"Teka nga anak? Kanina ka pa atang pabalik-balik ng paglalakad, nahihilo na ako sa'yo eh," pagrereklamo naman ni Mama habang linilinisan ang mesa.
Kakatapos lang kasi naming kumain ng hapunan. "Wala, may iniisip lang," sabi ko naman na kahit ang totoo eh hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
"Nako, si Kael ba 'yan, anak? Isang napakabuting bata--" at nagsimula nang italak ni Mama ang mga nagagandahang katangian ni Kael para sa kanya. Hay, ganyan talaga yan tuwing kakakita nila ulit ni Kael.
Minsan nga, napapaisip ako. Sino ba talaga ang tunay na anak ni Mama saming dalawa ni Kael? Parang mas concern pa siya dun sa isa eh, hahaha. Pero wala naman sakin yun, feeling ko nga 'yun rin ang nararamdaman ni Kael. Si Tita Jane kase, aliw na aliw rin sakin. Minsan, tinataboy na niya si Kael para makipag-one on one na chikahan sakin eh. Mga nanay talaga.
"Ano nga ulit yung sinabi mo?", tanong ko kay Mama kase parang may narinig akong something eh, 'di ko nga lang naintindihan masyado.
"Sabi ko, binigyan pa ako ni Kael ng mga lemons plus ginawan niya 'ko ng lemon juice. 'Di ba napaka-thoughtful niyang bata?", sabi naman ni Mama at napanganga na lang talaga ako.
"Ano?! Mama naman, nagpa-suhol ka talaga sa lalaking yun?", hindi makapaniwalang tanong ko kay Mama.
"Aba Canne! 'Yang tono mo ah? 'Di ko yan gusto. Tsaka anong suhol-suhol ka diyan? Anong masama sa ginawa ni Kael? Ikaw kasi, ang unappreciative mo," lintanya naman ni Mama sabay walkout papuntang kusina.
Skandalosa talaga 'yun. Parang rinig pa ata ng mga kapit-bahay yung boses niya, pero 'wag naman sana. Nakakahiya talaga pag nagkataon.
Ughhh, ano ba 'tong mga nangyayari. Parang mabibiyak na yung ulo ko. "Ma, una na 'kong matulog ah? Sakit na ng ulo ko," pagra-rason ko sa kanya kase baka uusisain na naman ako ulit ne'to.
"Okay! Bukas na lang tayo mag-chika!", sigaw ni Mama mula sa kusina. Kita mo lang, parang 'di lang kami nag-away eh no?
Arghhhh! Wala talaga akong takas sa kanya, leshe. Kaya umakyat na lang ako pataas.
Itutulog ko na lang sana yung inis ko kay Mama, kaso hindi ako maka-tulog kaya naisipan kong magbukas na lang ng mga social networking sites ko. Facebook, Tumblr at YouTube na rin. Naglike at reblog lang ako halos sa Tumblr, pampadagdag antok.
Pero nawala ata yung antok ko noong nakita ko yung messages ko sa Facebook. Si Kael lang naman. Ughhh, ano na naman kaya 'to? -_-
Goodnight, Canne. :* 7:14 PM
Asdfghjkl, 'di ko na talaga ata keri 'tong mga nagaganap. Kaya nag-logout na lang ako at nahiga ulit saking kama. At habang pinagmamasdan ko ang iba't-ibang art work na naka-pinta sa kisame ng kwarto ko, may bumulabog na naman sa isipan ko.
Kael, Kael, Kael.
Bakit ba ganito? Nakakainis naman eh. Hindi ko alam kung dapat ba akong masiyahan o ewan. Sobrang labo na talaga ng mga iniisip ko.
*tok* *tok*
Syete, ano yun? Kakakaba. May kumakatok sa pintuan ng veranda ko. Kaya tumayo naman ako kaagad at dahan-dahang hinawi ang kurtina ng pintuan.
Nyeta, si Kael na naman.
Binuksan ko naman agad ang pintuan. "Shhhh!", pagpapa-alala niya sakin at inirapan ko naman siya, anong akala niya sisigaw ako? "Ano bang ginagawa mo pa rito sa gitna nang gabi?", tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang mga bituin sa langit. "Tsaka nga pala, paano ka naka-akyat rito?", litong-lito ko pang tanong sa kanya.
"Chill, okay?", sabi niya naman sabay taas ng dalawang kamay niya sa ere. "Nagdala ako ng hagdan at sa tulong ng 'yun oh," sabi pa niya sabay nguso sa isang passage way na nagko-konekta sa bahay naming dalawa.
Ang mga nanay namin ang may pakana ng trip na yan eh. Inapura pa talaga nilang dalawa ang mga tatay namin upang gawin agad-agad yung passage way. Mga under yung kinalabasan ng mga tatay namin, 'di ba? Under naman talaga, hahaha.
Napa-buntong hininga na lang ako at naupo na sa sahig, sumunod naman si Kael. "Ano nga kase 'yung ginagawa mo pa rito?", tanong ko ulit sa kanya.
"Wala, 'di pa kase ako inaantok," rason niya, "Tsaka na-miss kasi kita agad," sabi pa niya kaya napayuko na lang ako, bweset.
"Pinagsasabi mo diyan?", nasabi ko na lang sabay iwas ng tingin. "Umalis ka na nga," sabi ko pa sa kanya, parang umu-awkward na eh. "Maya na 'no," sagot naman niya sakin at napailing naman ako. "Baka hinahanap ka na ni Tita Jane, lagot ka pag nagkataon," sabi ko naman sabay baling sa direksyon kung nasaan siya at nakita ko namang tumitingin siya sakin pero hindi na 'ko umiwas ulit ng tingin.
"Concern ka ba?", tanong niya at laking gulat ko naman nung kaharap ko na siya. And by kaharap, I mean almost 5 inches away.
Tungunu, sdfagsjdbajdbakjdbaka, ano ba 'to! Sinapian ba siya o ano? Lezsheeeeeeeee.
"Ewan ko sa'yo," yan na lang ang nasabi ko sabay lihis ng tingin. Awkwaaaard. At nagulat naman ako noong naka-upo naman siya sa harap ko. Ano ba 'tong pinang-gagawa ni Kael, ugh.
"Canne naman," sabi niya na parang nagmamaka-awa sabay hawak ng dalawa kong kamay. Babawiin ko pa sana kaso ang higpit talaga ng hawak niya pero hindi uncomfortable, okay pa nga eh, ang lambot ng mga kamay niya.
Erase, erase, erase. Ano 'bang pinag-iisip ko. Nawawala na rin ata ako sa katinuan katulad ng isang 'to.
"Hindi mo ba naiintindihan ang mga effort na pinang-gagawa ko para sa'yo?", tanong pa niya habang hinigpitan ang hawak sakin. "Mahal kita, Canne. Mahal na mahal. Nakakahiya nga 'tong ginagawa ko eh," sabi niya habang naiiling at ngumiti pa. Buti na lang alam mo, sira.
"Pero okay lang, kahit nakakahiya, gagawin ko para sa'yo. Baka nga 'di mo rin ako mahal eh, pero gagawa ako ng paraan, ha?", sabi pa niya na parang nangungumbinsi ang mga mata. "Magsabi ka naman ng kahit ano oh," sabi naman niya at niyakap ako ng mahigpit.
Ano ba 'tong si Kael, naiiyak tuloy ako eh, leshe. "Ano, ah, Kael--", at naudlot ang sasabihin ko sana noong bumukas ng napakarahas ang pintuan, si Mama pala.
"Anong ibig sabihin nito?!", sigaw ni Mama na sobrang tinis ng tinig. At paniguradong umabot yun sa kwarto ni Tita Jane, bumukas yung ilaw ng kwarto niya eh.
Lagot na! Anong gagawin naming dalawa?!
A/N: Oh nooo, alams na, hahaha. De joke lang.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is my WHAT?!
Teen FictionMeet Canne Aragon, she's a tough bitch. But see how vulnerable and weak she is when she's going be torn between friendship and love. Will she be able to choose from the two, when it's her bestfriend, Kael, who's giving her the hard time? ~ N O S...