Eighth Offshoot

420 12 0
                                    

"What's the problem, girls?", mabait naman na tanong ng Principal namin. Strikto pero cool.

Umismid naman ang terror Prof namin sa Maths. "Ms. Principal, these three girls, right here in front of you, created a massive catfight in their room. They have summer classes, Ms. Principal, because their advisers reffered them to the board do so, due to their attitude probation. And on this first day of their summer class, take note, they created such event that is very unpleasant to the eyes. However, it's up to you on what punishment you will give to them," ke-haba-habang lintanya naman niya. Tch, pa-good shot ka na naman ka'mo sa Principal.

Nag-smile naman ng napaka-awkward ang Principal namin sa direksyon ng Prof namin, awkward enough para ma-realize naming lahat. Nice one, Principal! Hahaha. "You're stressing yourself too much on these kids," sabi naman niya sa Prof namin, "They're just simple kids having a fight and the solution to it was just giving them a punishment. Collect yourself up, would you?", sabi pa ng Principal at napayuko naman ang Prof namin, uhuh.

"And as for you girls, I am expecting that this incident will never happen again in my school premises, are we clear?", tanong naman ni at napa-tango naman kaming tatlo. "Your punishment would just be a community service every Saturday for one month. I would assume you would be here in my office at 9:30 AM for me to give you the task. Okay?", tanong pa niya at tumango naman kami ulit.

"You are all dismissed," wika naman niya at lumabas na kaming lahat sa kanyang room. Hindi naman bumalik sa room ang Prof namin sa Maths kaya super party ang buong klase. Pagkarating nga naming tatlo sa room eh pinag-tatanong kami ng sangkatutak. Tss, 'di pa ba sila sanay sa mga ganitong kaguluhan? Mga chismoso't chismosa talaga, hahaha.

Mag-isa naman akong naupo sa area ko dahil yung iba eh nakikipagtagisan ng mga Pou nila, at kasama na dun si Jed at Jamie. Nagulat naman ako nung makita ko sa harap kong nakatayo si Kael. Magso-sorry na sana ako pero naunahan niya akong magsalita, "Hindi ko talaga maisip na magagawa mo yun, Canne. I thought you were different," at tinalikuran niya naman ako ulit at tumungo na sa pinto.

Tumayo naman ako kaagad upang habulin siya pero may pumigil sakin. "Kael! Let me explain!", sigaw ko na lang pero ni-isang tingin, hindi niya nagawa. Tinabig ko naman ang kamay ng pumigil sakin at sisigawan ko na sana. Kaso noong makita ko ang pagmumukha ni Lia, mas lalong kumulo ang dugo ko lalo pa't naka-ngisi ang bruha. 

"Pity you," sabi naman ni Lia at napangisi naman ako. "Pity me? Eh sino dito ngayon sating dalawa ang habol ng habol sa lalaking 'di naman siya gusto?", tanong ko naman sa kanya at napatawa naman siya. Shit! Mali ata ang nasabi ko! "Look at yourself little girl. Sino ngayon sa ating dalawa ang mukhang naghahabol?", sabi pa niya at sasampalin ko na sana siya kaso pinigilan ko nga lang ang sarili ko.

"How dare you," yan na lang ang nasabi ko at napangisi naman siya. I hate this! "Pasalamat ka pa nga't pinigilan kita. Concerned lang naman ako sa'yo, baka kasi magmukha lang naglalaway na aso kaka-habol sa taong ayaw naman sa'yo," lintanya pa niya na mas nagpakulo ng dugo ko to the highest boiling point.

"Pakielam mo ba? Sino ka ba sa buhay naming dalawa, ha?! Eh uulpot-ulpot ka lang naman eh!", sabi ko sa kanya.

"Dear, I'm currently your worst nightmare."

"Ha! Really! You're just some pathetic bitch wanting some fucking attention, for Pete's sake, pity on you!"

"Wait and see. Kael's not going to need you any longer, because you know what? You always take him for granted. I mean, I may have known you only for a short time, but you're very obvious, girl," sabi naman niya and it was very tagos sa puso ha. Tama kaya siya? Ganyan ba talaga ang nararamdaman ni Kael? "You know you don't deserve him, you're just ignoring it, though," wika pa niya at nag-walkout na.

My Bestfriend is my WHAT?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon