SDS Original : Starting Over Again

2.4K 40 40
                                    


:: Pinapaalala ko po na hindi ako ang nagsulat nito hahahha 😅 Naghuhugas kamay po ako sa mga bed scene nila. Kaloka hahaha. Shookt din ako.


Rachel's POV

Nasabi na namin sa pamilya at mga kaibigan na gusto na namin bumuo ng sarili naming pamilya.

Masaya naman sila at very supportive. Ganun din sina nanay na excited na magka apo, kaya lang bigla naman naging busy si Mika. Magbubukas sila ng resort na Calatagan kaya pabalik balik siya dun. Naawa na nga ako kasi maaga siya aalis tapos super late na dadating tapos kinabukasan maaga nanaman babangon.

Pag hindi na niya kaya mag maneho pauwi ay tumatawag siya sa akin na dun na daw muna siya makikitulog kanila nanay.
Ok na din yun di ba? At least hindi nambababae ang asawa ko.

Tiwala naman ako dyan. Mataas standard niya. Kaya sa akin lang na in love.

Kapal ng mukha ko.

Pero lagi niya sinasabi yun. Siya ang king kaya isang queen lang ang bagay sa kanya at ako yun. Naks naman!

Hating gabi na so malamang dun na yun matutulog. Hindi na rin ako naghintay ng text or tawag dahil baka pagod na. Paakyat na sana ako nang marinig ko yung pagbukas ng gate kaya sinilip ko ito. I saw Mika entering her car at pinark yung kotse niya sa tabi nung akin. Lumapit naman ako at hinatak na yung gate para maisara na namin agad.

"Hello my queen." Bati niya sa akin bago ako halikan. She held my waist and lift me up so I wrap my legs around her. Inupo niya ako sa ibabaw ng trunk ng kotse. "I miss you"

"Na miss din kita." I rake my hands on her hair. "Akala ko dun ka matutulog kela nanay."

"Hmmm. Three days na akong hindi umuuwi. I fucking miss you so bad." Binaon niya yung ulo niya sa leeg ko.

"Parang mali, baka ibig mo sabihin you miss to fuck me so bad?"

Natawa siya kaya tumawa na din ako.

"Pasok na tayo." she snuggled her nose to mine and smiled.

Binuhat niya ako. I could feel na nangingig yung braso niya. Pagod na pagod na 'to.

"Baba mo na ako. Pagod ka na oh."

"I'm fine."

"Mika" I said in a commanding tone.

Walang ano ano ay ibinaba din niya ako. Umakyat na kami. Hinihintay ko naman siya habang nagbibihis. After niya mabihis ay nahiga agad siya sa kama. Wala pang dalawang minuto ay tulog na agad.

"Gusto pa humarot kahit pagod na." Natatawa kong sabi.

Tomorrow is Saturday. Plano naming mag weekend get away pero sa lagay na to baka hindi na matuloy dahil super pagod siya.

×××××××

"Morning Chel!" Sabay na bati ni Vic at Kim.

"Ang aga niyo ah." Sabi ko naman.

Nagluluto sila ng breakfast. Pinapasok na siguro sila ni manang Adel.

"Nag aya si Ye mag beach di ba. Nag text siya samen kagabi." Sabi ni Den na nakaupo sa counter habang kumakain ng apple.

"Diba an apple a day keeps the doctor away?" Tanong ni Vic.

"Minsan lang naman. I wanna get away from my profession. Kelangan ko din mag relax." Sagot ni Den habang patuloy na kinakain yung apple.

Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon