SDS Original : Repentance

2.3K 45 36
                                    


Rachel's POV

Nakarating na ako sa rest house ko, ang totoo niyan ay mga dalawang kilometro lang naman ang layo nito sa bahay nila nanay.
Nag aayos na ako ng gamit nang mag ring ang cellphone ko.

"Hello?"

"Ate si Roma ito."

"Oh Roma bakit?"

"Si ate Mika po nawalan ng malay."

"Anong ginagawa niya dyan?"

"Hindi ko po alam."

"Sige sige pabalik na ako."

Agad agad kong kinuha ang susi ng kotse ko. Mabilis akong nagmaneho pabalik ng bahay.

Nang makarating ako sa tapat ay napansin ko ang sasakyan niya. Kaya pala parang pamilyar yung kotseng nakapark malapit sa bahay. Dapat pala tiningnan ko na ang plate number.

Agad akong bumaba at pumasok sa gate. Nasa labas lang ang mga kapatid ko.

"Bakit nasa labas kayo?"

"Pinapagalitan po ni nanay si tatay." Sagot ni Rina.

"Ano ba nangyari?"

"Ate, napagkamalan ni tatay na manliligaw ko yung asawa mo. Nabugbog niya tuloy." Si Roma ang sumagot.

Tumango na lang ako at pumasok ng bahay. Narinig ko naman ang boses ni nanay.

"Padalos dalos ka kasi ayan tuloy nawalan ng malay yung asawa ng anak natin! Paano kung mas malala pa nangyari dito? Di mas lalong umiyak si Rachel! Gagawin mo pang biyuda ang panganay mo! Malamang pumunta siya dito para suyuin ang anak natin! Ngayon ano na? KAMAtose!"

Lumabas naman si tatay sa kwarto hahang nagkakamot ng ulo.

"Anak bakit kasi ang gwapo ng asawa mo?" Nanlulumong tanong ni tatay bago naupo sa dining.

Pumasok naman ako sa kwarto. Nahabag naman ako sa itsura ni Mika habang pinupunasan siya ni nanay sa mukha.

Kulay ube yung kanang pisngi niya. Putok ang kanang kilay. Putok yung kaliwang parte ng labi. Ang daming pasa sa mukha pati sikmura.

"Nay"

"Anak"

"Ako na bahala nay." Agad namang nagpaubaya si nanay at ako na nagpunas sa mukha ni Mika.

Nakahiga siya sa kama at naka sports bra lang at jeans. Napansin ko namang parang bumagsak ang katawan niya. Hindi siya ganito kapayat nung umalis ako. Halos kita na ribs niya.

Pagkatapos ko linisin yung sugat niya at nilagyan ko ng band aid. Tapos matiyaga kong nilalagyan ng yelo ang mga pasa niya para di na lumala. Lalo na yung sa mukha.
Kahit naman may sama ako ng loob, may pagtatampo at nasaktan, mahal ko pa din siya. Di ko din matiis. Tanghali na nung lumabas ako ng bahay.

"Paano kung magdemanda siya. Makukulong ka Dindo. Wala tayong laban sa mga Reyes."

"Tama na nay. Wala pong magdedemanda." Sabi ko kay nanay habang kumukuha ng tubig para inumin.

"Gising na ba asawa mo anak?" Tanong ni tatay.

"Hindi pa po pero baka maya maya pa gumising. Tulog mantika yan." Sagot ko naman. "Nay paluto naman ng lugaw ipapakain ko mamaya. Baka mabigla sikmura pag kanin at ulam."

"Sige anak. Sigurado ka ba hindi magagalit asawa mo?"

"Wag ka na mag alala nay. Kakausapin ko na lang pag gising."
Bumalik na ako sa kwarto at syempre tulog pa din siya.

Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon