at nagpaalam na kay Mama.

"Mamayang gabi, usap!", tawag pa ni Mama habang nasa labas na ako ng gate. Hinabol ko ang jeep na paalis na sana, hooh, buti na lang at nakaabot ako. 7:30 na kase at matatagalan talaga ako kapag maghihintay pa ako ng susunod na jeep.

Paniguradong late na talaga ako. Pa'no ba naman, karaniwan eh kasabay kong sasakay si Jamie sa jeep. Pero sa ngayon, ako lang mag-isa. Kahit naman pasaway ang isang yun eh napaka-early bird naman nun palagi. Ayaw niya kasing mag-stay sa bahay nila, feeling niya kase, ramdam niya pa rin yung paghihiwalay na naganap sa mga magulang niya 2 years ago.

Mabuti na lang at mabilis na nakarating ang jeep sa eskwelahan at nakita ko namang naghihintay si Jamie sa gate. "Oh, 'di pa ba tayo late?", tanong ko sa kanya at sinabayan niya naman akong maglakad ng mabilis papunta sa room namin. "Ewan ko nga eh, noong nakita ko kasing nauna si Kael kesa sa'yo, nag-alala na 'ko kaya hinintay kita rito, eh una ka naman palagi kesa sa kanya, 'di ba?", talak naman ni Jamie sakin.

"Si Mama kase eh, pinakain pa ako, nagulat nga 'ko eh," sabi ko sabay kamot ng ulo. "Di bale, maya na lang tayo makipag-chikahan. Takbo muna tayo at baka ma-late na talaga tayo lalo. Terror pa naman si adviser," dagdag ko pa at tumakbo naman kami kaagad papuntang room.

Pagkarating namin, we're so disappointed. Puno pa naman kami ng pawis, leche, ke-aga aga eh. Male-late raw ng 30 minutes ang adviser namin kaya naisipan naming mag-cr muna na nasa dulo lang naman ng hallway.

"Imbyerna yun ah," sabi naman ni Jamie sabay labas ng panyo at polbo niya. "Buti na nga lang yun kesa nahuli tayo," sabi ko naman sabay tawa, inilabas ko na rin ang panyo at lip balm ko. "Penge nga niyan," sabay sabi naming dalawa at tumawa naman kami agad. Share-share ang peg naming dalawa ano? Hahaha. "Tara na nga," pag-yayaya ko sa kay Jamie dahil baka ma-late na talaga kami ng tuluyan.

Pagkapasok namin ng room, wala pa yung adviser namin kaya napaka-ingay ng buong klase. At na-notice kong 5 rows and 6 columns na yung mga chairs sa room. Dumagdag ata sila ng isang row. Nasa ika'tlong row sa first column naman si Kael, katabi ang bintana. Naupo naman kami ni Jamie sa ika-apat na row, sa third at fourth column.

Tamang-tama, pagka-upo namin eh dumating na ang adviser namin. "Okay class, settle down," sabi niya sabay upo sa harap. "I'm sorry for being late. It was an urgent meeting called by the principal," pagpapaliwanag pa niya.

"So, as you can see, we have new students from the other section. They were reffered to me by their adviser. Please introduce yourselves," sabi naman ng adviser namin. Kaya para naparami ang mga upuan sa room. Isa-isa naman silang nagpakilala, anim pala silang lahat, familiar faces pero 'di ko kilala.

At isa lang talaga ang tumatak na student samin ni Jamie. Si Lia Dizon raw, favorite subject niya yung Physical Education at hobby niya ang jogging. Nagkatinginan nga kami kaagad ni Jamie, at iisa lang ang mga nasa isip namin. "Flirt," bulong ko sa kanya. "Bitch," bulong naman pabalik ni Jamie sakin. 

Laking gulat ko naman sa lalakeng nasa tabi ko na "Hi, Jed nga pala. Pwede bang tumabi? Wala nang vacant eh," sabi niya at napatango naman ako. Glasses and a handful of books, pa'no 'to napunta sa summer class? Mukhang nerd eh. Pinandilatan naman ako ni Jamie at nagkibit-balikat naman ako. Pagbaling ko sa katabi ko napansin ko agad ang strong jaw, straight nose, magandang kilay at pilik mata siya. Tapos nakakita ako ng tattoo sa likod ng tenga niya. No good boy pala ang isang 'to. Siguradong magkakasundo kaming tatlo ni Jamie.

Inikot ko naman ang tingin ko sa buong room at wala ngang vacant. Napadako naman ang mata ko sa row nina Kael. One word, BWISIT. Bakit nakatabi sa kanya ang flirt slash bitch na yun? Ugh. At pumayag naman siya? Tss -_-

Naramdaman ko namang napatingin ang katabi ko sa direksyon na tinitingan ko. Humilay naman siya kaagad sa direksyon ko at bumulong, "Nakakasakit sa mata, ano?". "Bwisit sa mata," sagot ko naman sa kanya. "Totally," sabat naman ni Jamie sa usapan namin.

Oh yes, this summer class is going to be pretty damn good.

A/N: Oh yesssss, it's going to be, indeed. Naks. Hahahaha, dedicated to diaryofnicoleee. Hi Cole, hahahaha mwa :*

My Bestfriend is my WHAT?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon