SDS Original : Salvation

2.7K 39 78
                                    


Rachel's POV

Ilang araw na din si Mika dito sa ospital. Stable naman na siya kaya niluwas na namin siya sa Manila. Malalim kasi yung saksak na natamo niya and it hit one of her organs.

Nagpaalam naman na ako sa pamilya ko. Naintindihan naman nila na kailangan ako ng asawa ko.

"Baby" I traced her face. "Alam ko namang sleepyhead ka. Wag ka namang matulog ng ganito ka tagal. Isang linggo ka nang nakahiga diyan oh." Pagkausap ko kay Mika.

I stayed here for three straight days bago ako ipakaladkad pauwi ni mommy Bhaby. Kailangan ko daw ng proper rest. Nakinig naman ako dahil baka ipa-ban ako ni mommy sa ospital.

Kinailangan ko na din bumalik sa trabaho dahil matagal tagal na din ako nawala. Buti na lang magaling ang crew ko kaya binigyan ko silang lahat ng bonus. Double pay sila sa loob ng araw na wala ako.

Pag gabi na lang ako nakakadalaw kay Mika dahil naipon ang trabaho ko, halos isang buwan ka ba naman mawala eh.

"Baby, gising na oh. Nothing is the same without you." I put my hand on her face.

Ayoko umuwi sa bahay kasi wala siya dun.

Ayoko pumasok sa trabaho kasi hindi naman niya ako susunduin.

Ayoko kumain kasi hindi ko siya kasabay.

Ayoko matulog kasi hindi ko siya katabi.

Pero ginagawa ko ang lahat para alagaan ang sarili ko.

Pinipilit ko kumain kahit ang hirap lunukin ng pagkain.

Pinililit ko umuwi at matulog kahit walang Mika na madadatnan sa bahay.

Pinipilit ko pumasok sa trabaho kasi hindi pwedeng mawala ang café dahil favorite place niya ito.

Para akong gumagapang sa araw araw na hindi ko siya kasama pero kailangan ko magpakatatag dahil kailangan niya ang lakas ko ngayong mahina siya.

×××××××

Mika's POV

I woke up with blurry eyes, pero nasisilaw ako sa liwanag. Inikot ko ang mata ko and I saw a figure holding something.

"Mom?" Shit ang pangit naman ng boses ko.

"Mika!" She's really my mom. Agad niya akong pinainom ng tubig.

I asked what happened and kinuwento niya lahat. Ang huli kong naaalala ay ang umiiyak na mukha ng asawa ko.

"Mom, si Rachel?" I looked around. My eyes have adjusted to the light.

"Kailangan na kasi sya sa trabaho. Medyo matagal din kayo nag stay sa Calatagan." Sagot ni mommy.

Nalungkot naman ako. Wala dito ang misis ko.

"She'a here every night. Dito siya natutulog. Ayaw ka niya iwan. Kung pwede nga lang na hindi na siya umalis ginawa na niya." napangiti ako sa sinabi ni mom.

Mom and I talked about so many things.

I felt giddy nung mag gagabi na. Mommy said Rachel would be here by 6. I can't wait to see my wife.

×××××××

Rachel's POV

I feel so tired. I had a rough day today. Puro meetings ang pinuntahan ko. Dire diretso lang ako sa room ni Mika.

Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon