3장

6 0 0
                                    

"Sorry akala ko kung sinong nangungulit." He nonchalantly said, stood up then left. Napa-tsk nalang si Yoonjae at nagsorry ulit.

"Pagpasensyahan mo na si Kuya ko ah. Ganun lang talaga yun e. Napakamoody." Pagpapaliwanag nya at napakamot nalang sa ulo.

"Okay na. Hayaan mo na." Pasalamat sya bisita sila.

"Di lang kasi sanay yun. Ito na kasi ang kwarto nya noon pa. And hindi nya rin alam na may tenant na sa kwarto nya. Ako nalang magsasabi para hindi na maulit." Nahihiyang sabi nya. Tumango lang ako at inalalayan nya ko tumayo. Pumasok din yung iba.

"Pagpasensyahan mo na si Shiyoon hyung. Tumatanda na kasi kaya grumpy." Pabulong na sabi ni Taehyung. Nagtawanan sila. Si Rapmon naman, nilibot ang buong kwarto ko. Si Jungkook nakita yung gitara ko sa gilid at tumugtog.

"Matutulog na si Lorraine. Tara na. Dun tayo sa kabilang room." Sabi ni Yoonjae. Pero hindi sya pinansin nitong mga to.

"Ilang taon ka na, Lorraine?" Tanong ni Rapmon.

"22 palang." Sabi ko nang nakangiti at nakatingin sa kanya.

"Oh Jungkook. Magkaage lang pala kayo eh." Sabi ni Rapmon at ngumiti.

"Talaga? Bakit ang bata mo pa tignan?" Tanong ni V na nakakunot ang noo. Tumawa lang ako. Cute nya.

"Ganyan talaga kapag walang pinoproblema sa buhay." Sabi naman ni Yoonjae. Anong walang pinoproblema eh isa ka nga sa problema ko.

Nakatingin lang silang lahat at parang nagtatanong kung ano ibig nyang sabihin.

Tumawa si Yoonjae saka sinabing, "May amnesia kasi sya kaya wala syang--"

"Alam mo ang daldal mo talaga eh! Maupo ka dito manahimik ka. Okay?!" Tinakpan ko yung bibig nya at tinulak sa kama.

Nakatingin pa din silang lahat na gulong gulo. Bigla namang pumasok si Jhope at naingay.

"Dahil jan, bumili kami ng ice cream! Lorraine. Sorry nga daw pala sabi ni Shiyoon hyung. Eto, ice cream for you. Tada!" Masiglang sabi ni Jhope at inabot sakin ni Jimin yung ice cream na 1.5 liter.

"Sayo lang yan ah. Oh guys eto sa inyo." Binigyan nya ng tigiisang popsicle yung iba. Ang sama ng tingin nila sa kanya. Seriously? Ubusin ko to? Ganun ba talaga sya kasorry kaya isat kalahating litro talaga binigay nya? Hindi ba dapat nagsorry nalang sya ng sincere? At diba dapat sya magbibigay? Napakaarogante din nya no.

Bumaba ako at kumuha ng kutsara para sa lahat dahil hindi ko naman to kayang ubusin. Nakita ko yung dalawa na naguusap. Si Jin at Shiyoon . Nakatingin lang sa labas si Shiyoon at si Jin mukhang seryoso.

Napatingin si Jin sa direksyon ko at ngumiti.

"K-kain tayo i-ce cream sa ta-as?" Sabi ko na nauutal. Eh hindi ko alam sasabihin ko e. Sinenyasan nya ko na lumapit. Tumingin sya kay Shiyoon na parang may sinasabi.

"Sorry." Mahinang sabi ni Shiyoon.

"Ano yun?" Sabi naman ni Jin na parang hindi nya talaga narinig.

"Sorry nga! Inaantok lang-" Napahinto sya nung makita nya ko. Bigla syang umiwas ng tingin. Nakatingin lang si Jin sa kanya. Tumayo si Jin at hinila ako papunta sa kwarto ko.

Nakatingin silang lahat samin dahil nakahawak si Jin sa may bandang kamay ko. Sa wrist lang naman. Agad itong binitawan ni Jin. Inagaw yung kutsara na dala ko at pinaupo ako sa kama.

"Oh ayan ice cream ah. Ubusin mo yan para tumaba taba ka na! Favorite mo yan diba? Rocky road yan eh. " Sabi nya na nakangiti. Kinuha yung ice cream at pinahawak sakin.

Intro: What Am I to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon