2장

9 0 0
                                    

Umalis din kinabukasan si Jungkook dahil busy nga daw ang sched nya pero hindi ko na sya nakitang umalis dahil maaga ulit akong pumasok. Ayokong malate sa trabaho.

Mas busy today kasi naipon lahat ng paperwork nung weekends kaya ang daming inuutos sakin. Ang sakit na nga ng paa ko dahil hindi ko magawang umupo.

Nagring yung phone ko kaya sinilent ko ito agad at tinignan kung sino yung tumawag. Si Yoonjae. Hindi ko sinagot kaya nagtext sya.

From: Unknown
Lorraine. Kinuha ko number mo kay Nanay ha. What time uwi mo?

Hindi ko sya nireplyan at pinagpatuloy lang ang trabaho ko. Malapit na rin naman matapos 'to.

Tinawag ako ng boss ko and sinabi na umuwi na ko dahil may meeting daw sya kaya di ko na kailangan magwork. 3 o'clock palang eh pinauwi nya na ko.

Dumaan ako sa isang store at nagpahinga muna saglit. Nakita ko sa TV si Jungkook. Tawag nga sa kanila ay BTS. I can tell na marami nga silang fans. Then suddenly, nagflash sa screen yung lalaki sa panaginip ko.

Di ko namalayang lumuluha na pala ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Di ko namalayang lumuluha na pala ko. Tumayo ako agad at nagmadaling umuwi. Lumagpas pa ko sa bababaan ko kaya naglakad pa ko. Ilang beses na kong natisod dahil hindi ako makapaniwalang sikat na sya ngayon.

May biglang humawak sa magkabila kong balikat kaya napasigaw ako sa gulat. Halos mangiyak ngiyak ako sa gulat na hindi ko malaman bakit.

"Uy. Lorraine, ako 'to! Sorry ginulat kita!" Kita sa mukha ni Yoonjae na gulat na gulat din sya sa naging reaksyon ko.

"Sorry, sorry. Wag ka nang umiyak!" Natatarantang sabi nya kasi nagsisitinginan na yung mga tao sa paligid. Out of nowhere, niyakap nya ko para di nila makita na umiiyak ako.

Inupo nya ko sa isang bench at binigyan ako ng tubig.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya na nagaalala. Nakatingin lang ako sa lapag. Bumuntong hininga sya.

"Natry mo nang umiyak dahil sa taong di mo naman kilala? No. Kilala mo pero di mo na maalala?" Tanog ko sa kanya. Halatang naguluhan sya.

"Huh? Pwede ba yun? Bakit? Ano ba ginawa sayo? Sino?" Tanong nya ng sunod sunod. Tinignan ko sya at natawa.

"Wala." Sabi ko at tumayo na. "Tara na." Yaya ko sa kanya pero sya mukahg di sigurado kung tatayo ba o hindi. Pero hinayaan nya lang ako. Naglakad lang kami ng tahimik.

"Ano ngang pangalan ng kapatid mo sa BTS?" Nagulat sya sa tanong ko.

"Bakit mo tinatanong? Ise-search mo no? Wag na. Mas gwapo ako kay kuya. Sinasabi ko sayo." Pagyayabang nya.

"Hindi yun. Ano nga? May ichcheck lang ako." Seryosong tanong ko sa kanya.

"Mamaya na. Pagkauwi natin. Malapit na din naman tayo." Sabi nya at ngumiti. Kumain muna kami at dumiretso sa terrace.

Intro: What Am I to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon