SDS Original : SLOTH

2.2K 45 85
                                    


Mika's POV

Hindi ako tumigil sa paghahanap sa asawa ko. I am Mika Reyes, I have men to do this job but I decided to join the search party. I went to places na pwede niyang puntahan. Pumunta ako kay ate Aby pero wala siya doon. Pinuntahan ko yung café pero wala din siya.

Hindi ko alam kung saan ako maghahanap. Inikot ko ang Manila pati ang kasuluk-sulukan nito.

Nagpunta ako sa university kung saan siya nag college. Umaasa na andun lang siya. Pero wala. Ano nga naman ba ang gagawin niya doon diba?

Nag ikot ikot pa ako. Palinga linga sa mga side walk baka sakaling maaninag ko yung mukha niya.

Ilang beses din ako nasampal dahil may mga napagkamalan akong siya. May nakasapak pa nga sa akin dahil napagkamalan ko yung girlfriend nila pero hindi ko ininda dahil akala ko siya yun.

Muntik na din ako makabangga o makasagasa. Ilang beses na ako binusinahan at namura ng kapwa ko nagmamaneho pero wala na akong pakialam dun. Ang alam ko lang kailangan ko siya makita.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa lansangan. Pero nung naramdaman kong wala ng patutunguhan ang ginagawa ko ay bumalik ako sa bahay namin.

Nagpaka-lango na lang ako sa alak. Hinayaan ko na lang ang mga tauhan ko.

Fuck my life.

×××××××

"Buddy hanggang kelan ka magkukulong dito?"

"This is so not you daks. Stop acting like a sloth. Tama na ang bed all day motto."

"Wafs labas na, nag aalala na kami sayo."

It's been a week since she left me. A whole damn week without her felt like a year.

I dispersed all my men para hanapin siya pero wala silang makuhang trace. Mahirap daw hanapin ang taong ayaw magpahanap.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

"What the fuck!" Yun lang ang nasabi ni Vic nang lumabas ako.

Nakita ko din naman ang sarili ko sa salamin. I look so fucked up, nangayayat na pala ako.

"Ye" si Kim.

"Oo na. Kakain na ako."

Naupo ako sa hapag at kumain. Pero tatlong subo pa lang ay wala na akong gana. Napailing na lang ang mga kaibigan ko pero pinabayaan na nila ako. Si manang naman pinainom ako ng gatas.

Kinausap ko naman si dad at siya muna ang humawak sa presidency. Naka indefinite leave ako.

Nahiga ako uli sa kama. Yung kama kung saan ang dami naming pinagsaluhang maiinit na gabi. Almusal, tanghalian at hapunan.
I closed my eyes and I saw everything. It came rushing like a gust of wind.

"Mika, nakapagluto na ako. Kain na tayo." sabay halik niya sa may ulo ko.

I was busy dahil may inuwi akong paperworks na due tomorrow. Pinaupo ko naman siya sa lap ko. She brushed my hair, I smiled. She really loves my hair.

"Baby mamaya na ako kakain, tatapusin ko lang 'to." nakangiti kong sabi sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon