5장

2 0 0
                                    

Paalis na kami nang biglang dumating ulit yung kotse ng pulis at lumabas ang nanay ni Yebin. Lumapit siya samin at umiyak nang makita si Yebin.

Pilit namang sumasama si Yebin sa nanay niya.

"Pasensya na kayo ha. At marami ring salamat sa pagaalaga kay Yebin." Naluluha na sabi niya.

"Ah. Sya nga pala ang nanay ni Yebin." Sabi ng matanda. Yung itsura ng nga kasama ko di mo mawari.

"Sige po. Ingat po kayo. Mauna na po kami. Salamat po." Sabi ni Jin at niyaya na kami sumakay ng van. Tahimik ang byahe hanggang sa makarating kami sa carnival. Kaunti ang tao dahil weekday at tahimik lang kaming pumasok. Halatang malungkot sila na hindi kasama si Yebin.

Pero nung magumpisang sumakay ng rides bumalik ulit sila sa pagiingay. Si Jin tahimik lang na kumukuha ng candid shots nila.

"Jin! Akina yan. Ikaw naman pipicturan ko."

"Hindi okay lang."

"Hindi pwedeng wala kang picture dito. Amina." Inagaw ko sa kanya yung dslr. Napunta kami sa kung saan saan, salitan sa pagkuha ng litrato.

Nagpose sya sa may bandang fountain at bigla syang nadulas. Kaya nagcontinuous shot ako. Kitang kita kung pano sya nahulog. Lumapit sya at pinipiga ang damit nya. Tawa lang ako ng tawa.

Pero biglang napalitan ng lungkot nang bigla kong makita si Shiyoon na nakaupong magisa at parang may hinihintay.

May babaeng mahaba ang buhok, nakaschool uniform ang tumakbo papunta sa kanya. Ngumiti sya nang nakakasilaw. Binigay nya ang mga bulaklak na hawak nya. Tinanggap ito ng babae at niyakap sya nito.

"Akala ko hindi ka na dadating." Sabi ni Shiyoon.

"Pwede ba yun? Eh namiss nga kita!" Sabi ng pamilyar na boses. Eto yung second time na nakita ko syang sobrang saya.

"Huy. Lorraine. Okay ka lang?" Tanong ni Jin. At bumalik ako sa sarili ko. Another flashback.

"Ahh oo. May naalala lang ako." Napabuntong-hininga sya at nagslouch sa bench.

"Lorraine! Tara!" Sigaw ni Yoonjae at hinila ako papalayo.

"Sakay tayo dito!!!" Excited na sabi nya habang tumatakbo papunta sa napakalaki na ferry's wheel. Pumila kami at panay naman ang kuha nya ng litrato.

"Ngiti naman jan!" Sabi nya at ngumiti lang ako ng bahagya. Hinila nya ko dahil kami na ang susunod. Hindi sya mapakali sa loob. Panay ang kuha nya ng litrato.

"Gusto kita..." Sabi ng mahinang boses sa utak ko.

"Kelan mo ba ulit itutuon ang tingin mo sakin? Bakit lagi nalang si Hyung?" Tanong nung lalaking nakayuko. May tumulo sa sahig. Umiiyak sya? Hinawakan nya yung kamay ko. Napakalamig at putla ng balat nya.

"Alam ko mahirap para sayo pero please. Bigyan mo naman ako ng chance." Nagmamakaawang sabi nya at umiiyak na. Blurred parin ang mukha nya. Yung hoodie nya lang na pastel pink at headband na tenga ni Kumamon ang naaalala ko.

"Lorraine? Di ka pa bababa?" Tanong niya na nagaalala.

Napakapamilyar ng boses nya. Hindi si Jin yun. At sure ako dun.

"Ah. Tara na." Sinalubong kami nilang pito na tumatakbo. Umalis kami dahil may nakahalata daw na fan nila.

Kumain kami sa isang maliit na restaurant at walang tao. Pilit ko pa ring iniisip kung kaninong boses yun.

"Ang tahimik ata ni Lorraine ngayon?" Tanong ni V.

"Tahimik lang naman talaga yan. Ano ka ba." Sabi ni Yoonjae. Lumabas yung matandang babae at nagserve ng pagkain.

Intro: What Am I to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon